Chapter 2

1329 Words
"Salamat naman napag-isipan mo na dito ka ulit magserbisyo Lieutenant Mantala." "Yes Sir. Dito ako isinilang, kaya dito ako magsisilbi." Kausap ko ngayon si General Fuentebella. Iniwan ko ang pagiging FBI ko sa US, bumalik ulit ako dito sa Pilipinas at dito ko na ipagpatuloy ang serbisyo ko. "Malaking opportunity na naging miyembro ka sa FBI. No doubt. Napakagaling mo, kayo nila Santiago, Rivas, Walton at Santillan. Hawak naman ni General Cruz ang apat kong kaibigan. Nasa department naman ako ni General Fuentebella. "So ready ka na ba sa unang misyon mo?" tanong sa akin ni General Fuentebella. "Yes Sir!" "Okay, si Governor at Congressman ang babantayan mo sa Batangas. Ang hirap kumuha ng ebidensya sa kanila, parang may malaking tao o mas nakakataas pa sa kanila ang kanilang protektor." Kinuha ko ang litrato na inabot sa akin ni General. "Mga illegal ang kanilang mga negosyo. Umaangkat sila ng mga droga at mga illegal na mga baril." Napakagat naman ako sa aking ibabang labi. Kung alam lang ni General si Z at Jenny ay mga protektor din ng mga drug lord. Well, pati nga rin ako. Pero syempre ang mga kaibigan namin, labas sila sa mga misyon namin na huhulihin ang mga drug lord. "Okay. Kung mas maaga sana na mahuli mo na agad sila." Napatango na lang ako kay General. "Good luck, Lieutenant." Lumabas na ako sa opisina ni General Fuentebella. Hindi ako masyadong palakaibigan dito sa mismong departamento ni General. Wala lang akong tiwala sa mga kapwa ko pulis. Nakipagkita muna ako kay Jenny. Kanina pa panay ang tawag sa akin. Ducati lang ang dala ko kaya nakakaiwas sa traffic. Doon ako dumiretso sa Casa bar. Alas dos pa lang ng hapon, kaya may oras pa ako igayak ang mga gamit ko na dadalhin ko sa Batangas. Pagkapasok ko sa loob ng bar, nakita ko kaagad ang kaibigan ko na nakaupo sa counter. "Anong balita?" tanong ko kaagad kay Jenny. "Ito maganda pa rin," nakangising sagot niya. Umorder muna ako ng alak. "Ikaw, anong plano mo?" tanong naman ni Jenny sa akin. "Balik trabaho ulit ako, namimiss ko na rin ito, iyong may laro ng tagu-taguan," akangising saad ko sa kan'ya. Napatawa naman ito. "Bakit dito pa tayo nagkita? Puwede naman sa restaurant," aniya ko rito. "May sinusundan lang ako. Alam mo na, salot sa lipunan at kailangan na niya magpahinga," nakangising saad ni Rivas Itinuro niya ang lalaking mataba. "Gusto mo?" nakangising saad niya. "Let me handle this," aniya ko. Kinuha ko ang baril sa aking bewang at lumapit sa matabang lalaki. "Malas Gracias Senyor!"nakangising saad ko sabay tutok ng baril sa noo nito at binaril. Nagsigawan ang mga tao sa loob.Ang iba nagsi-takbuhan palabas. "Let's go."ani naman ni Jenny sa akin. Ngumiti lang ako sa mga bouncer.Kilala ako dito sa Casa bar.Ang may ari talaga nito ay si Tobby Geller. Kapag bago ka lang pumasok sa Casa bar, sadyang magugulat ka at matatakot.Pero kung ikaw ay matagal na pabalik-balik dito, normal lang ang p*****n dito.Bulag at bingi ang lahat ng saksi sa mga ginagawa namin. "Nasa akin ang mga baril mo, umalis kase si King."saad ni Jenny. "Ah sige, diyan muna sa iyo.Kukunin ko na lang kapag kailangan ko na." Sumakay na ako sa aking Ducati. "Alis na ako, bukas start na ako sa mission!" Agad ko pinaharurot ang Ducati ko. Sa condo na ako tumuloy.Pagdating ko, agad ko iginayak ang aking damit sa maleta.Kinuha ko ang tatlong klaseng baril at mga bala.Inilagay ko sa maleta.Mamayang madaling araw pupunta na ako sa Batangas. Maagad akong nakatulog at gumising ng bandang alas quatro ng madaling araw. Alas sais ng umaga nakarating na ako sa Batangas.Naghanap muna ako ng mauupahan.Tamang-tama naman may matandang babae ako nakilala.Tinulungan ko ito sa kan'yang dala-dala at isinakay sa traysikel. "Ako pala si Medy, kung gusto mo doon ka na lang magtrabho sa mansion ng Herrer, total naghahanap ka naman ng trabaho."nakangiting saad ni Aling Medy. Herrer? Pamilyar sa akin ang apelyido. "Ah sige po, kailangan ko po talaga ng trabaho." "Sige bukas pupuntahan kita dito sa bayan, dito tayo sa terminal magkikita.Dapat alas otso nandito ka na."aniya ni Aling Medy. "Sige po Aling Medy."nakangiting sagot ko. Nang makaalis na si Aling Medy, bumalik ulit ako sa loob ng palengke. Papasok muna ako bilang katulong.Kailangan ko muna i-plano ang lahat bago imbistigahan sina Governor at Congressman. Sa hotel na lang ako nagpalipas ng gabi, total bukas sa mansion ng Herrer na ako tutuloy. Pinag-aralan ko muna ang bayan ng Sto.Tomas, Batangas.Hindi ko pa masyadong saulado ang lugar na ito. Napabuga ako ng hangin. Pumunta muna ako sa hotel at nagpahinga na. Kinabukasan iniwan ko na lang sa staff ng hotel ang aking kotse.Nasa parking lot naman ito.Alas otso nasa terminal na ako.Tamang-tama nasa terminal na rin si Aling Medy. "Kay ganda mo, parang anak mayaman ka."aniya ni Aling Medy. Ngumiti lang ako. Sumakay na kami sa traysikel.Medyo malayo at palayan na ang dinadaanan namin. "Uuwi si Ulysses at ang asawa niya.Dito na sila titira.Sobrang bata pa ang asawa, anak ng negosyante na si Caden Salvacion."saad ni Aling Medy. Caden Salvacion! Small World. Tumigil ang traysikel sa napakalaking mansion.Parang luma na ito, pero makikita ang pagiging antigo, at sobrang ganda. "Halika na hija.Ano nga pangalan mo?" "Ah..Laila...Lilian pala po.." "Hay batang ito..oh sige Laila na.." Napangiti naman ako. Tinulungan ako ni Aling Medy ipasok ang mga gamit ko sa isang silid.Malaki ang silid at maganda ang loob. "Tig-iisa tayong silid dito, dahil marami namang kuwarto dito sa mansion." "Salamat po." "Ang gagawin mo lang tulungan mo ako maglinis at magluto.May tagalaba naman dito at hardinero.Fifteen thousand ang buwanang sahod at tuwing katapusan ito."mahabang paliwanag ni Aling Medy. "Sige po, wala pong problema sa akin." "Sige na magpahinga ka muna, mamayang tanghali tatawagin lang kita magtanghalian."aniya ni Aling Medy. "Sige po.Maraming salamat po." Lumabas na si Aling Medy.Nilipat ko muna ang mga damit ko sa kabinet.Hinubad ko ang suot kong jacket at t-shirt.Nagpalit ako ng cotton na long sleeve.Kailangan ko lang itago ang tattoo ko sa aking braso.Meron din akong tattoo sa dibdib, ito ay tattoo sa Viper Squads. Pagkatapos ko ilipat ang mga damit ko sa kabinet.Inayos ko naman ang higaan ko.Humiha muna ako at nagpahinga nang saglit. Bandang tanghali tinawag na ako ni Aling Medy para kumain. "Ay kagandang babae naman."saad ng isang kasambahay. Ngumiti lang ako sa kanila. "Ako nga pala si Angen at ito naman si Tresh." Nginitian ko lang ang dalawang dalaga. "Ano nga pala pangalan mo ganda?"tanong sa akin ni Tresh. "Lilian." "Puwede rin daw Laila ang itawag niyo."nakangiting saad naman ni Aling Medy. "Ay bakit ang dami mong pangalan."aniya naman ni Angen. "Ah..wala lang.."nakangibit na sagot ko. "Grabe ang ganda mo, parang ang yaman-yaman mo."namamanghang saad ni Tresh. "Mahirap lang ako, mukha lang mayaman pero walang pera."saad ko naman. "Kapag ako lumuwas sa Manila, maghahanap ako ng mayaman, kahit matanda okay lang basta mayaman."nakangiting saad ni Tresh Napakaganda ni Tresh at Angen.Mga inosente. Napapailing lang ako.Kapag ito ay nakasalubong ng mga bastardong Geller, sigurado wasak ang mga ito. "Ay ako din."hagikhik na saad ni Angen. "Tumigil nga kayong dalawa! Bilisan niyo na kumain at linisan ang kuwarto ni Ulysses, dadating na sila." "Si Manang naman eh, minsan lang kami nangangarap."nakasimangot na saad ni Tresh. "Pero si Sir Ross Walton na lang ang akitin natin, napakaguwapo!"hagikhik na saad ni Angen. Nagtawanan naman ang dalawang dalaga. Nandito pala ang kapatid ni Ann. Si Ross Viel Walton. Yeah, kilala ko sila.Si Senator Walton, ang dapat na patayin ko pero alang-alang kay Ann, iniligtas ko sa kamatayan si Senator. "Ahhh Laila..este Lilian...anong trabaho mo sa Manila?"tanong sa akin ni Tresh. "Ahh.. waitress, pero mababa ang sahod kaya umuwi ako sa Batangas, dito sa tita ko.Nakilala ko si Aling Medy at inalok ako ng trabaho." Kailangan ko mag-ingat sa bawat salita at galaw ko. Wala akong tiwala nasa paligid ko. Of course I'm a Soldier.Hindi ko alam kung kakampi o kalaban sila. Kailangan bukas ng gabi, mag-uumpisa na ako sa aking misyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD