DOVE “I’M SO SORRY, DOVE,” panay ang hingi ng paumanhin ni Ramiro sa akin. “Ano pa magagawa ko. Alangan habulin ko pa iyon,” inis na sagot ko rito. Nakasimangot naman ito. “Mala-palos din pala ang gagong iyon!” Umismid naman ako. “Malamang. Mukhang inosente lang yan tingnan. Haist! Akala ko ba malakas ang pakiramdam mo!” “Oo naman! Pero bulag pa rin ako! Saka di ko talaga naramdaman ang bawat galaw niya kanina.” Napahilamos naman ako ng mukha. “Uwi na muna ako.” “Hindi ka ba kakain? Oo nga pala, may nagha-hunting pa rin ba sa’yo?” “Wala na. Biglang naglaho na nga eh. Pero ayoko pa rin makampante. Doble ingat pa rin ako.” “Good. Tawagan mo na lang ako anytime.” “Sarili mo na lang intindihin mo. Baka may sumalisi na naman sa’yo,” saad ko rito at tumalikod na. Kailangan ko muna umu

