DOVE “CONGRATULATIONS!” Simple lang ang kasal namin ni Ross. Kinasal kami sa simbahan. Umuwi naman si daddy at walang katumbas ang saya nito nang malaman niya na nagdadalang tao ako. Kahit si Uncle Caden, masaya na rin ito sa akin. “Can we talk?” aniya naman ni Ziena sa akin. Nasa reception na kami. Kumpleto naman ang mga kaibigan ko. “Sure. Paalam muna ako kay Ross.” Saglit ko muna pinuntahan ang asawa ko, at nagpaalam rito. “Mag-uusap lang kami ni Ziena.” “Okay, love. Ako na ang bahala sa bisita.” “Thanks, asawa ko,” sabay halik ko sa kan'yang pisngi at umalis na. Agad ko naman pinuntahan si Ziena. “Ahmm..may pupuntahan tayo,” aniya ni Ziena. “Huh? Akala ko ba, mag-usap lang tayo.” “Yeah, pero may pupuntahan pa tayo.” Wala na ako nagawa at sumama na rito. Medyo malayo-layo

