DOVE "PASENSYA ka na ineng kung ganito lang ang hapunan natin," malungkot na nilapag ni Aling Lagring ang ulam na tuyong isda na walang ulo. Alas-singko pa lang, naghain na ng hapunan ang mga ito. "Masarap man o hindi ang nakahain, magpapasalamat pa rin po tayo sa grasya na nakahain," nakangiting hinawakan ko naman ang kamay ni Along Lagring. Umupo naman sa tabi ko si Angen. "Napakabait mo, Laila," aniya na nakangiti ito. Habang kumakain kami, kinuwento naman ng mag-asawa ang mga nangyayari dito sa kanilang bayan. "May nagpaabot na rin sa nakakataas sa mga nangyayari dito pero nagtataka kami na wala pa rin tumutulong sa amin dito," aniya ni Mang Magno. Hindi naman ako umiimik. Hanggang matapos na kaming kumain, ayaw naman ng mag-ina na tutulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan nami

