Ayoko mabulyaso ang lahat ng plano ko. Habang abala kami sa aming pagkain, bigla na lamang may bumagsak sa aming mesa. "Cindy?!" gulat na saad ni Kurt na napatayo pa ito. "Siya ba?! Kaya ka ba nakipaghiwalay sa akin dahil sa waitress na iyan?!" aniya ni Cindy na galit na galit sa akin. Pasinmple naman akong napangisi. "Damn, Cindy! Huwag ka dito mag-iskandalo!" mahina at diin na saad ni Kurt rito. Tumayo naman ako at humarap sa binata. "Akala ko ba wala na kayo. Ayusin mo ito Kurt, kung ayaw mong iwanan kita," saad ko at lumabas na ng restaurant. Sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad. Abot kamay ko na ang lahat. Si Kurt Fuentebella. Ang lalaking makakatulong sa mga plano ko. Ilang araw na iniiwasan ko muna ang binata. Pero araw-araw itong pumupunta sa rest

