RHENZ "HINDI ko talaga maintindihan ang ugali ng mga babae," reklamo ko at kaharap ang mga kaibigan ko sina Dos, Javi at Damon. Nandito kami sa bar na pag-aari ng magkakapatid na Geller. Actually, sina Tobby at Tucker na ang namamahala ng bar ito. "Bro, kapag mahal mo, maintindihan mo rin iyon," natatawang sagot ni Damon. I know Damon is happy with his wife. At nakikita ko sobrang hands on niya sa lahat, at lalo sa mga anak niya. Ganoon rin si Dos. Pero si Javi, wala pa ring plano na lumagay sa tahimik. I don't know the real score between him and D. Pero si D kasi, parang nakakatakot maging asawa ito. D is a police officer, kasama din nito sila Jenny, Bea at Z. "Ginusto mo naman, 'di ba? So, tiisin mo," aniya naman ni Javi. Napabuga naman ako ng hanging. Kahapon kasi nag-away kami n

