Alas singko ng hapon ako umuwi sa mansion. "Yaya." nakangiting bati ko kay yaya Nessa. "Van! Ang batang ito, pasulpot-sulpot ka lagi!" Sermon ni yaya. Napatawa naman ako. Si yaya Nessa ang halos nagpalaki sa aming tatlo. Matanda na rin ito. "Sila Mommy po?" "Tulog ang Mommy mo, ang iyong Daddy nasa library, kakahatid ko lang ng kape." "Ah sige po. Puntahan ko muna si Daddy." "Dito ka ba kakain ng hapunan?" Tanong ni yaya. "Yes po, pero sa condo ako matutulog." Agad na akong umakyat sa library. Kumatok muna ako bago pumasok. "Dad?" "Van." agad lumapit si Daddy sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Kamusta ka na?" nakangiting tanong ni Daddy. Magaling magsalita ng tagalog si Daddy. Dito talaga siya lumaki sa Pilipinas. "I'm doing good Dad, ikaw? Kamusta ang business?" umupo ako sa

