Aliyah's POV "Okay ka lang?" Tanong sakin ni Cyrus "O-oo. Hay. Nakakapagod tumakbo." Naupo ako sa ilalim ng puno dito sa tambayan namin ni Cyrus, sa garden sa likod ng University. Ever since manalo kasi kami, lagi ng may mga taong humahabol samin at nag bibigay ng kung anu-anong regalo. Kung hindi naman, nang hihingi ng autograph at nag papapicture. Yung mga scenariong ayaw na ayaw ko. Buti at nagkakasundo kami ni Cyrus na pareho naming ayaw yung ganon. Lagi kami magkasama tuwing tataguan namin ang lahat. Araw-araw ganito yung ginagawa namin. Nakakapagod. Ayoko talaga ng ganto. "Anong iniisip mo?" biglang tanong ni Cyrus. Katabi ko na pala siya. Kanina kasi nakatayo pa siya. "Iniisip ko lang, mang yayari pa kayang magiging tahimik yung buhay natin? Yung walang tinatakasan at tinatakbu

