After we discussed the contract ay nagkaroon pa kami ng chikahan sa loob ng conference room. What I didn't know ay medyo madaldal pala itong si Natalie and I find it amusing. Kaya naman ay madali silang nagkasundo ni Claudia na isa ring madaldal. Halos silang dalawa lang naman ang nag-uusap habang ako ay lihim na pinagkakaabalahan ang cellphone ko. I'm texting Soren dahil hindi na ito bumalik sa conference room mula nang biglang mag-walkout. Nababahala ako baka nainis iyon sa pinag-uusapan namin kanina about doon sa blind date. “Oy, ikuwento mo naman kung saan mo nakilala si Soren, Natalie? Well knowing him, hindi naman iyon nakikipagkaibigan sa mga babae kaya big deal sa 'kin nang malaman kong close pala kayo.” Nagkaroon ako ng interes sa bagong paksang binuksan ni Claudia. Nakita

