Anong kagagahan ‘yong ginawa ko sa ibaba? I just stupidly walked out! Umalis ako… hindi dahil may ginawa siyang masama, kundi dahil hindi ko kinaya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Natalie. Pinag-uusapan niya si Soren na parang sila na. Parang sure na sure na ang future nilang dalawa. Parang normal lang sa kanya na mangarap ng anak kasama ang lalaking matagal ko nang minamahal. At ako? Ang tanga ko para ipahalata ang sakit. Ang tanga ko para ipakitang ayokong marinig ang mga pangarap niyang… Ang mga pangarap niyang matagal ko na ring pinapangarap. Alam kong kailangan kong bumalik sa ibaba. Ayokong isipin nina Sabrine at Natalie na bastos ako o walang modo. Kailangan ko lang ng disenteng dahilan, kahit isa lang na hindi na magtatanong pa sila. Tama. Magbibihis na lang ako. Sa

