Mag kahawak kamay kaming pumasok sa isang mall malapit sa school ng mga anak ko. Nagyaya kasi si Zayne na kumain sa labas matagal tagal na daw kasi kaming hindi lumalabas. Sobrang busy kasi ni Kiro sa companya nya at kahit ako man ay nawawalan ng oras kapag nasa Cake shop ako. Yes, may napatayo na akong cake shop ito ang bunga ng paghihirap ko. "What do you want kids?" Tanong ni Kiro sa dalawa. Inirapan ni Zeus ang daddy nya at tamad na tumingin saakin. Si Zayne naman ay busy sa pagpili ng makakain nya. "Zeus pumili ka na wag nang matigas ang ulo okey?" Paglalambing ko sakanya. Kahit ganyan ang trato nya sa daddy nya alam kong mahal nya ito. Di lang talaga showy si Zeus sa nararamdaman nya. Napabuntong hininga ito at nagsimula ng pumili nang kanyang pagkain. "Manang mana sa ama" pagp

