Nagising ako dahil sa sunod sunod na putok ng baril galing sa labas. Pawis na pawis na tumakbo papasok si Zeke "Dumapa ka!" Kahit nalilito ako ay sinunod ko ang sinabi nya. Eto na naman ang kaba na nararamdman ko parang lalabas ang puso ko. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit palagi nalang kaming pinapaulanan ng bala amp "Ano bang nangyayari?" Tanong ko sakanya habang nasa paanan kami ng kama Di ako kinibuan nito. Nanatili lang syang naka yuko sa tabi ko habang may hawak na cp. Parang kakapusin ako ng hininga dahil sa kaba. "Hello. Damn Kiro.Faster. I need a back up!" Bang bang bang bang Pakiramdaman ko mawawalan ako ng malay sa sobrang kaba. Kahit naka aircon na sa kwarto ko ay tagaktak parin ang pawis namin ni Zeke. "Bakit ba?! Tang'na naman oh Zeke. Ano bang nangyayari?!" Inal

