Paulit ulit na bumabalik ang mga salitang binitawan ni Zeke sa utak ko. Normal? Kagaya ng gusto ko? Bakit abnormal ba sya? Tch. Ang adik lang maka emote eh no? Haha. "Why are you smiling? Idiot" Pinitik nya ang noo ko dahilan para magising ako sa pag papantasya ko. "Ganyan kaba manligaw ah?" Humalukipkip ako. "I am who I am" Bagot nyang sagot Sinamaan ko lang sya ng tingin, nakaka asar talaga ang lalaking to. Napaka moody, "Bahala ka nga dyan!" Inis na bulyaw ko sakanya bago ko sya talikuran "Magbihis ka. Aalis tayo" "Bakit? Mag dedate ba tayo?" Blanko ang expression nyang tumingin saakin "Yeah" Bagot nyang sagot Tinalikuran ko lang sya at umakyat sa taas. Sobrang lawak ng ngiti ko. Akalain mo yun niyayaya ako ng date ng lalaking to. Ano bang dapat kong isuot? Dress? Short? Jean

