*Alex POV*
'our little conversations
'had turned in into little sweet sensations
'And they're only getting sweeter every time
"nakauwi na kaya yung mokong na yon?
"Ewan! 'bat di mo tawagan? - biglang sagot ni stef. nadinig nya pala sinabi ko,nakahiga ako sa kama ko ngaun nakatingin lang sa kesame.
I just rolled my eyes.
'Our friendly get-togethers
'had turned in into visions of forever
'If I just believe this foolish heart of mine
andito si stef sa kwarto ko nakikigamit ng laptop ko. abala sa pakikipag chat sa boyfriend nya sa sss. magkasama lang sila kanina ah.
'I can't pretend
'that I'm just a friend
'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be
"Patayin mo nga yang kanta! - ang ingay kasi. bukod pa sa bigla biglang tumitili at parang nangisay sa kilig sa ka chat nya sumasabay pa yung kanta mula sa laptop. esama mo pa yung ingay ng mga patak ng ulan sa bubong.
"KJ nito! ganda kaya ng kanta.! sapol ka lang eh! - ano daw? sapol?
"Ano pinagsasabi mo?
huminto sya sa pag tatype at tumingin sakin.
"sapol! di mo alam?
nakakunot noo lang ako nakatitig sa kanya.
"Okay ganito pakinggan mo yung kanta ng mabuti at sabihin mo sino ang naiisip mo at naalala sa kantang to!
lalo kumonot ang noo ko sa pinagsasabi ng babaeng to.
"your thinking with lucas right? -tanong nya. napaisip ako, Eh! kanina ko pa naman talaga sya naiisip eh dahil sa inis ko dun! sumama ba naman sa empaktang babae na crush kuno nya!
"Oh di ka nakasagot?
"Hindi ko sya iniisip! - sagot ko sabay irap sa kanya.
"Indenial day! dont me couz. i know you at halata ka masyado! - napatingin namn ako sa kanya. tama ba naririnig ko nag english sya?
"may pa couz-couz ka ngaun ha! ano ba yang pinagsasabi mo? hindi ako indenial! at kung iniisip mo kung may gusto ako sa bestfriend ko. wala! at di ko sya type!
"mas sosyal yung couz kesa sa insan!
hay naku alex yan ang sinasabi ng bibig mo pero hindi ang puso mo!
kaloka ang weird lang nitong pinsan ko. naka singot ata to ng rugby ngayon eh kung ano ano pinagsasabi.
"kelan kapa nakakarinig ng sinasabi ng puso aber? dami mong alam kaloka!
"duh! kitang-kita ko ano kung paano mo sya tignan,kung paano mo sya titigan. naisip ko nga eh na baka nga wala lang yan kasi sa dami dami ng lalake pwede mong gustohin yung bespren mo pa na dinaig pa ang buhok ni Andres Bonifacio. kaya nga lang napapansin ko na eh sa tuwing babangitin nya yung trisha na yon nakabusangot agad yang mukha mo. kanina na badtrip ka ng sumama sya doon sa crush nya. kahit di mo aminin halata na nagseselos ka kanina. kahit pa ulit-ulit mong edeny yan. hinding hindi mag sisinungaling yang mga mata na naniningning sa tuwing nakikita mo yang bespren mo.
natahimik ako sa sinabi nya.
(Flashback)
"ano ba panunuorin natin? - tanong ni lucas habang nag titingin ng mga dvd. nagpunta sya dito sa bahay nag aya na mag movie marathon kami.
"kahit ano basta wag lang horror. - sagot ko.ayuko talaga kasi ng horror.
"duwag mo insan! - sabi ni stef habang nag hahanda ng meryenda namin.
"alam mo ba bespren na may benefits ang panunuod ng mga nakakatakot na pelikula?. base sa mga experto sinasabi nila na watching horror movies burns nearly 200 calories a time. and it is one of the most entertaining ways to lose calories. - napanganga naman ako sa sinabi nga kaloka talaga tong taong to.
"kahit ano pang sabihin mo ayuko! kayo nalang manuod kung gusto nyo ng horror! - sabay irap ko sa kanya.
"ako na nga! - presenta ni stef sya na tumitingin ng mga dvd.
"ano yan stef?
"basta maupo ka lang jan. dont worry di to horror.
naupo na kami sa couch. magkatabi kami ni lucas habang si stef na sa isang solong upoan. may dala dala syang ibowl na puno ng popcorn.
seriously? kim chiu? gerald anderson? kaloka talaga tong pinsan ko. 'paano na kaya' yan yung pamagat ng movie. matagal na yang movie na yan pero di ko pa napanood yan. tinignan ko si lucas seryoso itong nakatingin sa tv.
'eh kaya nga may bestfriend di ba? pinkabest na pinakafriend na lagi kang anjan para sa kanya aalagaan mo sya sususportahan mo, kahit nasasaktan ka na.
(lines from the movie)
nasakalagitnaan na ata kami ng movie. tinignan ko yung katabi ko. kaya pala walang imik nakatulog na pala. dahan-dahan ko kinuha ang eyeglassess nya nagulat nalang ako ng biglang sumandal sa balikat ko ang ulo nya.
biglang lakas ng kabog ng dibdib ko. at parang may mga paruparu sa loob ng tyan ko. wierd lang.
"hoy! wala jan ang tv! -sigaw ni stef nakangisi. di ko namalayan tagal ko nakatitig kay lucas.
wierd!
(End of Flashback)
"dami mong alam bruha ka! kahit ano pang sabihin mo wala akong gusto sa kanya! concern lang ako sa bestfriend ko. ginagamit lang naman kasi sya nung trisha na yon at ang mokong nagpapagamit naman! tanga lang! hay ewan. saka mahal ko yon bilang kaibigan. yun lang! - pagtataray ko kay stef. loka talaga tong babaeng to. at bakit naman ako magkakagusto dun?
"hhmm..Okay sabi mo eh. kakainin mo din sinasabi mo. - sabi nya at bumaling nasa ka chat nya.
di nako nagsalita.
paano nga kung may gusto na ako sa kanya?
pero bakit?
ay ano ba yang pinag-iisip ko!
"Bespren! Alex.... yohooo.. bespren!
-sigaw mula sa labas.
lucas yun ah. ano ginagawa nya dito eh ang lakas pa naman ng ulan. dali dali akong tumayo at binuksan ang bintana ng kwarto ko.
si lucas nga basang basa sa ulan. nawala yung ayos ng buhok nyang mala jose rizal.
at...
at biglang nag slow 'mo ang lahat.
'I think I'm fallin',
fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you
oh my!
Am I?
Am I fallin in love with my bestfriend?
shit!