*Lucas Pov*
"Ibalik mo na yung bespren ko namimiss ko na sya. hindi na kita kilala kaya umalis kana.
And there I was stunned!
damn!
parang may kung anong tumusok sa dibdib ko sa sinabi nya.
God what I have done?
"B-bes ako parin to. Please pakinggan mo naman ako. Im so sorry! - pakiusap ko sa kanya.
Nakatalikod parin sya sakin kaya dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya.
"Okay lang sakin kung ako lang lucas, kaya ko,kakayanin ko. wala akong pakialam kung bigla mo akong iwan at sumama sa mga bago mong kaibigan. pero sana wag mo naman kalimutan yung nanay mo. - seryosong sabi nya na nakatingin padin sa picture ng mamang nya.
nakaupo lang ako sa tabi nya at nakayuko.
"Alam mo bang pinag alala mo sya ng sobra? kung nalaman ko lang agad na sa bar kayo pumunta sinugod na sana kita para ihampas yang ulo mo sa sementong pader ng matauhan ka. Ok lang naman eh kung gusto mo ng ganyang buhay tulad ng sa babaeng minamahal mo pero sana lucas enumber 1 priority mo nanay mo. madaming mga babae lucas kung mawala man yang mahal mo makakahanap kapa.Pero ang nanay hindi nag-iisa lang yan. Pasalamat ka buhay pa nanay mo kaya pahalagahan mo. - tinignan ko sya habang sinasabihan ako kita ko yung sakit,inggit at pangungulila.
diko namalayan tumulo na pala ang luha ko. di nadin ako nakatiis.
hinila ko sya palapit sakin at niyakap ng mahigpit. nagulat sya nung una,naramdaman nya sigurong umiiyak nako hinayaan nya nalang ako at niyakap ako pabalik.
I know it's my fault. nasaktan ko si bespren dahil iniwan ko sya worst nakita nya pang umiiyak ang mommy ko sa pag-alala sakin.
I think I need this
We need this
Just this hug para kahit papano gumaan yung pakiramdam namin.
"Im sorry bes. promise di na mauulit! - parang batang sabi ko habang umiiyak. I know it sounds gay but I don't care. iyakin talaga ako. first time nagalit sakin si alex at mommy ko sakin dahil sa kapabayaan ko.
"Ssshhh kalalaki mong tao iyakin ka. tahan na nga. - sabi nya habang inaayos yung buhok kong nagulo dahil sa kakaiyak.
"Bati na tayo. - naka pout kong sabi.
tinaasan nya ako ng kilay nung una pero katagalan napatitig sya saking mga mata. agad naman syang nakabawi at nag iwas ng tingin.
huminga sya ng malalim bago nagsalita.
"hay.. may magagawa pa ba ako? matitiis ba kita? - nakangiting sabi nya sakin.
agad naman akong napangiti sa kanya. kaya mahal na mahal ko tong bespren ko eh. napakabait at maaalalahanin.
"Thank you bespren.- pasalamat ko saka niyakap ng mahigpit.
"lucas nakakarami kana. lumayo ka nga ! bwesit toh! - masungit na sabi nya. akmang yayakapin ko ulit sya ng hampasin nya ako ng unan.
"Ahh ganun.. ito pala gusto mo ha! - kumuha ako ng unan at hinampas sa kanya mahina lang naman kasi babae padin sya.
tawa kami ng tawa habang nag pipillow fight.
"haha tama na ayuko na.. - sigaw nya habang tumatakbo palayo sakin agad ko naman syang hinabol.
"huli ka! haha - bigla naman syang napatili. binuhat ko sya ng bridal style pero dahil sa kalikutan nya na out of balance ako at bumagsak kami sahig.
ouch! sakit ng likod ko.
napahiga ako at nakapatong sakin si alex.
nakapikit sya,nakangiti naman akong nakatingin sa kanya.
unti-unti nyang binuka ang mga mata nya. at dun ako natigilan.
ilang beses ko na nakikita ang mga mata nya pero bakit parang mas lalo itong gumanda ngayon. para akong nahihipnotismo. i don't know for how long we're staring each other.
bumaba yung tingin ko sa mga labi nya and damn! di ko alam kung ilang beses ako napalunok. napaka pinkish ng mga ito at para akong na tetemp na tikman ito. I wonder what it taste like.
pumikit sya ulit at unti-unting bumaba ang kanyang ulo palapit sakin. At ito naman ako handa syang salubungin.
napapikit din ako at nag aantay sa mga labi nya.
dumikit yung ilong nya sa ilong ko, kunti nalang.
*ring...ring...ring...
"Aray ko! -daing ko ng biglang tinukod nya yung kamay nya sa mukha ko at dali daling tumayo.
agad din akong bumangon at napakamot nalang sa ulo. nakatalikod sya sakin habang may kausap sa telepono.
Awkward!
ano ba iniisip ko?
mali to! ano ba pumasok sa utak ko at muntik ko ng mahalikan ang bestfriend ko.
"Si papang tumawag. ahm.. ano.. tinatanong kong andito kapa, sinabi siguro ng pinsan kong matabil ang bunganga. - ngumiti at tumango lang ako. andun parin yung awkward kahit nagsalita na sya. di to pede.
ayuko magkailangan kami ng nag iisang bespren ko.
"Tara? labas tayo, treat ko! - masayang yaya ko.
"eeehh next time nalang!
"bespren naman hayaan mo naman ako makabawi sayo. nood lang tayo ng sine at kakain. sege na please! - pakiusap ko with matching puppy eyes. pinaikutab lang ako ng mata.
" Fine! - sabi nya.
" Yes! mag ready kana sa labas na kita aantayin. - nakangiting sabi ko pero tinaasan lang nya ako ng kilay alam ko na kung ano klaseng mga tingin yan.
"Promise aantayin kita! di ako mawawala! di ako aalis! ✋- pangako ko sa kanya,lumiwanag naman ang itsura nya at ngiting tumango.
Nandito kami sa mall alex kakatapos lang namin manood ng movie. naisipan namin mag arcade. namimiss ko na din mag arcade kasama sya.
masaya kaming nag laro ng basketball at iba pa. pilit nyang kinukuha yung spongebob na stuff toy kaso di nya magawa. sinubukan ko din kaso ayaw napakamot nalang ako sa ulo.
"hayaan na nga yan. tara dun tayo oh sa dance machine sayaw tayo. - masayang yaya nya sabay hila sakin. napangiti nalang akong nailing sa kanya.
"ikaw nalang bes daming tao oh nakakahiya. - tanggi ko. madami naman talagang tao nakakahiya. di ako sanay.
"Ang kj nito dali isa lang sabayan mo na ako. - nakapout na sabi nya. napalunok ako bago tumango ano paba magagawa ko di ko naman to matiis.
pwepwesto na sana ako ng may lumapit na babae at hinamon si bespren. kinutungan ko pa para di ako kulitin na sumayaw. wala ng nagawa si bespren pumayag nalang bata pa yung babae nasa 14 to 15 yung edad nya. nakita nya daw kasing umaayaw ako kaya sya nalang daw.
"Sege sa gilid ka muna bespren,pero pagkatapos nito kailangan ikaw naman yung sumayaw. -sabi nya.
haistt naman kala ko naman makakaligtas ako.
nagsimula na silang umindak at masasabi ko talaga magagaling sila lalo na si bespren kahit astigin to malambot parin ang katawan nito pagdating sa sayawan.
umulit ulit sila hanggang naka tatlong round. diko namalayan na napangiti akong nakatitig kay alex.
Aminado naman ako maganda talaga yung bespren ko kahit di sya mag ayos.
sa tagal ng pagtitig ko sa kanya parang sya nalang nakikita ko sa paligid.
nakaramdam na ako ng ganitong pakiramdam. kung di ako nagkakamali ganitong ganito yung naramdaman ko kay trisha nung sa bar. but this time parang nag slowmo lahat ng galaw ni alex. bigla akong na alarma ano ba tong pinag iisip ko!
"Hoy! ano ba halika na sayaw na tayo para makaalis na tayo. ok ka lang ba? kanina kapa tulala dyan? - untag sakin ni alex.napabalik naman ako sa realidad sa pag-iisip.
"O-Oo ok lang ako! pero bespren alam mo naman wala akong talent dyan eh! tara na kain nalang tayo. - sana pumayag. (silent praying)
"No! di tayo aalis pag di moko sabayan sa pagsayaw! - nakacrossed arms na sabi nya.
Ugh!
"S-Sege na nga! - pagsuko ko. baka maging amazona pato eh mahirap na mabugbug pako.
"Great! let's dance na. - masayang sabi nya sabay hila sakin.
Una nahirapan ako sa pagsunod sa screen pero kalaunan natutunan ko na pano at nakasabay nako kay alex.
"whooh sabi sayo madali lang eh. mabilis kapang matoto tapos magaling kadin sumayaw! bespren talaga kita mana ka sakin haha. - masayang sabi ni bespren. unexpected yun pero sobrang nag enjoy ako.
"Nakakahiya nga eh daming nanood! saan mo pala gustong kumain bes? - pag-iiba ko. Gutom na din kasi ako. napagod ako dun sa arcade.
"Hhmmm kahit saan basta libre mo. - nakangiting sabi nya. loko talaga to!
nginitian ko lang sya at inakbayan.
Dinala ko si alex sa japanese restuarant gusto ko din kasi matry mga pagkain dun. may ipon naman ako saka minsan lang to kaya dun ko naisipan sya dalhin.
"teka sure ka ba dyan tayo? may pera kaba? sa jollibee nalang tayo bes. - may pag alalang sabi nya.
"Sus di kita dadalhin dito kung wala akong pambayad,saka bespren minsan lang to!para maiba naman at makatikim tayo ng mga pagkain nila. -sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa loob.
Paupo na sana ako ng may nahagip aking mga mata. natigilan ako ng mapagtanto ko kung sino.
si trisha!
umiiyak si trisha.
tinignan ko pa kung may kasama ba sya pero wala.
napatingin ako kay alex.
"Busog pa pala ako. Sege na puntahan mo na! - tinignan ko lang sya at bumaling ulit ng tingin kay trisha. tumingin ulit kay alex.
shit!