“Handa na po ang sasakyan panginoon.” Sa library nakita ni Revin ang amo, gaya nang dati ay malalim ang iniisip Nito habang nakatingin sa papalubog na araw, di kalayuan sa bintana nitong may makapal na kurtina.
Though covered with a very thick dark cloth, Revin could also see through the window with his razor sharp eyesight. Then he watched his master's back, still in awe of the sheik's different demeanor.
Walang katulad si Caleb sa kasimplehan nitong mamuhay bilang 2nd level sheik na direct descendant mula sa royal family of vampires. Though he automatically inherited wealth and privileges that came with his title, simple lang ang villa nito sa liblib at malawak na lupain sa Silangang bahagi ng mundo. Meron lang rin itong iilang markadong pagkain at nag-iisang rafa.
Revin, a first-class rafa, is Salome's creation though. Salome compelled him to serve Caleb with all his loyalty, strength, and even his life. Bilang pang limang rafa ni Caleb sa loob ng limang daang taon, he will remain his servant for as long as he doesn't have rafa of his own. Once he did, bibigyan sya ni Caleb ng yaman para bumuo ng sariling household at pamilya. Itatalaga rin sya ni Caleb sa isang bahagi ng mundo kung saan patuloy syang tutulong maghanap ng mga historical at religious artifacts na kailangan ng sheik. Though all Caleb's Rafa have a stronger sire bond and loyalty with Salome, they grew fond of the sheik's way of living and learned to respect human lives as well.
Dahil alam na hindi pwedeng istorbohin si Caleb sa tuwing ito ay nagmumuni-muni, matyagang naghintay si Revin sa susunod na utos nito.
******
Pinagmamasdan ni Caleb ang papalubog na sikat ng araw. The sun, with its heat unable to touch his skin for the past five hundred years, is humbly giving way to the darkness where Caleb now belongs.
As the night grew pitch-black, Caleb knew it's time to leave for Kamara for his annual inspection. Kailangan nyang siguruhin na buhay pa ang treaty of Avlam sa puso ng mga tao at isip ng mga rafa. The treaty has been in effect for hundreds of years. Nakasulat ang mga nakatakdang batas na dapat Sundin ng lahat patungkol sa kalakalan ng pagbebenta ng mga taong gagawing pagkain ng mga kagaya nyang nilalang ng dilim
Before the signing of the treaty, the world was at war as Jabezzite warriors and Kein's children of the night continued their deadly feud. Sa huli ay mga walang kalaban labang mga tao ang naiipit sa gyera. To preserve the human race and prevent its extinction, Caleb proposed a resolution to stop the war.
Alam ni Caleb na hindi lahat ay sumusuporta sa treaty, meron pa ring mga pang-aabuso sa mga tao na nangyayari ng palihim. This is the reason why Caleb makes sure that the treaty is being respected and followed by all involved, especially in Kamara.
He heard that Jabezzite warriors are still attacking territories managed by rafa. Alam nyang hindi basta-basta aatake ang mga taong liwanag ng walang valid na dahilan. Yet the world is changing, matagal na syang walang balita tungkol sa Hebron. Hindi na rin nya kilala ang mga namumuno dito at kung Paano ang mga ito mag-isip sa panahon ngayon.
This tension made Caleb anxious for the past few years. If the abuses of the treaty is real, people from Hebron will not tolerate them and can turn their back on their promise to keep the world at peace.
Naalala nya ang huling usapan nila ni Azem nung nakaraang taon sa Kamara habang pareho nilang binabantayan ang bentahang nagaganap sa malaking pamilihan.
******
“Come on bro! Loosen up! Ginagawa naming lahat, alam mo naman yan di ba?” Si Azem ay direktang anak ni Caiphaiz, na kaisa-isang anak naman ni Kein, ang dyos ng mga bampira.
“Alam ko nga ba?” Sarcastic na tanong ni Caleb.
“Yan ka na naman eh, feeling mo lagi kang outsider. You are one of us now, your inputs are important.” Tinapik pa ni Azem sa balikat ang katabi.
“Hindi sa mga kapatid mo..."
“Yun lang, sorry naman. Ang gulo-gulo nyo kasi nila Salome eh, but my father and I have always been fair to you, though.” Bilang pinakabata sa magkakapatid na royal blood, cool lang kausap si Azem. Minsan nga lang ay naiinis si Caleb sa pagiging batang isip Nito na parang happy-go-lucky lang humarap sa mga problema ng mundo.
Totoong mabuti ang pakikisama nila Azem at Caiphaiz sa kanya kahit napakadalang nyang makita ang pinuno ng royal household. The resentment of Azem's siblings, specially Khadiz, is justifiable yet Azem's intention for being kind and close to Caleb is always questionable. After all ay 2nd level sheik lang sya na ginawa ni Salome, anong interest meron sina Azem at Caiphaiz para makipag-mabutihan sa isang tulad nya? Caleb always wonders.
“Gusto ko lang namang maayos mapatupad ang treaty para sa kabutihan ng Lahat lalo ng mga tao." Patuloy ni Caleb.
“Ang bait mo talaga sa mga tao noh? Naaalala mo pa rin ba nung tao ka pa? Tagal na rin nun ha.” Hindi na maalala ni Azem, libong taon na syang bampira Samantalang nasa early 20’s lang ang human age nya.
“Hindi yun ang point. Taking care of humans is favorable to our kind more than anything.”
The treaty is simple when they first signed it in Avlam, part of the world where the two races of light and darkness met to plan a better future for humans. Napagkasunduan nilang ang mga tao ay bigyan ng kalayaang mamili kung magpapamarka sila at magbebenta ng dugo bilang alipin. Kailangan ding bigyan ng priority ang pagpaparami ng populasyon ng mga tao, limitahan ang paggawa ng mga rafa, at magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo.
Caleb fought hard for the realization of the treaty alongside Salome. This is the only reason why Caleb became at peace with who he became which he loathed so much.
“Oo naman." Azem agreed. “Lifeline natin ang dugo ng mga tao, importante sila sa ating lahi.”
“Pero ang balita ko ginugutom pa rin ang ibang community para mapilitan Silang magbenta ng sarili.”
“Hindi ko balwarte ang food supplies ng mga tao, pero don’t worry bro, I’m still investigating that.” Sa Security, protection, at military naka-assign si Azem.
“Pero yung balwarte mong pagsugpo sa mga rufus at shallit parang walang nangyayari. Wars between vampires and people of the light may have stopped but the world is not truly at peace.”
“Aray ko naman sa libreng insulto!” Natawa si Azem. Bumuntong hininga si Caleb, frustrated lang sya.
"Maybe that's what we like about each other. We don't kiss ass.”
“True, ikaw lang ang matapang na kayang ipamukha sa akin na wala akong ginagawang mabuti sa trabaho ko.”
Natawa si Caleb, pero hindi pa rin sya apologetic. Sa ganitong pagkakataon ay na-appreciate nya ang pagiging cool ni Azem for not taking things personally when he critics the royal vampire's work.
Caleb must admit that he developed a bond with Azem through the years. Maybe it's because they are from the Asian Mediterranean race. Azem is pure though, judging from the hair on his face and body while Caleb has a mix of Malay race, making his bronze skin smoother. The bond that they formed made them critic each other frankly, which makes them respect each other all the more.
“We are looking into possible virus or mutation kaya dumadami ang mga shallit at Rufus sa mundo. Gumagawa na kami ng vaccine na pang-protekta sa atin laban sa virus na ito.”
Caleb smirked, he knew a lot about vaccines. Humans have a long history of failed vaccines in the old times. Vaccines noong 21st century ang dahilan kung bakit nagdilim ang mundo, according to the historical documents that he restored and is still studying.
“Balita ko madalas ka ring mapalaban sa mga Rufus at shallit. Have you considered working for me?”
Caleb smiled, work for Azem as his warrior? Tempting, but his heart is in the east where he can protect humans better. Besides, he may work 'with' Azem but not 'for' him, may pride pa rin si Caleb sa sarili.
“No? Pag-isipan mo rin bro, I miss fighting with you.” Nakuha ni Azem ang pagtahimik ni Caleb. Caleb remembers their shares of fights too.
"Me too."
"Kelan ulit mangyayari yun?"
"Pag naubos mo na ang mga shallit at rufus sa mundo."
Humalakhak si Azem. Quite amused by his special friend.
"Anyway, I have some information on historical artifacts that might interest you..." Pagbabago ni Azem ng usapan.
Ang taunan pagkikita nila Caleb ang Azem dahilan kung bakit updated sila sa buhay ng isa't isa. Bilang head ng security at protection, si Azem at ang mga anak nito ang taga dala ng mga pagkain sa Kamara mula sa mga community ng tao. Kaya naman taon-taon rin itong nasa yearly festival sa Kamara. Sinisigurado nitong walang tension sa pagitan ng mga bampira lalo sa pagpapatupad ng treaty. He must ensure ultimate peace for the time being or his father's plan will fail.
******
Nang maghiwalay ang dalawa noong isang taon ay nangako Silang magkikita sa mas relax na atmosphere sa mga susunod na panahon.
Meeting with Azem again is one of the things that Caleb is anticipating as he is scheduled to visit Kamara. Hindi nga lang sya sure kung magiging relaxing ang pagkikita nila, considering na mas grabe ang mga naririnig nyang Balita ngayong taon.
Caleb sighed as total darkness swallowed the light. Alam nyang Kanina pa naghihintay si Revin na nasa likuran nya. The journey to Kamara will still take days and it is risky for their kind to travel in daylight.
Nakita nya si Princess na pumasok sa silid nang harapin nya si Revin. Princess, his reserved marked slave, is nearing 60 years, Naalala pa nya nang unang dumating sa mansion ang babae. Dalawa lang ang markado nyang pagkain kada dekada, si Princess ang pangalawa.
At most, it takes a decade for Caleb to drink from his marked slave, only if he needs his strength back from a long journey and fighting off rufus and shallit.
Collecting historical and religious artifacts is Caleb's main purpose in life. Ang trabahong ito ang nagpapalimot sa kanya na isa na syang nilalang ng dilim. As he fights the urge to drink human blood every day, he disciplined himself to drink only when extremely necessary. Dahil walang masyadong lason ang dugo ng kanyang mga pagkain ay tumatanda ang mga ito at namamatay sa natural na dahilan.
"Master, bago po kayo umalis...." Inalok ni Princess ang braso para painumin ng dugo si Caleb. It’s a habit na nakasanayan na lang gawin ng alipin kahit alam nyang tatanggihan lang syang inumin ni Caleb.
Tiningnan ni Caleb ang kulubot na balat ng kaharap. Kung noong bata pa ay napakadalang nyang inumin si Princess, ngayon pa ba na matanda na ito? Lucille, the one before Princess, passed on years ago at alam nyang kukulitin sya ni Revin na bumili ng mas bata at bagong pagkain.
Caleb has been experimenting with alternatives to drinking blood directly from humans. He tried blood from dispensers pero malamig ito at makati sa lalamunan or psychologically ay naiisip nya pa ring dugo ito ng taong napilitan lang magbenta ng sarili. He prefers animal blood, though it’s disgusting that he sometimes vomits after drinking it, mainit naman ito sa lalamunan. In the end, he just amuses himself with the hunting and killing process of wild animals more than drinking its blood.
Wala pa rin talagang sasarap sa dugo ng taong galing mismo sa buhay na ugat nito. It’s refreshing as it hydrates his dry and torched throat. Sa huli ay nagkasya na lang sya sa pag-inom ng dugo ng hayop at sobrang dalang na pag-inom ng dugo ng kanyang alipin. He just needs sustainability to survive living as a sheik. His preoccupation with finding and collecting historical and religious artifacts takes off thirst and hunger from his mind.
“Hindi na kailangan Princess...." Hinaplos nya ang pisngi Nito. Nung unang dumating ay para lang itong kapatid nya, ngayon ay palit na sila ng role at mukhang lola na ni Caleb ang babaing kaharap.
He once offered Princess to retire, she still has human families to take care of her. Madaling ihanap ni Caleb ng magandang community at ibili ng sariling bahay si Princess para mamuhay kasama ang pamilya Nito. This way, she can be independent and free for the rest of her life.
“Ayaw ko po master, hihintayin ko ang kapalit ko para maturuan ko pa kung Paano ka aalagaan.” Walang magawa si Caleb kundi sundin ang gusto ng matanda.
“Bibili ka na ba ng kapalit ko master?" Tanong ni Princess na tinatago ang lungkot.
“Hindi na siguro, pwede na ako sa dugo ng hayop.”
Revin looked at Caleb in protest, Salome already commanded him what to do.
“P..pero kailangan nyo pa rin ng fresh na dugo master.” Protesta rin ni Princess. Oo nagseselos ito na mapalitan, pero alam nitong kailangan ng amo ng sariwang dugo ng mas batang alipin.
“Eh sa ayaw kong palitan ka”. Biro ni Caleb sa matanda na nag-blush naman at Napangiti.
“Tara na Revin, mahaba pa ang lalakbayin natin.” Sabi ni Caleb sa naghihintay na rafa. Although Caleb chose to live near Kamara, his villa is still isolated and far from other communities of humans or rafa
“Opo panginoon..." Revin bowed down and let Caleb lead the way out of the library. Iniisip din nito kung paano na naman gagawa ng compromise sa pagitan nila Salome at Caleb pagdating sa bilihan ng pagkain.
******
Walang magawa si Vera kundi magpumiglas habang bitbit sa balikat ng lalaking nakapulang hoodie. Kahit anong lakas ng Sigaw nya ay wala syang mahingan ng tulong dahil Lahat ay nagsisigawan at nagkakagulo rin para makatakas sa papalapit na mga shallit.
With her ultimate death looming in the hands of her captor, naisipan ni Vera na lumaban. Kung mamamatay rin naman sya, magiging proud ang mga magulang nyang makitang hindi naging madaling gawin ito.
She kicked and punched with all her strength until the marked slave fell down on his knees.
“AYYYYY!" Napatili si Vera at natagpuan ang sariling nakahiga sa sahig habang nakapatong ang markadong alipin sa ibabaw nya.
Again, she wrestled her way out of the man's grip until she saw Mona knocking the man's head with a long wooden paddle and continued hitting him until he crawled away from them.
“Tara Vera! Bilis!” Mabilis syang inabot ni Mona at itinayo saka sila tumakbo palayo sa mga nagkakagulo pa ring mga tao.
Pasara na ang gate ng Agar nang matanaw nila ito. Napakaingay ng tunog ng siren bilang warning sa mga tao tungkol sa paparating na mga shallit. Kapag tumunog ang siren, automatic ang pagsasara ng gate at walang taong pwedeng mag-bukas pa Nito.
"Chicco! Hintay please!” Sigaw ni Mona
“Dalian nyo! Hindi na kayo aabot!” Sigaw ni Chicco habang nakatuntong ito sa ibabaw ng gate.
Maliit na siwang na lang ang naabutan ni Mona nang marating nya ito, sa liit ay nagkasya ang babae, pero nang lingunin ang kaibigan ay nakita ni Mona ang takot sa mukha ni Vera, hindi na ito kakasya sa gate.
“Vera! Hindi!” Sigaw ni Mona pabalik para hatakin si Vera pero mabilis itong niyakap ni Chicco.
“Bitiwan mo ako! Vera!!!”
“MONA!!! MONA!!!” Sigaw ni Vera habang nakasilip sa siwang ng gate.
“Mona…wala na…Hindi na Pwede…”. Sabi na lang ni Chicco sa nagpupumiglas na babae.
Nilingon ni Vera ang mall. Sa luhaang mga mata ay kita nyang ilang metro na lang ang layo ng mga shallit sa kanya.