Hindi maintindihan ni Ahab kung bakit nag-iba sila ng direction sa utos ni Hermaiz. Anong point para tulungan ang isang tao? Considering na may mas Malaki silang misyon na dapat unahin, pero bilang senior nila ay walang magawa si Ahab kundi ang sumunod. That’s when they saw a woman surrounded by shallit. Ahab knows the hopelessness of the situation, they are too far to even reach the woman in time to save her. It was a pointless detour.
Nasa ganitong isipin si Ahab ng isang napakalaking talim ng liwanag ang nagpasabog sa mga shallit na nasa paligid ng babaeng sumisigaw. Napanganga sina Cortez at Arnaiz, ngayon lang sila nakakita ng warrior na kayang magtapon ng ganoon kalaking liwanag mula sa malayo. Naramdaman nilang nawala ang daloy ng ilaw sa kanilang katawan. Bakit pa? Ilaw lang ni Hermaiz ay enough na para mabalot ng liwanag ang buong wasak na syudad.
******
Silaw ng liwanag ang huling nakita ni Judy bago nya ipikit ang mga mata para harapin ang kanyang kamatayan. That’s when she heard a loud noise followed by a smell of burning flesh that fell from everywhere. Inalis ni Judy ang mga sunod na lamang bumagsak sa kanyang ulo at katawan. She was shocked, scared by the powerful light that saved her. Noon nakita ni Judy ang group ng mga kalalakihang sakay ng kasno. The Jabezzite warriors look like angels, makikisig, matatapang, at powerful lalo pa’t kakaibang liwanag ang bumabalot sa mga ito. The stress was too much for Judy that she fainted.
Maangas na bumaba si Cortez sa kasno para puntahan ang babae. Ewan ni Cortez pero proud na proud sya sa pagiging taong liwanag sa mga oras na iyon. Napakarami nyang bitbit na kwento pag-uwi nila sa Hebron. This is the first time that they fight without using the ancient weapons made by humans. Mula sa kamay ni Cortez ay lumabas ang maliit na liwanag. Dinampian nya ng ilaw ang balat ng babaing walang malay.
"Wala syang kahit anong uri ng marka, kagat man ng bampira o marka ng sumpa." Sabi ni Cortez sa grupo. Kung masusunog ang balat ni Judy ng ilaw ay madumi na ang dugo nito. Kinarga ni Cortez ang babae na unti-unting nagkamalay.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Cortez kay Judy nang maibaba ito para kausapin ng grupo.
"H...hinahanap ko ang anak ko, nahiwalay kami sa aming tribu. Please tulungan nyo akong hanapin sya."
"Isa kang Ati..." Sabi ni Hermaiz.
"Opo...p..aano nyo alam na...?" Wala sa itsura ni Judy ang pagiging Ati. Gaya ng karamihan ay isa na syang molato – mixed race.
"Akala ko ay naubos na ang mga Ati." Singit ni Arnaiz.
"Sya na lang ang pure Ati na natitira sa bloodline nya." Makahulugang sabi ni Hermaiz.
Tinitigan ni Judy ang matandang taong liwanag. Mga bampira ang unang nagsabi sa kanya tungkol sa mga ito, pero shocking pa ring makita ang mga ito nang malapitan. Napanganga si Judy nang lumabas sa kamay ng isang taong liwanag ang napakalakas na apoy. Nang ibinato sa malayo ay lumiwanag ang paligid na pinagbatuhan nito at saka isang malakas na sigaw ang kanilang narinig.
Bumaba si Simeon, na pinakabata sa mga warriors, pinuntahan nito ang tinamaan ng liwanag at ilang saglit ay bitbit na nito ang bangkay ni Val. Nanlaki ang mga mata ni Judy sa nakita.
"Markado. Possible na may kasama tong rafa." Sabi ni Simeon.
******
Sa hindi kalayuan ay galit na galit si Hael. Paborito nyang markado si Val. Susugurin nya na dapat ang mga taong liwanag nang pigilan sya ni Crisanto.
"Wag, napakalakas ng liwanag nila, humanap ka na lang ng kapalit na pagkain."
"Siguraduhin lang ng babaing yan na gagawin nya ang trabaho nya, dahil kung hindi, ang anak nya ang ipapalit ko kay Val." Galit na galit na sabi ni Hael. Ito ang pinakamataas na uri ng rafa sa grupo kahit si Crisanto ang naatasang mamuno ng misyong ito.
******
"Kilala mo ba ito?" tanong ni Ahab sa babae. Tumango si Judy, pointless ang magsinungaling. Buo na ang decision nya, hindi nya susundin ang utos ng mga bampira. Kakampi sya sa mga taong liwanag dahil ito ang surest way to save her son. Binuhat sya ni Cortez malapit kay Hermaiz. Napakasakit ng nadislocate nyang buto sa tuhod. Nakababa na ang matanda sa sinasakyang kasno at nakaupo sa anyong nagme-meditate. Di nito pinansin ang katabing si Judy.
"Kailangan kong Makita ang anak ko, please tulungan nyo ako." Pakiusap ni Judy sa mga taong liwanag.
"Ikutin nyo ang paligid, tingnan nyo kung may bata nga. Iilawan ko ang buong syudad." Sabi ni Hermaiz habang nakapikit.
******
Nang sila na lang dalawa ay tulala si Judy nang mula sa liwanag ng katawan ay biglang nag- apoy si Hermaiz at mula sa apoy ay lalong lumaki ang liwanag ng lugar. Base sa mga tunog ng pagsabog at sigawan sa paligid, alam ni Judy na maraming namatay sa liwanag na sumakop sa madilim na lugar. Malayang naikot ng mga Jabezzite warriors ang paligid.
Takbuhan ang iba pang markado palayo sa lumalaking liwanag. Hindi man sila sasabog kapag inabot sila nito ay kukulo sa init ang dugo nilang may lason ng bampira at ito ang ikamamatay nila. Bitbit ni Salud ang batang si Gabriel, na kanina pa gising pero walang alam sa mga nangyayari. The rafa jumped as fast as they can to avoid the growing sharp light, saving as much marked slaves as they can, but the power of Jabezzite’s lumens is difficult to escape from. The creatures of darkness have no chance to survive it.
Tulala pa rin si Judy sa paghanga kay Hermaiz habang nag-aapoy ito sa pagkakaupo. Noon may nalaglag na matalim at malaking kutsilyo sa tabi ni Judy. Tumingala sya sa ere pero wala syang nakita kung san galing ang kutsilyo. Judy is shaking as she reached over for the weapon. Her mind and heart begins to fight. Kailangan nyang pumili between light and darkness para sa kaligtasan ng anak. After a moment’s pause, Judy made her choice and lifted the big sharp knife.
"Huwag!" Biglang sigaw ni Hermaiz, nakadilat ang mga mata nitong titig na titig kay Judy at sa hawak nitong patalim.
*** ***
Kasabay nang pagkawala ng liwanag ay naramdaman ni Ahab ang pag-init ng kanyang dugo at biglang pag-apoy ng kanyang katawan. Ganun din ang nangyari sa iba pang kasamahan. This is the sign that Hermaiz transfered his light to the nearest Jabezzite wariors.
"Hindi! P...atawad!" Sigaw ni Judy ang narinig nila Ahab.
Mabilis bumalik ang grupo sa lugar ng ermitanyo at doon nila ito nakitang duguan at Walang buhay. Wala na rin ang babaing niligtas nila.
Napaluhod na umiyak si Ahab. They failed the mission to bring Hermaiz to Hebron safely. As the leader, he failed his bloodline, he failed Jehu, and he failed the whole humankind.
“Forgive me Adonai!” Napasigaw si Ahab. Noon mabilis na nasalo ni Cortez ang matalim na sibat na tatama sa likuran ni Ahab. Kasunod ang pag-ulan ng maraming bala ng high-caliber firearms. Tao pa rin ang mga Jabezzite warriors at mortal. Nasusugatan at namamatay sila sa ancient weapon na gawa ng mga sinaunang tao.
Nakapaglabas pa si Cortez ng malakas na liwanag sa nakitang tatlong rafang patalon-talon sa mga bato sa paligid. Rinig nya ang pagsabog at sigawan ng mga ito. Wala nga lang silang ligtas sa bala. Duguang bumagsak si Simeon habang naharangan naman ng katawan ni Arnaiz si Ahab. Nagkatinginan sina Cortez at Ahab, alam nilang nalipat na sa kanila ang lakas ni Hermaiz. They threw away the ancient weapons they dependent on to supplement their light. Tonight is different. Kahit may sugat at duguan ay may kakaibang lakas si Cortez na nararamdaman. Pinagsama nila Cortez at Ahab ang kanilang liwanag sa katawan at sa paglabas ng kakaibang init dito ay narinig nila ang malalakas na sigaw ng pagsabog mula sa ere.
******
Sa isang mataas na bato inilapag at iniwan ni Crisanto si Judy. Dito ay nakita nya ang anak at mabilis itong niyakap.
"Nay!"
"Gabriel!"
Kahit shocked ay pilit kinontrol ni Judy ang sarili sa hindi maintindihang pangyayari ngayong gabi.
"Makaka-uwi na po tayo?"
"Oo anak...Oo." Sabi ni Judy, litong-lito pa rin sya.
Nakatingin ang ilang natitirang mga markado sa mag-ina. Sa opposite na building sila nakalugar, malayo sa liwanag. Nalulungkot ang mga markado sa pagkawala ni Val, ilang buwan na lamang at ganap na rafa na ito. Takot na takot ang mga ito sa mga Jabezzite warriors kaya abot-abot ang hiling nilang makaligtas ang kanilang mga rafa na nakikipag-gyera sa mga taong liwanag.
******
Madaling araw nang magising si Judy. Mula sa batong tinutulugan ay wala sa tabi nya ang anak. Bangon agad si Judy.
"Gabriel?"
Si Hael ang nakita nya, kawawa ang itsura nitong may mga sunog sa katawan at mukha.
"N..nasaan ang anak ko?"
"Isinama ni Salud sa Kamara."
"B..bakit? A..ang sabi ni Crisanto..."
"Wala na si Crisanto!" Galit na sigaw ni Hael kay Judy.
Tiningnan ni Hael ang sunog nyang balikat. Kahit sugatan ang natirang Jabezzite warriors ay natalo pa rin sila sa lakas ng liwanag ng mga ito. Kung hindi sinacrifice ni Crisanto ang sarili nya ay hindi makatatakas si Hael. Ilan din sa mga markado nila ang nasunog at namatay. Uuwi si Hael sa kanyang rafa na bigong mailigtas ang kanyang mga kapatid, pero tagumpay naman sa kanilang planong patayin ang matandang Jabezzite. Hindi nya sasabihing kasalanan nya, nagpumilit kasi syang patayin ang natitirang Jabezzites bilang ganti sa ginawa nito sa kanyang markadong pagkaing si Val. Kung umalis na sila ay posibleng buhay pa rin ang mga kapatid nya. Tatayo dapat si Judy, pero namamaga pa rin ang tuhod nito.
"Ginawa ko ang trabaho ko..." Pagsisinungaling ni Judy.
Ang totoo ay itatapon ni Judy sa malayo ang kutsilyo nang biglang dumilat ang matandang hermitanyo at sumigaw ng, "Huwag!"
"Hindi nyo naiintindihan, ang misyon ko ay patayin kayo. Yun ang paraan para mailigtas ko ang aking anak." Nagdesisyon na si Judy, sa liwanag sya kakampi.
"Bakit hindi mo gawin?" mahinahong tanong ni Hermaiz.
Umiling si Judy, nalilito sa nangyayari. Ngumiti si Hermaiz, saka hinawakan ang kamay ni Judy na may hawak na kutsilyo.
"Hindi mo naiintindihan Ati. Ang tagumpay ng misyon mo, ang misyon ko." Yun lang at sinaksak ni Hermaiz ang sariling puso gamit ang kutsilyong hawak ni Judy. Bago pa naka-recover sa shock ay inangat na si Judy ni Crisanto sa lupa.
"Hindi! P…patawad!” Sigaw ni Judy.
Kita pa nya ang masayang ngiti ng matanda bago ito mamatay. Matapos ay apat na malalakas na liwanag ang lumabas sa katawan ng matanda at sumabog sa buong kapaligiran. Ito ang mga liwanag na tumama sa grupo nila Ahab.
"Salamat. Ngayong wala na si Val, ang anak mo ang papalit na markadong pagkain ko." Tumalon si Hael palayo kay Judy.
"Hindi! Wag mong gawin sa anak ko yun! Maawa ka sa amin! Ginawa ko ang gusto nyo! Ginawa ko!" Ginawa nga ba nya? Nalaman ba ng mga bampira na nagbago ang kanyang isip tungkol sa kanyang misyon?
Tumingin si Hael sa langit. Lalabas na ang araw, kailangan na nyang maka-alis. Haharapin pa nya ang mga markadong ulila. Kawawa ang nangyari sa mga ito. Wala na silang rafa na magpapatuloy ng kanilang transition as vampires. Wala ring rafa na iinom ng kanilang may lasong dugo. Dapat lang ang gagawin nyang parusa kay Judy.
Kasalanan nito ang lahat! Ito ang pinaniwalaan ni Hael sa isip nya. Si Judy ang may kasalanan ng pagkawala ng mga kapatid nya.
Tumingin si Hael sa ibaba mula sa mataas na sirang building. Nakatingala si Judy, sumisigaw sa kanya. Napangiti ang bampira sa babae. Ni hindi napansin ni Judy ang grupo ng shallit sa ibaba kung saan ito nakatayo. Sa pagsikat ng araw ay bumibilis at lumalakas ang mga shallit, siguradong walang ligtas dito si Judy.
Nag-try habulin ni Judy si Hael. Pinilit nyang lumipat sa kabilang bato ng sirang building. Dahil injured ang tuhod ay tuluyan itong nabakli sa pagtayo at nalaglag ang babae sa lupa. Agad dinagsa ng mga shallit ang lugar ni Judy. Napakalakas ng sigaw ng babae.
"Paalam Judy, salamat sa ginawa mo para sa amin." Yun lang at tuluyan nang tumalon paalis si Hael.
******
"AAAAAAAAAH!"
Sa Agar, biglang nag-apoy ang ba'lat sa noo ni Vera.