BLOOD.
Kahit hindi kita ni Vera ang mainit at malapot na likido sa palad ay alam nyang dugo itong galing sa tinatakpan nyang bibig ng ina.
Hindi pwedeng umubo si Dulce, dahil kahit nasa ilalim sila ng hukay sa loob ng kanilang bahay ay posible silang marinig ng mga rufus na nasa kanilang bubungan.
Rinig nila ang sigawan sa napakadilim na gabi. Madalas nang atakihin ng mga rufus ang kanilang lugar simula nang wala na ang protection ng lupon ng Laabtha sa kanila.
Secure ang ginawang moog ng ama ni Vera pero hindi ang kanilang sira-sirang barong-barong na kayang-kayang pasukin ng mga halimaw na hayok sa kanilang dugo.
"Inay, konting tiis pa po." Bulong ni Vera sa ina.
Abot-abot ang dasal ni Vera habang hawak ng isang kamay ang kwintas nyang may forbidden symbol (Author will reveal what it is in the succeeding episode). Ang hiling lang nya ay malampasan nilang mag-ina ang madugo na namang gabi.
Sa unang tingin ay hindi mo iisiping nasa ilalim ng lupa ang mag-ina. The room is made of solid wall marked with forbidden symbols drawn in the blood of Gideon, Vera’s father.
"Ang simbolong iyan at ang dugo ko ang panlaban nyo sa mga nilalang ng dilim." Ito ang bilin ni Gideon sa kanyang mag-ina bago ito mamatay sa sakit na ngayon ay meron din si Dulce.
Muntik mapasigaw si Vera nang marinig ang ingay sa loob ng kanilang bahay. Maging si Dulce na nakatulog sa pagod ay napamulat sa takot.
"Shhh.." Warning ni Vera sa ina para hindi ito umubo. Sobrang talas ng pang-amoy, pandinig, at paningin ng mga rufus.
Takot na sinilip ni Vera sa improvised na butas ang itaas ng kanilang bahay. Wasak ang kanilang dingding kaya kita ni Vera ang itsura ng dalawang rufus, isang babae at isang lalaki, na nailawan ng liwanag ng buwan. Tila umalulong ang dalawang ulo ng lalaking rufus. Galit na galit ang ulo nito sa tyan na para bang nasasaktan sa nakikitang mga bawal na simbolong naka-drawing sa mga dingding ng loob ng bahay.
Kalbo ang kubang katawan ng mga rufus na gaya ng sa buto't balat na kalansay. May maitim na likido itong lumalabas sa katawang hubo't hubad.
Napaatras si Vera sa takot nang diretsong tumingin sa mga mata nya ang babaing rufus. Sa one-way mirror nakatingin ang halimaw na halos bungo na ang itsura ng mukha at luwa ang mga mata. The distorted face of the rufus is missing a nose, as the mouth, filled with hundreds of sharp black teeth, is now occupying half of what was once a human face.
Nakita ni Vera na lumabas rin ang ulo sa tiyan ng babaing rufus at saka nakakabingi itong tumili, sabay turo sa salaming may bawal na simbolong nakapinta sa dugo.
Hindi tuloy napansin ni Vera ang paggapang ng lalaking rufus habang may inaamoy sa sahig. Vera heard a frustrated scream and sharp moan as the rufus can’t find them. It’s either the rufus is smelling the blood from Dulce’s cough or is hearing human heartbeats coming from underneath the floor. Buti at maging ang takip ng kanilang moog ay ginawa ring sagrado ni Gideon. Hindi madaling mapapasok ito ng mga halimaw.
Nagulat si Vera sa pag-ubo ng ina dahil hindi na mariin ang pagkakatakip nya sa bibig nito. Ngayon ay gumapang na rin ang babaing rufus para hanapin sila. Hinigpitan ni Vera ang takip sa bibig ng ina, pumikit sya at hinintay ang kanilang katapusan.
BLAG!
Napamulat si Vera at muling sumilip sa sekretong butas.
"Tulong! Tul....AAAH!"
Nanlaki ang mga mata ni Vera nang makita ang kapitbahay na si Leah. Duguan na ito nang pumasok sa kanila. Agad na sinugod ito ng dalawang rufus at pinag-agawan hanggang makalabas ang mga ito ng bahay.
Nagpatuloy ang alulong at sigawan sa dilim ng gabi, kasabay nang walang tigil na paglabas ng dugo sa bibig ni Dulce. Tahimik naman ang pag-iyak ni Vera, dama ang kawalan ng pag-asa.
Huli na nang mapansin ng dalagita na bumukas ang takip ng kanilang moog. Napatili na lang si Vera sa takot.