SIMULA

1925 Words
“I-ere mo pa!” mariin ang boses na utos ng babaylan kay Calope. Nahihirapan ma’y pilit ginawa ni Calope ang ipinag-utos ng matanda. Isang ere pa nga ay tuluyan nang lumabas ang isang napakaliit na sanggol mula sa sinapupunan nito. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng babaylan pagkabungad ng sanggol rito. Sino mang makakakita rito ay agad na mabibighani sa napakaganda nitong mukha. “Uwaaah!—” namayani sa loob ng saradong silid na iyon ang malakas na pag-iyak ng bagong-silang na sanggol. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ng babaylan. Pagod man at halos maubos na ang kabuuan nitong lakas ay hindi pinalagpas ni Calope ang mala-anghel na boses na pag-iyak ng anak nito. Dilat na dilat ang mamula-mulang mga mata nito habang pinagmamasdan ang anak na sanggol. Pagkatapos ay taimtim itong umusal ng panalangin at pasasalamat sa Poong Maykapal. Hindi na naigapos pa ni Calope ang mga luhang kusang dumaloy mula sa mga mata pagkatapos umapaw ang kasiyahang naipon sa loob ng puso nito. Hindi ito makapaniwalang isa na itong ganap na ina. Tila ba hanggang ngayon ay nakalutang pa rin ito sa ulap ng sarili nitong mga pangarap. “Babae ang iyong anak, Calope!” kumikinang ang mga matang sambit ni Hia. Nanghihinang napapikit si Calope at tahimik na tumango. Mabait ang Poong Maykapal kay Calope dahil biniyayain ito ng anak na babae sa unang subok nila ng asawa. Hindi man sabihin ni Luki kay Calope, ramdam ng babae na lihim din itong nagnanais na babae ang maging anak nito. At ngayon na nagkatotoo ang lahat ng iyon ay wala ng hihilingin pa si Calope kundi maging maayos at mapuno ng pagmamahal ang pagpapalaki ng mga ito sa bata. “Pinupuri kita, Calope,” masayang sambit ni Hia habang pinapatahan ang bitbit na sanggol. Agad na napadilat si Calope at sabik na sinulyapan ang anak. “Puwede na akong mamatay… Sa tanang buhay ko, ngayon pa lamang ako nakakita ng ganito kagandang sanggol,” pabirong sambit ni Hia na ikinapula ng pisngi ni Calope. “Huwag po kayong magsalita ng ganiyan, Hia..” Mayuming ngumiti si Calope sa matandang babaylan. “Mahaba pa ang buhay niyo at tiyak na madami pa kayong makikita na magagandang sanggol sa hinaharap.” Bumilis ang t***k ni Calope at agad na nanabik nang maingat na inilapag ni Hia ang sanggol sa tabi ng bisig nito. Tila ba anghel iyon sa kaliitan at kaputian. “Iyan ang hindi tayo sigurado, Calope.” Inayos nito ang pagkakapuwesto ng sanggol sa tabi ni Calope saka matamang pinanood ang mag-ina. Muling naglandas ang luha mula sa mga mata ni Calope pagkakita sa kabuuang mukha ng sanggol na anak. “A-Anak ko,” nabasag ang boses nito dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan. “Ang anak k-ko,” tila natutuwa itong banggitin iyon ng paulit-ulit. Hilam sa luha nitong sinulyapan ang tatangu-tangong matanda. “Ako ang ina mo, anak.” “Hindi ba’t napakagandang sanggol niya, Calope?” nasisiyahang tanong ni Hia kay Calope pagkatapos ng ilang minuto. Nakapagligpit na din ng mga gamit sa pagpapaanak ang babaylan at handa ng umalis. Sunod-sunod na tango ang naging kasagutan ni Calope sa babaylan habang hilam pa din sa luha ang mga mata. “Namumukod tangi, Hia,” puno ng pagmamalaking sang-ayon nito. Bitbit ang mga gamit ay nagpaalam na si Hia kay Calope. Tanging sila lamang tatlo ang nasa loob ng silid ni Calope ngayon dahil isa iyon sa mahigpit na patakaran na sinusunod ng lahat sa Aswun. “Tatawagin ko na ang Pinuno,” paalam nito kay Calope at akmang aalis na nang pigilan ito ng dalaga. “Lubos kaming nagpapasalamat ng aking munting sanggol sa iyo, Hia. Kung maaari sana’y nais ko na ikaw mismo ang magbigay ng pangalan sa kaniya tanda ng aming pasasalamat,” nagsusumamo at umaasang pakiusap nito sa babaylan. Nanlalaki ang mga mata ni Hia sa gulat. Hindi nito inaasahan ang sinabi ni Calope. Sa tagal na nitong ginagawa ang trabahong iyon, ngayon pa lamang may nakiusap ng ganun klaseng bagay kay Hia. Walang halong pamimilit kundi pawang pasasalamat lamang. At ang mismong asawa pa ng kanang kamay ng Pinunong Salya. Si Calope na ina ng sanggol ay may angking kagandahan na namumukod tangi sa lahat. Humakbang si Hia pabalik sa harapan ni Calope at pinagmasdan ang sanggol habang nahulog sa isang malalim na pag-iisip. “Emrys!” nakangiting sambit ni Hia. “Emrys ang magiging pangalan niya, Calope. Namumukod tanging kagandahan,” bulong na pagbati ni Hia sa sanggol. Nagkatawanan sina Calope at Hia nang bahagyang ngumiti si Tancy sa huli tila lubos na nasisiyahan. Natutuwang tumango si Calope. “Nagustuhan niya ang kaniyang pangalan, Hia. Lubos akong nagpapasalamat sa’yo,” taos pusong sambit ni Calope rito. “Sige na, Calope,” handa nang umalis si Hia. “Nasisiguro kong nananabik na si Salya, ang ‘yong asawa at lahat ng mga Aswun na masilayan si Emrys. Hindi ko na patatagalin pa… Kailangan ko ng magpaalam. Kung papalarin ma’y nais kong masilayan muli si Emrys sa pagtuntong niya ng pagkadalaga. Nasisiguro kong mangingibabaw ang kagandahan niya sa lahat at madaming binata ang mag-aalay ng pag-ibig sa kaniya.” “Ako’y lubos na nasisiyahan, Hia,” anito. Walang likod-lingon na lumabas ng silid ang babaylan bitbit ang sariling gamit. Naunang pumasok si Salya kasabay ng kanan at kaliwang kamay nito na sina Luki at Lukas. Si Salya ang pinunong namamahala sa kabuuang Aswun Pack. Maluha-luha at namumula ang mga matang sabik na lumapit si Luki sa asawa’t anak nito. “Calope,” pigil hiningang sambit nito sa pangalan ng asawa nang tuluyang masilayan ang anak. Hindi nito maipaliwanag ang mararamdaman sa mga oras na iyon. It feels like it’s been forever since they wait for Hia to go out of the room. “A-Ang anak ko,” mahinang sambit ni Luki saka dahan-dahang dinala sa bisig ang napakaliit na anak. Sa una’y natatakot pa siyang hawakan ang napakaliit na katawan ng sanggol na anak kung hindi lamang siya nito ngitian. The little smile of his angel assured him that it’s gonna be alright and so with a courage, he carefully carried her on his arms. Walang kakurap-kurap nitong pinagmasdan ang munting anghel na nasa sariling bisig. Maging ang Pinunong si Salya ay hindi napigilang mapasinghap pagkakita sa napakagandang sanggol. Kumislap ang mga mata ni Salya at naiwang nakaawang nang bahagya ang kaniyang mga labi. “Nakakamanghang kagandahan! Ikinagagalak ko ang pagsilang mo ng isang napakagandang sanggol, Calope. Ngayon pa lamang ay nasisiguro ko ng magiging tanyag ang kagandahan ng inyong anak sa lahat,” lubos na nasisiyahang puri ni Salya sa mag-asawa. Tumikhim si Lukas pagkarinig sa sinabi ng pinuno na si Salya. Puring-puri nito ang anak nina Calope at Luki na ginawa nito sa unang pagkakataon at hindi iyon nagustuhan ng lalaki. Binalak ni Lukas ang basagin ang pananahimik. Ngumiti ito bago ibinuka ang bibig upang sumingit sa usapan, “ganiyan na ganiyan si Galena nang isilang ni Winona…” binalikan nito nang sanggol pa lamang ang anak nitong si Galena na ngayon ay nakakapaglaro na kasama ang ibang bata. “Hindi ko makakalimutan na pagkasilang pa lamang ni Galena ay lutang na lutang na agad ang kaniyang angking kagandahan. Hindi gaya ng ibang bata diyan na kailangan pang hintayin ang ilang buwan bago lumutang ang kagandahan.” Madrama itong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga, ngumiti sa sanggol na ngayo’y bitbit ni Luki bago nagpatuloy. “Kung hindi lang sana nagbabago ang hitsura ng mga sanggol paglaki, ‘diba? Mabuti na lamang ang anak kong si Galena… nakita niyo naman at hindi nagbago ang hitsura. Walang kupas. Mas lalo pa siyang gumanda,” pagmamalaki nito sa anak. Nagkatinginan ang mag-asawang Luki at Calope. Pasimpleng inabot ni Calope ang kamay ng asawa at makahulugang tingin ang iniukol rito. Nakakaintinding tumango naman si Luki at minabuting ngumiti na lamang. Si Salya naman ngayon ang napatikhim. “Hindi mo kailangang ipag-alala ang bagay na iyan, Lukas,” seryosong paalala ni Salya sa kaliwang kamay na lalaki. “Nakakasiguro akong mamamayagpag ang kagandahan ng batang ito paglaki at hindi na ako magtataka kung higit na mas maganda kaysa sa ibang bata. Ina yata nito ang pinakamagandang babae sa buong Aswun…” makahulugang sambit nito sabay tingin kay Calope. Nahihiyang napakagat ng labi si Calope dahil sa papuri ni Salya. Alam ni Calope na nasabi lamang iyon ni Salya dahil hindi nito nagustuhan ang himig pagbibiro ni Lukas. “Na’ko, mahal na Pinunong Salya… Walang makakapantay sa iyong kagandahan,” agad na tanggi nito. “Binibiro mo ang matanda, Calope… Dekada na ang nakararaan simula nang lumipas ang angkin kong kagandahan,” pabirong sambit nito. Agad na umiling si Calope. “Masyado niyo po akong pinupuri, Mahal na pinuno. Ang iyong kagandahan ay hindi maitatanggi ninuman,” siguradong saad nito at tumango. “Siyang tunay, mahal na Pinuno,” nakatangong sang-ayon ni Luki. Lumapit ito sa asawa at isang masuyong halik ang iginawad sa noo ni Calope. Tahimik na tumango naman si Lukas. Pilit na pilit ang ngiti dahil marahil sa pagkapahiya. Lihim na pinag-igting nito ang panga at kinontrol ang sariling emosyon. “Ano ang pangalan niya, Calope?” biglang tanong ni Salya na pumutol sa namayaning katahimikan. Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni Calope sa asawa bago nagsalita upang ibahagi ang isang napakagandang balita. “Emrys po. Emrys ang kaniyang pangalan.” “Isang napakagandang pangalan!” sambit ni Salya at napapalakpak. Nagustuhan nito ang pangalan. Napakaganda at saktong-sakto sa magmamay-ari. “Bagay na bagay,” dagdag na sambit nito. Tumango-tango si Luki kahit na sa isip-isip nito’y lubos na ipinagtataka kung kailan iyon naisip ng asawa. Wala iyon sa pangalang inihanda nila para sa anak. Nakapaghanda na sila ng pangalan na buklod, maging lalaki man o babae ito. Gayunpama’y nagustuhan din nito ang pangalan at hindi nito itatangging higit na mas maganda ang pangalang iyon kaysa sa kanilang naisip mag-asawa. “Ang babaylang si Hia ang nakaisip sa napakagandang pangalan ng aking anak, Pinunong Salya. Lubos po akong nagpapasalamat sa kabaitan niya,” masayang balita nito sa mga kasamahan. Nagulat ang tatlo sa nalaman. Si Lukas ang unang kumibo.“N-Nagbibiro ka ba, Calope?” hindi makapaniwalang tanong nito. Nagsasalubong ang kilay. Nakangiting umiling ang asawa ni Luki. “Totoo, Lukas. Pinangalanan niya ang anak namin,” pagkumpirma ni Calope. Maging si Salya ay hindi agad nakapagsalita at ngayon lang nakabawi. “Kakaiba ang hatak ng iyong anak, Calope,” nasisiyahang komento nito sa babae. Sigurado ito sa bagay na iyon. Napayuko si Lukas. Lingid sa kaalaman ng tatlo ay sobrang kahihiyan at paninibugho ang pumuno sa dibdib ng lalaki. Walang kaalam-alam ang mga ito na minsan na nitong sinadya at kinausap si Hia upang bigyan nito ng pangalan ang batang nasa sinapupunan ng asawang si Winona. Ngunit tumanggi ang babaylan at sinabing hindi ito karapat-dapat na magpangalan sa anak nito. Naunahan si Lukas ng agresibong damdamin at sinubukang bayaran si Hia ng malaking kayamanan ngunit sa huli’y nagalit lamang ang babaylan. Hanggang ngayon ay hindi nito makalimutan ang pamamahiya ng babaylan. Tapos ngayon ay mababalitaan nito na basta-basta na lamang nitong pinangalanan ang sanggol ng mga kasamahan. Hindi nito maiwasang makaramdam ng matinding paninibugho. Sinasabi na nga ba ni Lukas at lihim na mambisyon ang matandang babaylan. Napailing si Salya. “Lubos mo akong pinapabilib, Emrys.” Kinuha nito ang bata mula kay Luki at buong ingat na binuhat ang sanggol. Matagal nitong pinakatitigan ang bata at nilaro nang biglang bumukas ang nakasaradong pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD