Chapter 59

2278 Words
      “What noise is this all about?” kunot ang noong tanong sa kanila ng lider. “Hindi ba’t sinabi ko na sa inyong mag-focus kayo sa practice?”     Humawi ang kanilang tumpukan at awtomatiko itong pinanlakihan ng mga mata pagkakita kay Lexie na nakasalampak mismo sa sahig.      “Anong nangyari sa’yo?” tanong nito sa kaniya.       Kagat-labi siyang napayuko.       “It’s because of her, Gladys!” itinuro siya ng kaibigan ng babaeng si Lexie. “Binangga niya si Lexie.” Sinulyapan siya ng kanilang lider. Hindi agad siya nakaimik. “Okay, saka na natin pag-usapan ‘yan. Sa ngayon dalhin na muna natin si Lexie sa clinic para ma-check ang kaniyang paa.”       “Pero, Gladys! You have to promise na tatanggalin mo na ang babaeng ‘yan dito sa team natin!” nanlilisik ang mga matang sumbat nito sa kaibigan. Napahugot ng isang malalim na hininga ang kanilang lider at sinulyapan siya. “Kumalma ka muna, Gorge! Kailangan pa nating pag-usapan nang maigi ang bagay na ‘yan. For now, mas importante ang kaligtasan ng kaibigan mo,” mahinahong paliwanag ng kanilang lider.       Hindi naman agad ito nakapagsalita.  Inakbayan siya ni Gorgie at marahan nitong hinaplos ang balikat niya. “Don’t worry, hindi ka pababayaan ng ating lider.” Malungkot at napipilitan siyang tumango kay Gorgie. Akmang tutulong siya sa pagbuhat kay Lexie nang pigilan siya ng kanilang lider. Umiling ito at sinenyasan siyang huwag nang makialam. Nag-aalinlangan ma’y binawi niya ang kaniyang kamay.       “Iyan ang kabuaang nangyari, Gladys. Nandoon ako mismo nang mangyari iyon,” mahabang paliwanag ni Gorgie. Ito ang witness niya sa kaniyang paliwanag. Napatango naman sa huli si Gladys. “Naiintindihan ko. Huwag kayong mag-alalang dalawa. Ako na ang bahalang kumausap kay Lexie… Makakauwi na kayong dalawa.”   Malawak na ngiti ang rumehistro sa labi ni Gorgie. “Maraming salamat talaga, Gladys!” anito.       At pagkatapos magkasalubong ng tingin nilang dalawa ni Gladys ay tinanguan siya nito. “Maraming salamat, lider!” ani niya rito. “Mauna na kami.”       “Yes,” anito. “Mamaya pa ako uuwi. Magliligpit pa ako ng aking mga gamit at pagkatapos ay daraan pa ako sa library guys.”       “Hindi ka ba kinakabahan na mag-isa rito sa gymnasium, lider?” hindi nakatiis na pag-usisa ni Gorgie rito kung kailan paalis na sila.       Tipid lamang na napangiti si Gladys sa kanila. “Sanay na ako, Gorgie. Wala namang mananakot sa’kin dito.”  Nilakihan ito ng mga mata ni Gorgie. “Hindi ka natatakot sa multo?”       Gulat na siniko niya sa tagiliran ang kaniyang kaibigan.      “Bakit?” bulong nito sa kaniya habang hindi pa rin nabubura ang ngiting nakaukol sa kanilang lider.       “Ano bang klaseng mga tanong iyang pinag-uusisa mo sa ating lider?” mariing tanong niya rito sa nalilitong tono.       “Hindi naman ako natatakot sa mga multo, Gorgie. Isa pa, hindi naman sila totoo…” Maagap na sagot ni Gladys dito.       “Hindi totoo?” kinikilabutang tanong ni Gorgie. Ayaw talaga nitong magpaawat. Halatang takot nga yata ito sa multo. Napaawang ang mga labi ni Gladys sa kanila. “Huwag mo sabihing takot ka sa multo, Gorgie.”       “Pfft.” Nagpigil siya ng kaniyang tawa. Napatakip siya ng sariling bibig nang mapatangin ang mga ito sa kaniya.   Makahulugang ngiti rin ang nakarehistro sa labi ni Gladys ng mga oras na iyon. Napakurap si Gorgie at nanliliit ang mga matang nagtaas ng noo sa kaniya. “Hindi ah,” giit nito. “Mga tao lamang ang naniniwala sa kuwentong iyan.”    Halatang ayaw nitong ipahiya ang sarili. Napatango silang dalawa ni Gladys bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaniyang kaibigan.       “Sige na, Gladys. Mauna na nga talaga kami at masyado ka na naming naaabala.” Napakamot ito sa ulo habang nagpapaalam.  Kumaway sila sa kanilang lider bago sila tuluyang tumalikod pagkatapos.       Agad niyang napansin ang mahigpit na pagkapit ni Galena sa kaniyang braso habang naglalakad sila sa madilim na pathway.    Naririnig niya pa ang mabibigat na paghinga ni Gorgie sa kaniyang tabi kaya naman hindi siya nakatiis na punahin ito.       “Are you scared?” hindi nakatiis na tanong niya rito.   Natigilan naman ito kapagdako bago siya sinulyapan. “Hindi ah,” mariing tanggi nito. Nakatikom ang bibig na napatango siya rito. “Talaga lang ha?” paniniguro niya rito.     “Shhh!” mariing saway sa kaniya nito nang may kung anong tunog na kumakaluskos sa gilid ng daan. Sa mismong damuhan. Napahinto pa talaga sila nito sa paglalakad dahil sa kagagawan nito.       Daig pa ang horror sa nangyayari. Maging siya ay nagulat nang biglang may tumalon.     “Kyah!” Sabay silang natilihan ni Gorgie at nagtatakbo sa daan na kailangan nilang tahakin papunta sa gate.   Nakalayo na sila nang pagod siyang napahinto. Pilit siya nitong hinihila upang muling tumakbo ngunit tinatamad na napailing siya rito.       “Ano ba kasing itinatakbo natin, Gorgie?” angil niya rito. Seryoso siya. Napagod yata siya sa katatakbo nilang dalawa. Wala nang lakas ang mga binti niya. Sa haba ba naman ng pasilyo sa loob ng kanilang paaralan. Napapadyak ito ng mga paa. “Narinig mo naman ‘diba?” mariing tanong nito sa kaniya. Natatawang napailing siya rito. “Ano ka ba? Ligaw na pusa lamang ang nanggulat sa atin.” Mahabang paliwanag niya rito.      “Ligaw na pusa ka riyan?” nakaismid na tanong nito sa kaniya. “Tapos bigla-bigla na lamang tatalon? May gano’n pala?” hindi makapaniwalang kuwestiyon nito sa kaniya.      Ikinalas niya ang kamay nito sa braso niya at inilibot ang kaniyang paningin. “Ang linaw ng sinabi mo kanina. Mga tao lamang ang naniniwala sa mga multo. Paano ba ‘yan? Eh, hindi ka naman tao.” Napakamot ito sa ulo. “Ah, basta.” Ikiniling nito ang ulo sa kanan at muling ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso. “Halika na nga at nang makauwi na tayo.”      Malapit na sila sa gate nang matilihan si Gorgie nang biglaang tumunog ang kaniyang cellphone mula sa loob ng bag niya. “Aatakehin na talaga ako sa niyerbos nito…”     Tuluyan na siyang napahagalpak ng tawa. Paano ba naman kasi ay nakakatawa naman talaga ito. “Natatawa talaga ako sa’yo,” tumatawang sambit niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan.    Napalabi ito. “Ano bang nakakatawa, Emrys?” ingos nito na praning pa rin na nakatingin sa palibot. “Sagutin mo na nga ‘yang cellphone mo at nakakaagaw ng atensyon ‘yang ingay niyan sa ating paligid. Mamaya may magising kang dyosa ng mga damo. Ewan ko na lamang…”   Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “Ano bang pinagsasabi mo riyan?” Agad niya namang sinunod ang pinapagawa nito.      Nanlaki ang kaniyang mga mata pagkakita sa pangalan ni Gila na nakarehistro sa screen ng kaniyang phone.       “Oh, bakit ayaw mong sagutin?” tanong sa kaniya nito.       Sinilip nito ang screen ng kaniyang phone at nagulat din sa nakita. “B-Bakit tumatawag ‘yan, ha?” maang na tanong nito at sa huli’y napangiti. Nang-aasar na kinurot siya nito sa kaniyang tagiliran.    Napairap siya rito. “Puwede bang pakawalan mo muna ang braso ko?” pakiusap niya rito at kailangan niya pang kausapin si Gila. Napangiwi ito. “No. Natatakot ako…” Sa wakas ay inamin din nito na natatakot ito.  Napangisi siya. “Akala ko ba ay hindi ka natatakot.”       “Naka-unli?” pagsusungit nito sa kaniya.       Hindi niya na lamang ito pinansin. Sinagot niya ang tawag ni Gila.       “Oh, napatawag ka?” tanong niya rito. Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad ni Gorgie nang magkatabi.       “Guess what?” tanong nito sa kaniya.      Nagulat siya nang bigla na lamang humalakhak si Gorgie sa kaniyang tabi. Maang siya napasulyap sa kaibigan para lamang mapagtanto na nakikinig ito.     Nanliliit ang mga matang iniukol niya sa kaibigan. Tinakpan niya ang speaker bago ito kinuwestiyon. “Anong ginagawa mo?”       Pagak itong natawa. “Wala,” pagmamaang-maangan nito sa kaniya. Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ang pagkahuli niya rito.      “Anong guess what?” ungkat niya kay Gila sa kabilang linya.       “What time are you going out in your school?” tanong nito sa kaniya.       “Paano mo naman nalaman na nasa school pa ako ngayon?” “Malalaman mo mamaya,” anito.      “Anong malalaman ka riyan?” tanong niya rito.  Napahinto sila sa paglalakad nang kalabitin siya ni Gorgie. “Look,” agaw nito sa kaniyang atensyon sabay nguso sa dako ng gate.       Yes a gate. Huli niya nang mapagtanto na malapit na silang dalawa magkaibigan sa gate. And there he is. Si Gila. Nakatayo habang prenteng nakasandal sa kotse nito at katawag siya.       “Hi,” baritono ang boses na bulong nito sa kabilang linya. Nahigit niya ang kaniyang hininga nang itinaas nito sa ere ang malayang kamay at kawayan siya. Naglagi ang kaniyang tingin sa matamis nitong pagkakangiti.       Inuyog ni Gorgie ang kaniyang braso. “Anong kadramahan ito, ha?” impit na tili ng kaniyang kaibigan.   Nanlalaki ang mga matang sinaway niya ito. Pinatay niya agad ang tawag at ibinulsa ang kaniyang cellphone. “Ano bang pinagsasabi mo riyan?” ungkat niya rito. “Baka mamaya may makarinig sa’yo.”       “Ano naman kung marinig niya ako?” nangingiting tanong nito sa kaniya.       “Alam mo ba kung bakit sinusundo ng isang binata ang isang dalaga?” makahulugang tanong nito sa kaniya.     “Hindi.” Napakabilis ng kaniyang sagot dito. Tumakbo siya at iniwanan na ito roon.       “Hoy!” pahabol na sambit nito sa kaniya. Tumakbo na rin ito. “Hindi na lamang ako magsasalita. Promise!” Nakangiting tingin lamang ang iniukol niya rito kapagdako. “Halika na. Bilisan mo!” tawag niya agad dito.     “Kanina ka pa ba rito?” agad niyang tanong kay Gila nang makalapit siya sa harapan ng lalaki.  Napailing ito. “Hindi ko na mabilang ang mga lamok na kumagat sa’kin. Nasagot na ba ang katanungan mo niyan?” tanong nito sa kaniya.  Nakangiti niya itong inismiran. “Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yo na maghintay ka at kahit na naghintay ka man maaari ka pa rin namang maghintay sa loob ng kotse mo para naman hindi ka na nakagat ng lamok.”    “Ehem,” tumikhim si Gorgie sa kaniyang tabi. Nanlaki ang kaniyang mga mata sapagkat nakalimutan niya na ito nang wala sa oras.     “Hmn… Si Gorgie, naalala mo pa ba? Isa siya sa mga kaibigan ko.” Napangiti ito sa kaniyang ipinahayag.       “Yup. I do remember her,” mabilis na sagot ng lalaki. “Siya ‘yong isa sa mga kaibigan na kasama mo noon sa party.”     “Yeah!” nakangiting sambit ni Gorgie kapagdako. “You’re completely right. Ako nga ‘yon!”      Natawa naman siya sa naging reaksyon ng kaibigan.     Naputol ang kanilang usapan nang may biglang umilaw at nagbusina na sasakyan sa harapan nila.  Napatalon si Gorgie sa katuwaan. “Nariyan na ang sundo ko, Emrys! Mauna na ako sa’yo!” anito sabay kaway sa kanila.   Tumango siya rito. “Bye! Mag-iingat ka.”      Hinatid niya ito ng tanaw hanggang sa tuluyang mawala sa kaniyang paningin ang sinasakyan nito.       This time, nakapamaywang niyang hinarap si Gila. “Maaari ko bang malaman kung ano na naman ang sadya mo ngayong gabi rito sa Aswun, kamahalan?” nagpipigil ng ngiti na tanong niya rito.       Mula sa ilang dangkal na layo ay ipinatong nito ang palad sa ibabaw ng ulo niya. “Malalaman mo pagkatapos mong hulaan…” Natatawang iwinaksi niya ang kamay nito. Ang gaan lamang ng pakiramdam niyang makipagtawanan dito.       “Ikaw itong si puro hula. Mukha ba akong si Madam Awring sa paningin mo?” tanong niya rito. Kunwari’y nagtatampo. Tinawanan lamang siya nito. “Sira,” anito saka namulsa kapagdako. “Galing ako sa mansion ng inyong pinuno. May importanteng bagay akong inilapit sa kaniya,” nakangiting sambit nito. Napatangu-tango naman siya. “Nag-improve ka na pala ngayon. Noon, ang ama ko pa lamang ang sinasadya mo rito sa Aswun tapos ngayon ay ang pinuno na. Nag-improve ka na. Aba’y good job ka riyan!” nakangiting sambit niya rito.      “Talaga lang ha?” Mayabang itong nagtaas ng noo sa kaniya pagkatapos. Tinawanan lamang niya ito. “Baka naman wala ka ng time sa mga chicks mo niyan,” pang-aasar niya rito.     “Huwag kang maingay at baka maidyaryo,” saway nito sa kaniya. “Pero paano mo nahulaan?”     Inirapan niya lamang ito. “Ang dami mo namang drama sa buhay!” natatawang puna niya rito. “Bakit ka nga pala napadaan dito?” “Inanyayahan ako ng papa mo na magpalipas ng gabi sa inyong mansion kaya naman nagmabuting loob na ako na sunduin ka,” anito.       Inilibot niya ang kaniyang tingin at hindi nga ito nagbibiro sapagkat wala talaga ang sundo niya na sana’y kanina pa naririto. “Thank you, ha? Inagawan mo pa ng trabaho ang driver namin,” nakangising sambit niya rito.   “Kunwari ka pa. Alam ko namang masaya ka na ako ang driver mo ngayong gabi at makakabawi ka sa’kin,” anito sabay agaw sa kaniya ng bag at mga libro niya   Naglakad ito palapit sa pinto ng front seat at pinagbuksan siya.       Hindi niya alam pero kagat-labi siyang kinabahan nang gawin nito iyon.       “Bukas na po ang pinto, kamahalan.” Inalalayan siya nito papasok.       Hindi naman agad siya nakaimik. Tahimik siyang naupo gaya ng ipinag-uutos nito. Ipinaibabaw nito sa kaniyang mga hita ang kaniyang mga gamit. “Napakadami mo namang bitbit na libro, Emrys. You might be the smartest in your class.” Naupo na ito sa driver’s seat at isinuot ang seat belt.       “Hindi ‘yan totoo. Fake news ka,” nakangising sambit niya rito.               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD