Chapter 18

2050 Words
Nakapangalumbaba si Emrys sa terrace ng kaniyang kuwarto. Malaya niyang pinagmamasdan ang bilog na bilog na buwan sa kalangitan. “Anong masasabi mo, Skiah?” kausap niya sa inosenteng forever rose. Sapat ang liwanag na hatid ng buwan para masilayan niya pa rin si Skiah. Kanina niya pa ito kinakausap at nangyaring nabigyan niya na rin pala ito ng nickname. “Nakikita mo ba? Hindi nga ba at higit na mas magandang tanglawin ang buwan mula rito sa Aswun, kumpara sa Araceli ‘diba?” Siguro kung may makakakita sa kaniya ngayon, iisiping wala siya sa tamang pag-iisip at kinakausap niya ang walang malay na halaman. Mabuti na lamang at ang garden sa tapat ng terrace niya ay off-limit sa mga katulong na naroroon. Isa pa, sobrang taas ng pader ng kanilang mansyon. Napakaimposible nang masilip ang kanilang mansyon mula sa labas ng mataas na pader na iyon. “Alam mo, sobrang saya ko talaga ngayong araw na ito.” Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagpatuloy. “Sobrang sarap pala sa feeling na may mga taong gusto kang makasama at kilalanin. Iyong hindi ka man lang hinusgahan gaya ng ginagawa ng iba. Wala naman silang kailangan sa akin pero gusto nila akong kaibiganin. Isang bagay na ngayon lamang nangyari. N-Nakakaiyak kasi ngayon ko lang naramdaman ‘to.” Ramdam niya ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Nasa gano’n siyang kalagayan nang biglang tumunog ang telepono mula sa loob ng kaniyang kuwarto. Bigla’y umatras lahat ng luha niya mula sa kaniyang mata. Saglit siyang nagpaalam sa kausap. “Saglit lang, babalikan kita riyan, tumatawag yata si mama,” paalam niya rito. Animu’y totoo namang naiintindihan siya nito. “Ma!” excited niyang bungad sa tawag ng ina. “Ehem!” Muntikan niya nang mabitawan ang telepono nang hindi niya mabosesan ang tikhim na iyon. Humigpit ang pagkakahawak niya roon. “Who’s this?” lakas-loob niyang tanong sa kung sinuman ang naroroon. “Hi little wolf.” Nanlalaki ang mga matang napaahon siya ng tayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kaniyang kama. “Ikaw?!” gimbal niyang sambit. Humalakhak ito sa kabilang linya. “Bakit parang gulat na gulat ka riyan? Hindi ka ba masaya na makatanggap ng tawag mula sa akin?” puno ng sarkasmo na tanong nito. Nangapa siya ng sasabihin sapagkat nablangko yata bigla ang kaniyang isipan. “H-Hindi nga,” walang kakurap-kurap na sagot niya rito. “You’re lying,” anito na mas ikinakaba niya pa lalo. Mariin siyang napapikit. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ano bang inaasahan nito? Kung alam lamang nito. Ngayon lamang nangyaring sumagot siya ng tawag mula sa ibang tao. Tanging magulang lamang nila ang nakakatawag sa kaniya. “O-Of course not,” kabado pa ring sagot niya rito ngunit pilit niya pa ring pinapatatag ang kaniyang pagsasalita. Ayaw niyang magpatalo sa kaniyang kaba at ipahiya ang sarili kay Gila kaya naman humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita muli. “Who gave you my number anyway?!” pagtatapang-tapangan niya rito. “Tsk.” Gila clicked his tongue dramatically. “I have my ways, Emrys.” Naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito. “I have my right to know who cheated on me,” iring niya rito. Hindi niya maiwasang mapahalukipkip sa sobrang sama ng kaniyang loob. “Okay,” anito. “How’s your nanny task to my baby?” Namilog ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito. “Nanny task?” Tuluyan na yatang nalaglag sa sahig ang kaniyang panga dahil sa narinig. Nag-loading yata ang utak niya dahil sa sinabi nito. Did she really heard it right? Tinawag siya nitong yaya? Nanggigigil na napasigaw siya sa sa telepono. Hindi niya na napigilan ang kaniyang sarili. “Ewan ko sa’yo. Sobrang kapal naman ng mukha mong tawagin akong yaya! Cheh!” angil niya rito bago ito pinatayan ng tawag. Nanatili siyang nakatayo roon sa kinaroroonan ng ilang segundo. Naglakad siya papunta sa terrace at inis na binuhat si Skiah papasok. “Narinig mo?” asik niya rito. “Sobrang antipatiko ng nagmamay-ari sa’yo, Skiah! Tinawag lang naman niya akong nanny. Yes. Nanny mo raw ako! Basta. Nakakagigil!” nangangalaiti na kuwento niya rito. Huminto siya sa harapan ng kaniyang table at inilapag sa ibabaw niyon si Skiah. “Dito ka lamang at tatanungin ko si Graza kung may kinalaman ba siya kung paano nakarating ang numero ng telepono ko sa antipatikong iyon. Makikita ng amo mo!” bilin niya rito bago siya nagmartsa palapit sa pintuan. Kinatok niya ng tatlong beses ang pinto ng kuwarto ni Graza. “Graza?” malakas ang boses na tawag niya sa pangalan ng kapatid. Lihim siyang umaasa na gising pa nga ito. Sapagkat ang paalam nito kanina pagkatapos nilang maghapunan dalawa ay inaantok na raw ito. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago kumatok muli. Nangako siya na kapag hindi pa rin siya pinagbuksan ng pinto ni Graza sa pagkakataong ito ay babalik na siya sa loob ng kuwarto at pipilitin ang sariling matulog na lamang. “Graza!” patuloy niyang pagtawag. Ngunit wala talaga siyang tugon na narinig. Laglag ang balikat na nagmartsa siya pabalik sa loob ng kaniyang kuwarto. Tuluyan na siyang nahiga sa kaniyang kama at pinilit ang sarili na makatulog. Mahihinang katok at boses ni Graza ang nagpabalikwas sa kaniya ng bangon. Awtomatiko siyang napaahon ng tayo mula sa pagkakahiga. Mariin siyang napapikit. Napahikab pa siya nang wala sa oras. “Nariyan na!” pagbibigay alam niya rito. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa pinto. Hindi na siya nag-abala pang sitahin ang kaniyang sarili sa harapan ng malaking salamin. Humihikab na pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto. “Good morning, Emrys!” naudlot ang magandang pagbati ni Graza sa kaniya nang mapagmasdan nito ang kaniyang hitsura. “What?” maang niyang tanong rito. Paano’y nakatigalgal na lamang ito na para bang natuklaw ng ahas. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago siya nito hinila patungo sa loob ng kaniyang kuwarto. Huminto sila sa tapat ng salamin. “Nagbasa ka na naman ba magdamag?” blangko ang tingin na pag-usisa sa kaniya ni Graza. Maang nilang pinagmasdan dalawa ang repleksyon niya sa salamin. Hugis puso ang kaniyang mukha na namana niya sa kaniyang ama. Ang maliit at medyo matangos niya na ilong at hugis puso niya ring labi na mapupula ay namana niya sa kaniyang ina na dumadaya sa kaniyang mukha. Nagmumukha iyong maliit. Iyon ang ipinagkaiba nila ni Graza. Matangos ang ilong ni Graza at oblong ang hugis ng mukha nito. Mahahaba ang kaniyang pilik-mata na namayani niya sa kaniyang ama. Maging ang kaniyang katangkaran ay namana niya sa kaniyang ama. Higit na mas matangkad siya kaysa kay Graza. “Napakalaki ng eye bags mo at buhaghag ang iyong buhok,” sambit nito sa kaniya. Mariin siyang napapikit. “Okay. Oo na,” aniya rito. “Inaamin ko na, wala akong tulog.” Nagsalubong lalo ang mga kilay nito. “At bakit naman?” salubong ang kilay na tanong nito sa kaniya. Kagat-labi siyang napaupo sa upuan na nasa gilid at naiiling na ibinuhol ang sariling buhok sa isang malaking bun. Mariin siyang napapikit, “Why? Because he calls me nanny!” Ipinakita niya sa kapatid ang nakakuyom niyang kamao. “Ano?” naguguluhang tanong nito sa kaniya. “Sinong nagsabi?” “Si amo ni Skiah,” nanggigigil na sambit niya rito. “What are you saying?” kunot-noong tanong muli nito. “Who’s Skiah?” Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at inginuso ang forever rose na pag-aari ni Gila. “Iyan si Skiah.” “Oh, dear.” Pagak itong natawa at napasapo ng kamay sa mukha. “I thought you were having another invisible friend of yours again,” pang-aasar nito sa kaniya. Asar niyang ibinato ang ballpen na nahawakan niya sa ilalim ng lamesa. “I hate you!” “Ah, so the guy who calls you nanny is no other than Gila Cox?” nangingising tanong nito sa kaniya. Tinatamad siyang napatango rito. “Exactly! How did you know?” seryosong tanong niya rito. Lumawak lamang lalo ang pagkakangisi nito. “You said something like it was Skiah's boss…” Nasapo niya ang kaniyang mukha. “Okay,” pagak siyang natawa. “So anong sabi niya?” tanong muli nito. “Bakit daw siya tumawag?” sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. Asar niyang binalikan sa kaniyang isipan ang buong pangyayari. “Ah, basta! Binabaan ko siya ng tawag!” napahalukipkip na sambit niya. Bumilog ang mga mata nito. “Hindi ko maintindihan! Bakit mo nagawa ‘yon?!” nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa mukha nito sa salamin. “Ayaw niyang sabihin sa'kin kung kanino niya kinuha ang numero ng telepono ko. Nakakainis! Pakiramdam ko naisahan ako!” asar na angil niya sa kapatid. Imbes na damayan siya ay tila nagpipigil pa ito ng tawa ngayon. “Bakit mo naman ako pinagtatawanan, Graza?” pagmamaktol niya rito. Nilakihan lamang siya nito ng mga mata. “Natatawa ako sa reaksyon mo. Buong gabi ka talaga na hindi nakatulog dahil lang diyan?” nananantiya ang boses na tanong nito sa kaniya. Inirapan niya ito at ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama. “Dahil asar ako sa lalaking ‘yon,” nangangalaiting angal niya. Umiiling na na nilapitan siya nito. “Patience!” mariing sambit nito. “Kailangan mo ng mas maraming pasensiya sapagkat kasalanan mo naman in the first place,” pangangaral nito sa kaniya. “Argh!” angil niya. “Of all people. Why do I have to deal with that pervert?” problemadong tanong niya rito. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya patayo. “Ang mabuti pa, bumaba na tayo at mag-almusal.” Tinatamad na nagpaguyod siya rito at umahon mula sa ibabaw ng kama. Pareho silang hindi pa nakaligo na bumaba sa sala. “Magandang umaga, Miss Emrys at Miss Graza!” nakangiting bati sa kanila ng mayordoma na si Aunt Emcee. “Magandang umaga po!” masayang bati rito ni Graza. Humikab siya. “Hindi ko po alam kung ano ang maganda sa umaga ngayon,” inaantok na sambit niya sa ginang. Nagtatakang napasulyap ang ginang kay Graza. “May nangyari bang masama, Miss Graza? Bakit parang walang tulog itong si Miss Emrys?” Napakamot siya sa kaniyang ulo na napailing. “Wala po, Aunt Emcee. Nagbibiro lamang po ako.” Ilang segundo siya nitong sinusulyapan at pinapakiramdaman bago tuluyang nawala ang pag-aalala sa mukha nito. Inahin nito sa kanilang tapat ang isang malaking bowl ng sopas at toasted bread na napuno ng paborito niyang mga palaman. “Wow!” she whispered happily. Napangiti ang si Aunt Emcee dahil sa kakulitan ng alaga pagdating sa pagkain. “Kumain lamang kayo nang marami. Kabilin-bilinan ng inyong ina na huwag kayong magpapalipas ng gutom at sakto,” sambit nito bago naglakad paalis. “Huwag ho kayong mag-alala, Aunt Emcee. Uubusin po namin ‘yan ni Graza. Kailangan palang busog pagkalunta sa school.” Napailing ang ginang. “Napakadami mo talagang kalokohan, Miss Emrys.” Natatawa na lamang ito. “O siya,” anito. “Diyan na muna kayong magkapatid, kumain kayong mabuti, nasa kusina lamang ako kung kailangan niyo ako, ha?” bilin nito sa kanila. Nakangiti silang napatango ni Graza rito. “Sige po, Aunt Emcee. Huwag niyo na po kaming alalahanin. Maraming salamat!” ani Graza rito. “Ah—Aunt Emcee!” biglang tawag niya rito. Muntikan pang mapaso ng mainit na sopas ang dila niya sa biglaang pagsasalita. Kumunot ang noo nito at muli siyang hinarap. “Ano ‘yon, Miss Emrys?” Napasulyap siya kay Graza at muling iniukol niya iyon kay Aunt Emcee. “Alam niyo po ba kung paano magpasibol muli ng halaman?” nakangiwing tanong niya rito. Makahulugan itong ngumiti kapagdako. “Masaya ka na ngayon niyan,” nakangising puna sa kaniya ni Graza. Sakay na sila ng sasakyan papunta sa school. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa braso ng kapatid at bahagyang inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. “Bahagya akong nakahinga nang maluwag, Graza,” kuwento niya sa kapatid. “Kampante ako at alam kong nasa tamang kamay ngayon si Skiah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD