08

1456 Words
“Mama! Mama! Bagay ba?” Tanong ko, umikot pa ako para mas makita niya. “Syempre. Kahit ano naman yatang isuot ng anak ko.” Nakangiting sabi niya na inaayos pa ang buhok ko. “Nako Tita, wag niyong bolahin ‘yan at baka umasa.” Sabi ni Ex habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin, nakasuot siya ng Blue Cinderella gown. “Sus! Pagbigyan mo na ako, minsan lang ‘to.” Turo ko pa sa yellow Belle gown ko. “Wag na kayong magtalo’t pareho naman kayong maganda. Magtabi nga kayo, pi-picture-an ko kayo. Dali!” Nagtabi naman kami ni Ex, humawak pa ako sa braso niya tsaka tumingin sa digicam ni Mama, excited naman itong kinuhaan kami ng letrato. “Oh ‘nak? Ikaw pa ba ‘yan? Babaeng babae ah! Ganda.” Bati ni Tito kay Ex. “I know right.” Sabay flip hair ni Ex. Bumaba ng tuluyan sa hagdan si Tito. Nandito kasi kami nag-ayos sa bahay nila Ex. “Ngayon nawala na ang pagdadalawang isip ko kung anak ba talaga kita, ganda oh! Mana dito.” Itinuro pa ni Tito ang mukha niya. “Tama na ang lokohan Xen, alam naman nating si Eve ang kamukha ni Ex.” Pagtukoy ni Mama sa Mama ni Ex. “Oyy magkamukha rin kami noh.” Pagtatanggol ni Tito sa sarili, na kinontra agad ni Ex ng, “Papa nga, stop me! Hugis palang ng mukha ko, kay Mama na.” “Hahahah eh ako ‘Ma? Magkamukha ba kami ni Papa?” Biglang tanong ko. Sa totoo lang kasi, hindi ko pa nakikita miski picture ni Papa. Wag naman sana kaming magkita sa personal no? Takot ako sa multo. Haha. Sabi rin kasi ni Mama hindi pa uso ang phone na may camera noon at ang mahal pa daw magpakuha kaya wala siyang picture ni Papa. ‘Lam niyo naman kami, poorita lang haha. Hindi kaagad nakasagot si Mama sa tanong ko at si Tito na ang sumagot, “H-hindi masyado Elle, mas kamukha mo ‘tong si Lian. Hehe” Napakunot ang noon ko, “Gano’n po? ‘Di ko siya kamukha kahit konti?” “Ang mga mata mo anak, nakuha mo sa kaniya.” Nakangiting sabi ni Mama. Ang mga mata ko? Kaagad ko ‘yong tiningnan sa salamin. Ang ganda talaga ng mata ko, sobrang expressive. Medyo chinita rin. Natigil ang pagtitig ko sa sariling repleksyon ng may pumindot ng door bell. “Oh nandyan na ang sundo niyo, sandali’t pagbubuksan ko.” Binuksan nga ni Tito ang pinto, pagpasok nila’y tumambad sa amin ang mga nag-gagandahang mga nilalang ng papasukin sila ni Tito. Ang gwapo ni V to the millionth power! Waaaahhh~ “Good afternoon po.” Bati nila. Kulay pink ang gown na suot ni Ann, nakaladlad ang mahabang wavy niyang buhok at may maliit rin na tiara sa ulo niya. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng three piece suit at mukha talaga silang mga Prinsipe. Tumayo na rin kami ni Ex at nagsilabasan na para umalis. Iisang sasakyan lang ang dala nila para magkakasabay na kaming pumunta sa bahay nila Jin, wedding anniversary kasi ng parents niya at fairy tale ang theme. Ang kulit ‘no? Batang bata pero 50th year na raw nila, may apat na nakatatandang kapatid pa raw si Jin at tatlo sa kanila ay may asawa na, lima na nga daw ang pamangkin niya. Ang saya siguro ng pamilya niya? Ang laki eh. Hindi naman sa hindi ako masaya kay Mama, pero naisip ko. Paano kaya kung buhay pa si Papa at may mga kapatid ako? Masaya siguro pero okay na rin naman ako. “You look ... more than stunning.” Puri ni V sa tabi ko na tinugon ko ng, “Yieeeehh ang gwapo mo rin hihi.” Blue and white ang kulay ng suit ni V, parang ‘yong damit ni Beast? Mas dama ko tuloy ang pagiging Belle ko. Pagkarating sa lugar ay agad kaming sinalubong ni Jin, tinawagan kasi siya ni Ex na abangan kami. Nagbatian pa kami tungkol sa itsura ng isa’t isa at sabay sabay ng pumasok. Napaka ganda at talagang pangmayaman ang lugar, feeling ko tuloy out of place ako. Pero keri lang ‘yan, mukha naman akong mayaman eh. “Ipapakilala ko pala si Kuya sa inyo.” Excited na sabi ni Jin. Palagi niya kasing pinagmamalaki sa’min ang Kuya niya, mas matanda lang daw ‘yon sa kaniya ng three years pero nakakapagpatakbo na ng isang negosyo. Idol niya yata eh. “Ayun siya, tara.” Turo niya sa nakatalikod na lalaki, may kausap itong isa pa, “Kuya RM!” Linapitan namin siya at nang humarap ito sa’min, nagulat talaga ako, as in! Waaaaaaahh~ What to do? I’m panic! Dali dali akong napatingin kay Ex at pareho kami ng reaksyon. “Guys, si kuya RM.” ‘Yan pala ‘yong kuya na tinutukoy ni Jin. Grabe, si RM ‘yan eh! “I-I need to p-pee, wait lang ah?” Sabi ni Ex at agad agad tumakbo. “Ex!” Tawag ni Jin “Sa’n pupunta ‘yon?” Baling niya sa’kin na ‘di ko pinansin at binalingan nalang si RM, ang ex-boyfriend ni Ex na dahilan kung bakit siya play girl ngayon. “I’m going to talk to her. Please excuse me.” Paalam niya. Kunot noo ko namang sinundan siya ng tingin na binabaybay ngayon ang daang tinahak ni Ex. “Uyy sandali!” Pagsunod ni Jin sa kaniya. Grabe ka naman ngang talaga tadhana, kung bumanat ka, walang makakapantay. “What did just happened?” Naguguluhang tanong ni Ann matapos ang ilang sandali ng katahimikan. Sasabihin ko ba sa kanila? “Psh. ‘Yong kuya kasi ni Jin, ex ni Ex.” Napabuntong hininga ako, “Hindi niya kasi gustong pinag-uusapan ‘yon, hintayin nalang nating siya ang mag-open.” Nag-umpisa ang party ng wala sila, nag program sandali at nakakain na nga rin at lahat wala parin sila. Ano na kayang nangyari? Okay lang kaya si Ex? “Wanna take a walk?” Nakangiting tumango nalang ako ng ayain ako ni V. Lumabas kami sa napaka laking bahay at dinala niya ako sa garden, naupo kami sa isang bench doon. “Still bothered about earlier?” Nag aalalang tanong ni V. Napanguso ako, “Hmm. Gusto ko na ngang kausapin si Ex.” Pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil sa labis na pag aalala, “Kaya lang, kilala ko ‘yon, mas gusto no’n mapag-isa kapag bago pa ‘yong problema.” “Then give her what she needs, time.” Hinawakan niya ang nanlalamig kong mga kamay kaya napatingin ako sa kaniya, “Safe naman dito sa village, sinundan din siya no’ng magkapatid so no worries.” Nakangiting paniniguro niya, na lalo kong ikinakaba. “Yon nga ang pinag-aalala ko, sinundan siya no’ng magkapatid. Haaay.” Sana maging maayos siya… Sila. Kung bakit naman kasi ang komplikado ng love. Gaya nitong katabi ko. Hindi man siya yung magulo, ako naman. Tss. Buhay nga naman, parang life. “V?” Salita ng boses ng isang lalaki mula sa likod na ikinakaba ko. Bakit? “Tito Patrick.” Tumayo si V at nakangiting hinarap ito kaya napatingin rin ako. “Oh! You’re with someone?” Gulat na sabi niya. “Ah yes Tito, this is Elle Cristobal and Elle, this is Tito Patrick Park, dad ni Jimin." Pakilala ni V sa aming dalawa. “Nice to meet you po.” Nakangiting sabi ko at iniabot ang kamay ko. Pero imbis na abutin ‘yon ay gulat na tinitigan niya lang ako, nanlalaki pa ang singkit na mga mata niya na akala mo’y nakakita ng multo. Woah, we have the same eyes. “Uhh hehe.” Awkward na ibinaba ko ang kamay kong hindi naman nya tinanggap. Tulala parin siya, anong meron? Bakit ba ganiyan nalang lagi ang reaksyon ng mga nakikilala ko? “C-Cristobal? You’re a Cristobal? Is Lian your Mother?” Imik niya matapos ang ilang segundo. Alanganing tumango ako, “Ahm opo, magkakilala kayo?” Nagulat nalang ako ng… Bigla niya akong hilahin sa isang mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung bakit pero, may naramdaman akong kakaiba sa pagyakap niya. ‘Yong warmth at care na sa yakap lang ni Mama ko nararamdaman? Kaya nga hindi ko siya magawang itulak kahit na nawiwirduhan ako’t niyakap niya ako. “A-anak.” Bulong niyang rinig na rinig ko. Ano raw? Anak?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD