13

1998 Words
Nagising akong ang ingay ng pinaka ayaw kong makina ang naririnig, puting kisame, mga dingding at kahit ang kumot ay puti. Hindi, nasa ospital nanaman ako? Inilibot ko ang paningin ko at nakita si V sa tabi ko, nakayuko at nakapikit habang hawak ang kamay ko. Unti unti siyang dumilat at nagtaas ng tingin sa akin. “Y-you’re awake! How do you feel? Are you fine? Wait, I’m gonna call a Doctor.” Nagmamadaling sabi niya sabay tayo. “Sandali.” Pagpigil ko. “Stay, ayos lang ako.” Nakangiting dagdag ko. “Are you sure?” Nag-aalalang tanong niya. Tumango nalang ako at pinanood ang pagbuntong hininga niya. Pinilit kong maupo dahil nananakit na rin ang likod ko kakahiga. “Pahingi ng tubig.” Mabilis siyang kumuha ng tubig sa lamesa at inabot ‘yun sa’kin, ininom ko ‘yon bago siya tingnan na seryoso ng nakatingin sa’kin. “Ilang oras akong tulog?” “Sixteen hours.” Woah. No wonder uhaw na uhaw ako, medyo nagugutom na rin yata ako. “Why didn’t you tell me?” “Na-nasa’n si Mama?” Hindi ko alam ang isasagot kaya ‘yan ang nasabi ko. “Do not answer a question with another one, Elle.” Napayuko ako, pumikit at malalim na bumuntong hininga bago muling dumilat at tingnan siya ng diretso sa mata. “Kasi ayoko.” Simpleng sagot ko na sinundan niya kaagad ng, “Why?” “May sakit ako, alam ko ‘yon at ramdam na ramdam ko. Ayaw kong malaman ng iba dahil ayokong iparamdam din nila sa’king may sakit ako, na mahina ako.” Yumuko ako para iwasan ang tingin niya, “Mas nanghihina ako kapag kinakaawaan ako ng iba. Gusto kong maging normal sa paningin niyo.” Panandalian siyang natigilan at natulala bago ako igapos sa isang yakap. “I want you to know that you’re not what you think you are. You’re one though lady, Elle. At alam kong kaya mo, lalabanan natin ‘yang sakit mo sa puso.” Humiwalay siya sa’kin at tinitigan ako sa mata. “I just want you to stay strong and fight. Wag mong hahayaang lumubog ang barko natin, Captain. Minsan na akong nalunod ng mamatay si Emma, but you lift me up and saved me, don’t let me drown again, hindi na ako makaka-ahon.” Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nakangiting sinabi, “I will, V. Kakayanin ko para sa mga taong mahal ko at mahal ako, para sa’yo.” And before I knew it, we were kissing. * * * “Honey? Are you sure okay ka na?” Nag-aalalang tanong niya. “Psh. ‘Ma naman, ilang beses ko ng pinag-daanan ‘to, okay na okay na ako.” Bumuntong hininga siya bago maupo sa kama katabi ko. Buntong hininga day ba ngayon? Ang lalalim namin eh haha. Nandito parin kami sa ospital pero naghahanda na kami para umuwi, ayoko na rin naman dito. “Sorry kung nag-away kami ng pamilya ni Patrick sa harap mo. Promise honey, aayusin ko ‘to. Kakausapin ko sila ng mahinahon.” Nakangiting pangako niya. “I trust you, kayang kaya mo ayusin ‘yan, ikaw pa ba?” Pagpapalakas ko sa loob niya. “Haaaayy halika nga dito baby ko.” Hinila niya ako para sa isang yakap. Sinuklian ko naman ang mahigpit niyang yakap, “Para kang si V, Mama. Ang higpit mong yumakap! Hihi.” “Hmmm at dalagang dalaga ka na rin, may minamahal ka na eh!” Biro niya pa sabay kurot sa magkabilang pisngi ko. “Mama naman.” Nakangusong sabi ko. Humiwalay siya ng yakap sa’kin at may mapanuksong ngiti ang nasa labi niya. “Nagpaalam sa’kin si V, gusto ka raw makilala ng Mommy niya, nakauwi na raw kasi galing US. Good timing naman dahil aalis ako mamaya.” “San ka pupunta?” Curious na tanong ko. “Di’ba sabi ko kanina? Aayusin ko ang gulo sa pamilya natin at ni Patrick.” Sabi niya kaya pina alalahanan ko kaagad siya, “Mama, mag-iingat ka ah?” “Ay nako, subukan lang nila, makakatikim sila ng mega punch ko.” Sabay kaming natawa sa imagination namin. Sana maging maayos talaga ang pakikipag-usap niya, at magkabati na sana sila. Ang hirap ng pamilyang may alitan. Todo tawa pa ako ng marealize ko mga naunang sinabi ni Mama. Makikipag-kita ako sa Mommy ni V! Gosh! What to do? I’m panic! Bakit ‘di agad na-mention ni V ‘to? He’s so road! “Tita? Elle? Ayos na ‘yung bills, we can go.” Biglang sulpot ni V sa pinto. “Okay, tara na ‘nak.” Nandon parin ‘yung mapanuksong tingin ni Mama sa’kin at kay V bago nagpatiunang umalis ng kwarto. Sumunod nalang ako. “What’s with your mom's look?” Tanong niya habang naglalakad, napailing nalang ako. “Nakauwi na daw Mom mo?” Pag segue ko. “Yeah, and she wants to meet you. Pero okay lang kahit hindi kasi kakagaling mo lang sa ospital, baka hindi mo pa kaya?” Nag aalalang tanong niya. Sweet naman dis boi. “Ano ka ba. Ayos lang talaga ako, anong oras ba?” Pa-chill na sagot ko, pero ng sabihin niyang, “Maybe around six? Dinner daw, nando’n din si Jamniel.” I got no jams na. Six? Okay. And that’s 4 hours from now! Kaya pagkauwi palang ay naghanap na ako ng maisusuot ko, alangang magpambahay ako di’ba? Alam ko namang maganda ako at babagay sa’kin kahit basahan lang ang soot ko pero hindi makatarungan sa ganda ko ‘yon! Dress? Shirt? Blouse? Mag-gown kaya ako? Ano baaaaaaa~! “Ito ang isuot mo, Elle. Simple pero maganda.” Abot ni Mama sa isang kulay beige na dress. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pagkabihis. Okay. Na-justify na ang ganda ko. Kabog! Isang tunay na Dyosa~ “Honey, nandito na si V!” Sigaw ni Mama mula sa baba. Naglagay ako ng pink na lipstick dahil medyo maputla talaga ako, pero keri lang. Pagkababa ay nakita ko agad ang nakaupong si V, naka white shirt lang siya at denim pants. Yieeehhh. Wafu nemen this guy. Haha. “Alis na kami ‘Ma.” Paalam ko. “Una na po kami, I'll make sure before nine nandito na siya.” Paniniguro ni V. “Siya sige, mag-iingat.” Pagkasabi niya no’n ay umalis na kami sakay ng kotse ni V. “Nasabi ko pala kay Mommy ‘yung sakit mo, I hope you don’t mind.” Sabi niya habang nasa biyahe kami, “Masiyado kasi siyang nag-alala no’ng sinabi kong mag-over night ako sa ospital, akala niya kung napa’no ako.” I smiled, “Okay lang, don’t worry.” Pagdating do’n ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kotse. This is it! Sana naman mabait ang Mommy niya. Ajuju ayoko ng mala-kalyeseryeng love story. “Wag kang kabahan, mabait naman si Mom ko.” Sabi ni V. “Sabi ng kinabahan din sa meet up nila ng Mama ko.” Pang-aasar ko pa at napa “Tss.” nalang siya. Pagdating namin sa bahay nila ay namangha ako sa laki nito, as expected, rich kid eh. Nang makapasok ay naabutan namin sa receiving area ang isang babae na blonde at kulay pink ang dulo ng mahabang buhok at may bangs. “Mom~! Kuya’s here!” Siya siguro si Jamniel. Ang kewl ng hairdo niya. “Jam! What happened to your hair?” Bati ni V. “Duh~ uso kaya.” Nag flip hair pa siya, “Girlfriend mo?” Sabay turo niya sa’kin. “Tss. Elle, that kid is Jam, younger sister ko. Jam, this is Ell, soon-to-be girlfriend.” Itinaas ko ang kanang kamay ko para makipag shake hands sa kaniya na tinanggap niya naman. Tinitigan niya ako, “Kamukha mo talaga si Emma.” “Jam.” May tono ng pagbabantang sabi ni V. “What? Just saying.” Kibit balikat na tugon niya. May sasabihin pa sana si V pero… “Oh? V, you’re really here!” Lumabas mula sa kung saan ang isa pang babae na… May bangs din pero green naman ang dulo ng buhok. Niyakap niya si V at binalingan ako. “You must be Elle, hello hija nice to finally meet you.” Sabi niya sabay yakap sa akin. “Come come, let’s eat I’m starving.” Habang nasa hapag ay kwento ng kwento ‘yung Mom ni V, si Tita Ivy. Mabait nga talaga siya, kalog at talagang nakakasakay sa trip, close na close nga silang pamilya. Sana ganiyan din kami nila Mama at grandparents ko. “Oh. By the way Elle, I heard na-confine ka raw. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Biglang tanong niya habang nag de-dessert kami. “Ah opo, okay na naman po ako.” Paniniguro ko. “May sakit ka raw sa puso?” Kunot noong tanong ni Jam. “Oo, but don’t worry, nag gagamot ako and it’s effective naman.” Bago pa man matapos ang pagkain ay hinila na ako ni Jam sa kung saan. “May ipapakita lang ako sa kaniya Kuya! Ibabalik ko rin.” Umakyat kami sa second floor at dinala niya ako sa harap ng isang kwarto. “This is our art room, mahilig kasi kaming tatlo mag-drawing kaya meron nito.” Binuksan niya ang pinto at pumasok kami, sa bungad palang ay tumambad na sa view ang malaking portrait nila. It was a picture of a perfect family, formal pero mababakas ang pagmamahal sa mga mata nila. Mukhang matagal na ‘to dahil ang bata pa ni V, 12 or 13 lang yata siya rito. “That was taken 6 years ago, before the accident that took my Dad’s life. But Kuya painted that just last year.” Paliwanag ni Jam. “Hindi niya nabanggit na magaling siya mag-paint.” I said in awe while looking at it. “Well, I must admit, kakaiba talaga ang drawing skills ni Kuya. Sanay din naman ako pero hindi kasing galing niya.” Sumunod kong nakita ay ang iba't ibang larawan ng iba pa nilang kamag-anak, medyo malaki pala ang angkan nila. Pero ang higit na nakakuha ng pansin ko ay ang sketch ng isang babaeng kamukhang kamukha ko, si Emma. It was her, medyo nakatagilid ang ulo at bahagyang nakangiti. Pinakatitigan ko ‘yon dahil ito ang unang beses na makikita ko ang larawan niya. “Yang sketch na ‘yan, ginawa niya right after Emma’s death. He was greatly devastated that time, kung ako ang tatanungin para na siyang nasa mga huling araw ng buhay niya. Wala siyang ginawa kun’di magkulong sa kwarto, umiyak at tumulala.” Salubong pa ang kilay niya habang nagkukwento. “Good thing his friends are there para kahit papano, mabawasan ang depression niya.” Tumingin siya sa’kin at bahagyang ngumiti. “He loved her madly, pero sa nakikita ko sa mga tingin niya sa’yo, mas matindi ang tama niya ngayon.” Pagkasabi no’n ay ipinakita niya ang sandamakmak na larawan ko, may sketches, paintings, at iba pang medium na ginamit… Pero ako ‘yon lahat sa iba’t ibang anggulo. “Kaya sana wag mo siyang iwan, ayoko ng makita ang Kuya ko na masaktan ng ganon.” Kung ako lang, ayoko talagang umalis. Ayokong iwan ang kahit sino. Pero may magagawa ba ako? Kahit si Duterte o Donald Trump walang magagawa kapag si Kamatayan na ang kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD