06

2169 Words
Magandang umaga Universe! Yieeeeeeehh. Paanong ‘di gaganda ang umaga kung sing ganda ko ang kaharap mo? Haha. Ang hyper ko ba? Apkors! 9th of September kaya ngayon. Hihihi 17th birthday ko na po! Waaaaaaahh dalaga na talaga is me. “Good morning Honey, Happy birthday!” Hyper na bati sa’kin ng equally Dyosa kong ina. “Thanks Ma!” Hyper din na bati ng magandang si ako. Lam na kung kanino ako nagmana. Nakahanda na agad ang agahan pagkababa ko kaya sabay na kaming kumain. “Papuntahin mo ‘yong friends mo mamayang dinner ah? I’ll cook, day off ko naman. Konting celebration lang.” Paalala ni mama dear. “Sige po, isasama ko ‘yong mga bagong kaibigan ko pati si Ex. Excited na pumasok na ako sa school, hindi ko kasabay ngayon si Ex dahil maaga raw pumasok sabi ni Tito. Napansin ko nga these days ang busy niya, huhu ‘di na niya ako masiyadong kinakausap. Kaya nga madalas si V ang kadaldalan ko. Hehe speaking of V. Yieeeeeeeeehhh~ Tuwang tuwa parin ako kapag naaalala ko ‘yong gala namin no’ng first day… * * * FLASHBACK Pagkakain ay naghiwa hiwalay na kami ng landas, may kaniya kaniyang lakad pala sila, pati si Ex at Jin! Yieeeeeeehhh~ “Where do you wanna go?” Tanong niya matapos naming manood ng Boss Baby. “Hmmmm arcade tayo!” Suggest ko na agad niyang sinang ayunan. Hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo na kami do’n. Yieeeeeehhh! Hihi crush ko na yata siya hahahahaha. Siya kasi eh, masyadong pa-fall, makadikit daig pa jowa. Enebe nekekeleg eke! Pfth ang ganda ko talaga. Pagdating sa arcade, naabutan naming may sumasayaw do’n sa dance revo yata? ‘Yong may ginagaya na steps sa screen? Waaaaaahhh ang galing niya sumayaw! “Wait panuorin muna natin siya.” Awat ko no’ng akmang hihilahin niya na ako papasok ng arcade, nasa may labas kasi ‘yong dance revo. Ang galing niya talaga sumayaw! Tapos may itsura pa kaya ang daming audience, magkasing edad lang yata kami pero ibang school ‘yong uniform nya. Nagulat nalang ako ng makitang kong lapitan ni V ‘yong lalaki, nag-usap pa sila at bigla nalang nagsigawan ang nga tao ng… “Showdown! Showdown!” Ngayon ko lang napansin na puro taga school pala namin ang nandito, palibhasa walang pasok sinasamantala. Biruin mo ‘yon, 1st day half day? Nigagawa niyo? “Omo! Si Suga ‘yan diba? So hot niya!” Tili ng girl sa gilid ko. Suga pala pangalan niya, gwapo nga eh, sobrang puti pa, medyo kinulang lang sa height. Parang si Jimin. Haha. Ilang sandali lang tumugtog na ‘yong ‘Fire’ ng BTS at nagshowdown na nga silang tunay. ♪♬ Bultaoreune Fire~ Binabawi ko na ‘yong sinabi ko, hindi magaling ‘yong lalaki kanina, natabunan na siya ng kagwapuhan ni V. Huhu bakit ba kasi sobrang attracted ako sa magaling sumayaw? Sexy dance pa more! Nang matapos ang sayaw ay nakasmirk siyang lumapit sakin habang pinapahid ‘yong ilang butil ng pawis sa gilid ng noo niya. Spell hot? Capital V-K-I-M “Ano? Titingin ka pa ba sa iba?” Wala sa sariling napa iling nalang ako. Paano pa? Kung natatabunan mo sila. END OF FLASHBACK * * * Kumakandirit kandirit pa ako habang naglalakad patungong locker para kunin ang mga gamit ko bago dumiretso ng classroom. Nang marating ang room ay todo smile pa akong binuksan ang pinto, pero… “H-hello? Anybody home?” Walang tao. Ajuju nasan na sila? Don't tell me, in-abduct sila ng aliens. Waaaaaahh bakit di ako kasama? Hindi naman ako late ahh, ang aga ko pa nga. Ang ayos ng salansan ng upuan kaya mukhang wala pang pumapasok talaga, kaya nakangusong tinungo ko nalang ang upuan ko para ibaba ang bag ko. Nang mapansin ko ang isang maliit na red flag, ayy hindi pala flag. Parang sailing boat haha ang cute! Alam nyo yung bangka ni Moana? Ganon! Dreamt of becoming a Pirate? Then you'll become one! Sail through the corridors and meet me at the SC office. ~ PrincessJin WAAAAAAAHHH~! I AM A PIRATE! Yieeeeehhh. Tumakbo na ako palabas ng room dala ang bangka at tinungo ang office. Akala ko nalimutan na nila ajuju may pa-surprise pa talaga. Sa pagkakatanda ko, si V lang ang nasabihan ko na gusto ko maging pirate. * * * FLASBACK Saturday ngayon at nandito kami ng mga kaibigan ko sa isang park, malaki ‘to at may magandang garden pa na una na naming napuntahan. Bakit kami nandito? Gala daw sabi ni V. Todo pasyal lang kaming dalawa dahil nawawala nanaman ‘yong apat, parang kanina lang, katabi ko si Ex, ngayon wala na sya. Haha kasama nanaman si Jin. Pansin ko super close na sila, pang more than friends na nga yata ang closeness nila kaya talagang nagugulat yung iba dahil sabi nga nila, paano nangyari ‘yon eh bakla si Jin. Hahaha wala eh, nabihag ng alindog ni Ex. Sana lang, hindi sila magkasakitan. Coz I know her, kahit ganung masungit ‘yon at snob, hindi siya yung tipong nagseseryoso. Hindi naman siya pariwarang babae or what, sadyang hindi lang nagtatagal ang relationships niya. She has her reasons, and I understand her. Ba yan ang serious, napapa-english tuloy ako hahaha. Gash, nose bleed. “Uyy bangka~” Napatakbo ako palapit sa isang pond nang makita ‘yong remote controlled boat na pinapaandar ng isang bata. “You want a boat? I can buy you that.” Imik ni V “Hindi hindi ano ka ba. Naalala ko lang ‘yong pangarap ko no’ng bata pa ko.” Umiiling na sabi ko. “What dream?” “Gusto ko maging pirata! Hihi ‘yong parang si Captain Hook?” “A pirate? Why not a sailor?” “Gusto ko may espada.” END OF FLASHBACK * * * Binuksan ko na ang pinto ng SC office at bumungad sakin doon si Jin na nakaupo sa table niya. “President Kim! Hihi.” Sabay salute ko pa. “Maka saludo naman teh, daig ang Presidente ng Pinas! Oh Happy Birthday, mamaya na ang drama, kunin mo na ‘to.” May inabot siyang isa pang bangka and this time, may kasama nang pirate hat. Hihihi sinuot ko ‘yon, I can feel it, ARRRR! Hahaha Starting to feel it with a hat? It's not enough! Go to the gymnasium and receive your second gift, to become a real one ~ AbsNiJimin “Thank you Jin, una na ako ah?” Tumakbo nanaman ako para pumunta sa gym. Ano kayang susunod? Haha em so exzoited! Naalala ko tuloy last month, ganito rin ‘yong feeling ko no’ng ... * * * FLASHBACK “Mag zi-zip line tayo?!” Gulat pero supah excited na sabi ko kay V. “Yeah. Diba sabi mo gusto mo ma-feel maging Anpanman?” Tiningnan ko ang taas ng lugar na lalagpasan namin kapag sumakay ng zip line at medyo kinabahan. Pero mas lamang ‘yong excitement ko. “Let's do it! AnpanElle in action!” Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko na parang lumilipad. END OF FLASHBACK * * * Pagkarating sa gym ay rinig ko agad ang talbog ng bola, natagpuan ko sa gitna si Jimin na nag fi-free throw. “Jiminnnnnnn!!” Nang lumingon sya ay kakaway kaway akong tumakbo papalapit sa kaniya. “Happiest birthday bebe girl!” Kinurot niya pa ang pisngi ko pagkalapit. “Hihi salamat!” Nakakatuwa talaga si Jimin, kung may kuya lang akong sing-sweet niya, ako na ang pinaka masayang kapatid sa balat ng Earth. Close kami dahil sa kaharutan niya, caring din siya at para talagang big brother. ‘Yan ang dahilan kung bakit hanggang friends parin sila ni Ann when in fact, obvious na obvious ‘yong pagka gusto nila sa isa’t isa. Alam na nga ng lahat na mahal niya si Ann, si Ann nalang mismo ang ‘di nakaka alam. Torpe kasi, manhid naman no’ng isa. Tsk tsk! “Here.” Pag abot niya sa bangka at isang telescope na kagaya ng sa mga kapitan. Search your heart's rightful destination through this telescope, be sure to find your own paradise by this. See me at the Theater and let me give you a little more help. ~ ANNgel “Salamat ulit, maya nalang Jimin!” Tumakbo nanaman ako palabas. Grabe ang lalayo ng nilalakbay ko pero parang di ako napapagod. Theater~ yieeeehh it brings back memories ... * * * FLASHBACK “Ayan na, mag-start na.” Nanonood kami ni V ng isang theater play, bigla kasi siyang nag-aya kaninang uwian. Wala daw kasi siyang kasama kaya ako nalang. Romeo and Juliet nga ‘yong pine-perform kaya medyo natatawa ako. Sa lahat kasi ng nabasa kong novel ito ‘yong pinaka bitter at epic. “Don't laugh, it's a tragic story. Umiiyak ‘yong iba oh.” Kunot noong sabi ni V. “Ang epic kasi. Naglason si Romeo dahil namatay si Juliet? Sayang naman ang buhay niya, kung hindi niya ginawa ‘yon e ‘di buhay pa siya ng magising si Juliet. Happy ending dapat!” Bahagya siyang natawa sabay kabig sa’kin pasandal sa kaniya habang nakaakbay sa’kin. “If you're really inlove, kahit sa kabilang buhay susundan mo ang mahal mo.” END OF FLASHBACK * * * “You know what Elle? I’ve always wanted to be a theater actress.” Sabi ni Ann habang nililibot ng tingin ang buong stage. “It will happen Ann, ikaw pa! Hihi.” Ann is an active member of theater club, I swear, sobrang ganda ng boses niya at convincing talaga ang acting niya. Dagdag pa na sobrang ganda niya tingnan sa entablado. “Maligayang kaarawan Elle!” Bumaba siya ng stage at inabot sa’kin ang bangka at isang compass. Your destination’s a bit vague, surely, this will help you find the right path. I’ll help you through another item, find me at the science lab. ~ Ex-convict Grave ‘yong pangalang nilagay nila. Sigurado akong si Jin ang nagsulat nito, siya ang nagpalayaw niyan kay Ex eh. “Thank you, Ann.” “You're welcome. Go ahead, ipagpatuloy mo na ang adventure mo.” Nagyakap kami at kaagad na akong umalis, papuntang science lab. Sa Science lab kung saan ako muntik maaksidente! * * * FLASHBACK “Go on, be sure to follow the instructions on the book, get it?” Utos ng teacher. Nandito kami sa lab para gawin ang isang experiment, by partner naman at kami ni V. Binasa ko ‘yong instructions at wala akong ibang naintindihan kundi 'add this' at 'pour'. Hmmmmm. Baka pagsasama samahin lang lahat ng chemicals? “H-hey what are you doing?” Tila kinakabahang tanong ni V, “Have you read the instructions?” Dagdag niya. Pero hindi ko na siya sinagot at tinanguan nalang. Ia-add lang daw ng ia-add eh ‘di paghalo haluin natin. Nang matapos ako sa pagsasalin, nakalipas ang ilang segundo at wala namang nangyari, kaya hinalo ko ‘yon sa loob ng beaker at … Pumutok ‘yon at nabasag ang beaker, buti nalang nahila ako ni V palayo ro’n. “What have you done?!” Galit na sigaw nya. “S-sorry, nabasag ang--” “Are you fine? May sugat ka ba? Bubog? What? Okay ka lang?” Halatang halata ang panic at pag-aalala sa mukha niya habang chine-check ang kabuuan ko. Akala ko nagalit siya dahil nakabasag ako, nag-alala naman pala. Yieeeeehh keleg. END OF FLASHBACK * * * “Tapos ka na mag day dream?” Kunwaring inip na sabi ni Ex, “Naalala mo nanaman ‘yong tanga-tangahan mo sa experiment ‘no?” “Ihhhh alam mo namang Science ang most hated subject ko!” “Tsk! Pasalamat ka’t may mga kaibigan kang nagliligtas sayo. Oh!” Sabay abot niya ng mahiwagang bangka at lumang papel na nakabilot, isang mapa. Nang bulatlatin ko ‘yon ay drawing ng buong school ang nakita ko, may malaking heart na nakalagay do’n sa mga pinuntahan ko kanina at ang may pinaka malaking heart ay ang lugar kung saan makikita ang garden. “Kaya nga wag kayong mawawala. Haha.” Tawa ko sabay yakap sa kaniya. “Psh. Happy born day.” “Chalamat Exy my loves!” You've gotten it all! But, how can you find your heart’s desired treasure if you can’t protect yourself against invaders? Don't just stand, move! Meet me at the garden and I'll give it to you. ~ paVda paVda haha. Sabi kasi ni Jin masyado raw pabida sakin si V. “Alis na! Dali, baka mainip yon, iwanan ka.” Nagtutumakbo na ako patungong garden. I cant wait to see him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD