Pagkarating sa garden nagulat nalang ako ng biglang tumugtog ‘yong ... Omo!
♪♬ Waiting for you Anpanman
Waiting for you Anpanman
Alam kong ‘yong kanta ng BTS ‘yon dahil kabisadong kabisado ko na ‘yon, kahit pa hindi ko naiintindihan. Pero alam ko rin naman ‘yong English version. At ngayon nga waaaaaaahh! Kinakanta ni V ‘yon! At hindi lang ‘yan, sumasayaw din sila! Sila nila Jimin at Jin na may kasama pang apat naming kaklaseng lalaki. Ajuju ikaw na talaga V, paVda kang tunay, iyo na lahat ng talent.
♪♬ Keep turning, turning, my Anpan
Keep ballin’ ballin’ still bulletproof
Open my eyes, I’m a hero but still in a maze
That young man, young man, young man
Secretly only getting scars
But ballin’ ballin’ still bulletproof
It hurts, hero but place your fears behind
Anpanman panman panman
Gayang gaya nila ‘yong comeback stage ng BTS. Mas guma-gwapo tuloy si V sa paningin ko. Ajuju nagkakasala ako sa asawa kong si Taehyung, sarreh! Naalala ko tuloy no’ng isang araw lang.
* * *
FLASHBACK
“Ano ‘yang pinapanood mo?” Tanong ni V. Haha nagtatagalog na talaga siya lagi in fairness naman, sabi ko kasi sa kaniya ang hirap kausap ng foreigner! Lol
Pinakita ko sa kanya yon at ikinabit ko pa sa tenga nya yung isang earphone, at sabay kaming nanood.
“Hindi ko maintindihan.” Kunot noong sabi niya. O ngayon alam mo na ang feeling ko tuwing ingles ka ng ingles sa harap ko noon? Haha.
“Korean song yan! Hihi kanta ng favorite group ko.” Tiningnan niya pa muna ako ng tinging para bang sinasabi niyang ako na ang pinaka weird na tao sa Earth bago taas kilay na tinanong ang tittle at singer no’n.
“Anpanman ng BTS.”
END OF FLASBACK
* * *
♪♬ I’m a new generation Anpanman
I’m a new superhero Anpanman
What I have is this song here
Lemme say ‘All the bad men, cop out’
Tumigil ang music gano’n rin ang pagsasayaw nila, nagtabihan sila Jimin at natira sa gitna si V na ngayon ay may hawak ng... Espada?
“Gusto ko sanang kantahin ‘yong original, ‘yong Korean? But f**k! Unang stanza palang nabubulol na ako. Sorry kung ‘yong translated lang ang kinanta ko.” Sabi niya pagkalapit sa’kin. You know what more? May maliit na mic na nakakabit sa pisngi niya kaya rinig lang naman ‘yan ng lahat. Napangiti nalang ako at ‘di na nakasagot pa. Kinikilig kasi ako, nakaka speechless! Ihhhhhhh~!
“Here’s your last item.” Nakangiting abot niya sakin ng sword, “Ikaw na rin ang nagsabi, a Pirate's not a Pirate without a sword. You cannot protect your ship without it, but always remember, you can’t sail all by yourself. Let your friends be your co-pirates, and me? I can be your first mate, Captain.” Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at matiim na tumitig sa mga mata ko. “We’ll sail through the Oceans just to find your treasure, remember that Captain Elle.”
Dumagsa ang mga luha ko pababa sa pisngi ko habang nakangiting tumatango sa kaniya. “A-alam mo? Hindi ko na naman kailangang maglayag pa ng napakalayo para lang mahanap ang kayamanan ko, kasi nando’n na mismo sa barko ang pinakamahalagang kayamanan sa lahat. Kayong mga kaibigan ko.” Hindi ko na napigilan ang mapayakap sa kaniya dahil sa sobrang saya, pero isang kamay lang ang nakayakap dahil hawak ko pa ‘yong mga binigay nila kanina. “Sisiguraduhin kong poptotektahan ko ang barkong ‘to, walang bagyo ang makakapagpalubog dito.”
“Ehem! Pa-join naman dyan! Group hug~!” Sigaw ni Jimin.
Naramdaman ko nalang ang napakaraming mga bisig na yumakap sa amin. I won’t ever forget this day, ang kauna-unahang beses na naglayag ang barko ko.
* * *
“Let's go~!” Aya ko. Uwian na at tapos na ang kilig moments ko kanina haha, inaya ko na rin sila sa bahay gaya ng sabi ni Mama.
“Tita Lian! We’re here~” Sigaw ni Ex mula dito sa labas. Medyo pinagtitinginan nga kami ng mga chismosang kapit-bahay, pano ba naman, tatlong sasakyan lang naman ang magkakasunod na nakaparada sa harap ng bahay namin. Nagpatiuna na si Ex sa loob na sinundan ko at nila Ann.
“Nandito na ang birthday girl! Hihi.” Bungad ni Mama sabay yakap sa’kin, pagkabitaw ay hinarap ko sila para ipakilala si Mama.
“Guys mama ko hehe, 'ma mga bago kong friends, introduce yourselves hihi.”
“Hi po, mudrakels ni Elle. Jin Kim po, ang Dyosang nagkatawang lupa haha.” May pag flip hair na pakilala ni Jin.
“Baka mukhang lupa.” Komento ni Ex.
Bago pa man sila mag away ay nagsalita na si Ann, “Hello po. I'm Ann Delosata.”
“Uhh Nice to meet you, ma'am. V Kim ... po.” Medyo natawa pa ako sa introduction na ‘yon ni V dahil nakalimutan pa yata niyang mangupo, at napaka formal din ng boses.
“Aba, napaka pormal mo naman iho, tita Lian nalang. Lakas makatanda ng Ma’am mo ah.” Natatawang sabi ni Mama.
“Ah yeah, tita.” Tila naiilang na sabi ni V.
“Kung bet mo eh gawin mo ng Mama, sabayan mo na rin ng akyat ng ligaw!” Pang aasar ni Jin.
“Ay siya ba ‘yon? ‘Yong kinu-kwento mo Elle?” Sabi ni Mama na binalingan pa ako.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata senyales na wag na siyang magsalita pa. Ihhhhhh nakakahiya, malalaman pa nilang sinasabi ko siya kay Mama.
“Siya sige, ikaw naman iho?” Tatawa tawang baling niya kay Jimin.
“Ahh Jimin Park po, nice meeting you tita.” Ngiti ni Jimin.
“P-Park?” Tila gulat na tanong ni Mama.
“Bakit ‘Ma, kilala mo?”
“P-parang, sino ngang mga magulang mo Jimin?” Tanong pa niya.
“Patrick at Jayne Park po.” Magalang na sagot ni Jimin. Nang marinig ni Mama ang mga pangalang ‘yon ay para nagulat siya bahagya. Bakit?
“A-ahh hindi, nagkamali lang pala ako. Halika na sa kusina, nagluto ako.” Nakangiti na uling sabi ni Mama, gayon pa man ay bakas na pilit lang ito.
Nagkatinginan pa kami ni Ex, tinging nagsasabi na ‘anyare-bat-ganon?’. Pero pareho kaming kibit balikat lang ang isinagot sa isa’t-isa kaya hindi ko na rin pinansin at sumunod na sa kitchen. Kung ano man ‘yon tsaka ko nalang aalamin.
“Na-kwento sa’kin ni Ex na nililigawan mo raw ang anak ko?” Nasamid naman ako ng bigla ‘yang mabanggit ni Mama sa gitna ng kainan. Seryoso? Maging si V ay natigilan at natawa naman sila Jin.
“Ay pak, yari ka kay mudra.” Pabulong na sabi ni Jin.
“Hahaha lilitisin ka bro!” Sabat naman ni Jimin.
“Oh totoo ba?” Tanong ulit ni Mama.
“U-uhhm…” Tumingin siya sa’kin ng alanganin bago sumagot ng, “... Sana.”
“Hindi naman sa nagkokontrabida ako V, pero bata pa naman kayo, hindi ba pwedeng tsaka na ang ligaw? Friends muna ba?” Pangaral ni Mama.
“Woooooooh~ may nikakabahan!” Biglang sigaw ni Ex na ikinatawa nila Jin.
“Y-yeah, ‘yon din naman po ang sabi niya.” Sagot nalang ni V matapos samaan ng tingin ang mga tumawa.
Nagtuloy ang dinner at puro daldalan kaming lahat, sobrang nakakatuwa dahil panay joke ni Jin. Hahaha ito na, ito na talaga ang pinaka dabes na birthday ko sa lahat.
“Una na kami Elle, bye tita! Next time po ulit.” Paalam ni Ann na sinundan ng, “Oo nga Tita, pakain po ulit. Haha.” ni Jimin.
“Kayo talaga, any time.” Ngiting ngiting tugon ni Mama.
“Babush mudrakels.” May pa-wave na paalam ni Jin.
“Ako rin Tita, una na ako.” Simpleng sabi ni Ex.
“Thanks for tonight, mauuna na po kami.” Super galang nanaman si V.
“Sige mag-iingat, hatid mo na sila Elle.” Gaya ng sinabi ni Mama ay hinatid ko sila hanggang labas ng gate. Nagsi-alisan na ‘yong kotse nila Jimin at Jin habang si Ex ay umuwi na sa kanila, magkapit bahay lang kasi kami.
“Oh? Di ka pa uuwi?” Sabi ko ng manatili si V na nakatayo sa harap ng kotse niya.
“You wait here, I’m gonna give you something.” Kaagad nyang binuksan ang kotse at kinuha mula doon ang isang box? “Talikod.” Utos niya na ginawa ko naman.
Ilang sandali lang ay may naramdaman akong malamig sa leeg ko. Kwintas? Woah, pinakatitigan ko ‘yon at isa ‘yong kwintas na may pendant na sword. Iniharap niya ako sa kaniya at tinitigan.
“Suits you well.” Puri niya na ikina init ng mukha ko, “As long as you’re wearing it, maa-alagaan mo ang barko mo, protect it against invaders.” Nakangiting sabi niya, “Sige uuwi na ako, bye.”
Nakatalikod na siya pero bumalik pa ulit siya at... “See you in school.” Idinampi niya ang labi niya sa mga labi ko.
Mr. Heart naman, huwag masiyado, baka hindi mo kayanin.