04

1720 Words
“Where did you study before?” Tanong niya na sinagot ko ng, “Chuvanes National High school, public.” Waaahh! Grabe ang sarap naman palang maging kaibigan nito, literal na masarap sa tiyan! “When’s your birth day?” “September 9.” Magkakasama kaming lima sa iisang table, si Ex, ako, si V at sina Jimin Park at Ann Delosata, ‘yong dalawang nalate kanina na kaibigan pala ni V. Gwapo si Jimin, medyo kinapos nga lang sa height. Si Ann naman ang cute rin, medyo chubby siya. “Do you have a boyfriend?” “Wala.” Mabait naman silang dalawa, medyo maharot nga lang si Ann at makalokohan si Jimin. No’ng umpisa nga eh napapatitig din silang dalawa sa’kin, parang si V lang. Ang weird nila inpernes, magkakaibigan ngang tunay. “Suitor?” “Nope.” Ang cute nga nilang dalawa, muntik ko ng mapagkamalang mag-jowa pero best friends ‘daw’. Ewan ba, lakas nga ni Jimin eh, trip yata si Ex. Inaasar ng inaasar eh. Haha may pagka-play boy kasi ang awra niya “Can I be one?” Sa pagkakataong ‘yon ay nakuha na ni V ang atensyon ko. ‘Yong mga tanungan niya kasing pang slum book napapadpad na yata sa love section. “Liligawan mo ako?” ‘Di makapaniwalang sabi ‘ko “Yes.” Lord, bakit ba ang hilig tumitig ng wafung ‘to? * A moment of silence * kruhhh~ kruhhh~ “Joke ba ‘yon? Senyas ka kung tatawa na ako.” “I want to court you. And I mean it.” Ibinaba ‘ko ang straw ng softdrinks at nginitian siya ng alanganin. Hilig niya sa 'I mean it' chenes ‘no? “Hindi pwede, and I mean it, too.” Sorry V, bawal talaga. * A moment of silence * Pati mga kasama namin ay nadamay na rin sa katahimikan. Si V naman kasi, first day ng klase, manliligaw agad? Ganiyan ba siya kabilis magkagusto? Pero natapos ang katahimikan ng biglang sumigaw si Ann… “Baklaaaaaaaa~!” Siya namang paglapit ng isang lalaki, lalaki na dinaig pa ang magandang si ako sa pagkembot habang lumalakad. “Wow makabakla ah? Damang dama.” “Haha kumain ka na?” - Ann “Ay nako! Wala akong time, kung alam mo lang, isang kabang paper works ang salubong sa’kin ng school!” Reklamo niya. Gwapo rin siya, matangkad, broad shoulders, pouty lips. “Ginusto mo ‘yan eh, Mr. President.” - Jimin Nakiupo sa vacant seat ‘yong lalaki at tiningnan kami. “Sinetch itey?” Turo niya sa amin. “Ah oo sina Elle and Ex, new friends. And girls this is Jin Kim, student’s council President.” - Ann “Magkapatid kayo? Kim eh.” Turo ko kay V at sa kaniya. “Hindi ah! Nagkataon lang, daming Kim sa mundo.” - Jin “Ahh okay, hello!” Bati ko. “Ayy kabog! San hinugot yang ganda mo?” - Jin Kinurot kurot niya ang pisngi ko. Nagulat naman ako ng hilahin ni V ang kamay niya at samaan siya ng tingin sabay sabi ng, “Don’t touch her.” “Anong ganap fafa V? Possessive mats!” - Jin “Nako Jin, tinamaan ‘yan si V. Wag mo kausapin kung ayaw mo rin tamaan.” - Jimin Napairap nalang si Jin sabay tingin kay Ex. “Ayy ikaw din ‘teh, ganda~!” “Tss. Bakla.” - Ex “Uy savage ah! Makabakla ka bes, lantaran.” Naka pout na sabi ni Jin. “Lantad ka rin naman, quits lang.” Taas kilay na sagot ni Ex. “Malditang ‘to! Proble--" - Jin Sa takot na mag away pa sila ay ako na mismo ang pumagitna. “Pasensya na Jin, mataray lang talaga minsan ‘to, pero mabait naman. Hehe.” Nag cross arms si Jn at sinamaan ng tingin si Ex, “Ay girl, don’t me. Stress ako ngayon, sasabay pa siya.” “Hehe pasen--” “Wag ka nga magsorry Elle!” Pagputol ni Ex sa’kin. “Aba--” - Jin “Stop!” Sigaw ni V sa kanila. Okay. What’s with Ex? Hindi naman ‘yan ganyan ka-hard ah? Maliban nalang kung ... Humayghad! ‘Di kaya? Tiningnan ko siya ng kakaiba at no’ng mukhang napansin niya ang titig ko ay tiningnan niya rin ako. Binigyan ko naman siya ng 'magtutuos-tayo-pag-uwi' look. Tumayo si Jin, “Psh! Gora na nga ako, mag papa-announce pa ako sa broadcasting club.” “About what?” - Ann “Half day tayo, may emergency meeting ang teachers. Sige na babush, paalam rin sa’yo maldita, mabilaukan ka sana! Hmph!” Pagkasabi no’n ay dali dali na siyang umalis pero bago pa man makalabas ay sinigawan siya ni Ex “Kembot pa bakla, matisod ka sana!” - Ex “Che!” - Jin Kuuuuuu! Ex talaga. Gumaganiyan lang ‘yan kapag nagkaka-crush eh, weird ba? Pero pramis, kapag crush niya ang isang tao, lalaitin at aawayin niya pa ito. Kaya nga lagi akong inaaway niyan eh, mahal na mahal kasi ako. Grabe ‘no? Damang dama. “Let's go out.” Biglang imik ng katabi kong si V na tanging “Ha?” lang ang naisagot ko. “Early dismissal naman, gala tayo? Hmmm date?” “Hindi mo nga ako pwedeng ligawan di’ba?” “Bakit?” Kunot noong tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin, “Basta.” Napabuntong hininga muna siya at pumikit ng ilang sandali na animong nag-iisip bago mag lean nanaman palapit sa akin. “Fine. I won’t court you, but remember this, you’re mine. Let’s go.” Hinila niya ang kamay ko at nagpunta na kaming classroom. Hindi pwedeng manligaw pero kaniya raw ako? Gulo ah. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa sarili kong kamay. Magulo ang sitwasyon, pero bakit pakiramdam ko, sobrang panatag ako? * * * LUNCH BREAK Gaya ng sinabi Jin, wala na ngang pasok after lunch, ibinalita na rin ‘yon sa speakers ng broadcasting club. So it means maaga ang uwian at kapag maaga akong nakakauwi, maraming time manood ng k-drama! Yieeeeehh~ matatapos ko na yung Hwarang! Taehyung my labs~ “Who the heck is Teyung?!” Galit na biglang sigaw ni V sa gilid ko. “Ay asawa ni Taehyung! Ba’t ba nang gugulat ka?!” Napahawak pa ako sa dibdib ko. Nai-imagine ko na kasi ‘yong aegyo face ni Taehyung tapos bigla siyang sumigaw, napalitan tuloy ng angry face. Nag-aayos pa naman ako ng gamit, nalaglag tuloy ‘yong iba. “Answer the damn question, who's Teyung?” “Asawa ko hihi.” Napapangiting pinulot ko ‘yong mga nalaglag, kasama na ro’n ‘yong pin ko na may mukha ni Taehyung. Yieeeeehh ako na si Elle Kim hihi nekekeleg eke! Taehyung why so hot? “What?! You’re married and you didn’t even bother telling me? Is that the reason why you don’t want me to court you?!” Nabalik lang ako sa katotohanan ng isigaw ‘yan ni V. Lah? Sineryoso niya ‘yon? Jusko. Kung pwede lang angkinin ang idol, malamang milyon na kaming asawa ni Taehyung. “Pfthbwahahahahahahahaha~!” Tawa ko, sarreh I kenat stap! Ang epic ng fezz niya, mukhang angry bird. Lol “Tanga!” Sabay batok sa kaniya ni Ann, “Korean Idol ‘yon, super sikat na artista sa ibang bansa.” dagdag niya. “H-huh?” - V “Aynako! Pag-ibig nga naman!” Iiling iling na sabi ni Ann at naglakad na paalis. “Haha tara na ngang gumala, sama natin sila Ex! Hihi.” Kung alam mo lang V, kafezz mo ‘yong isa pang V. Yieeeehh~ * * * * * EX MENDOZA’S POV Naglalakad na kami sa hallway ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan, “Susunod ako, cr lang.” paalam ko. “Sige, iihi mo nalang ako.” Tatawa tawang pahabol ni Elle. “Gaga ka talaga bakla, waley! Haha.” Tugon no’ng baklang Jin. “Sa parking nalang Ex ah?” Paalala ni Ann. “Geh.” Humiwalay na ako sa kanila at puputok na ang pantog ko. Pagpasok sa cr diretso cubicle na ako at pagkaupo ko, haaaaaayy success! Palabas na sana ako ng may marinig na chismis sa labas. Woi di ako chismosa ah, narinig ko lang talaga. “Omg! Have you seen this girl? Ghaaaad they're like twins!” The first girl voice said. “Yes! Something about this Elle girl is weird, super dikit tuloy sa kaniya si V ‘coz of her face.” Comes the next voice. “She’s nothing but a doppelganger! Nakita mo ba kung paano siya sumagot kay Ae kanina?” Salita ulit no’ng naunang boses. “Ae looks furious! Porket kamukha ng Elle na yan sya, ganiyan na umasta.” Tugon ng kasama niya. Narinig kong magbukas sara ang pinto kaya lumabas na rin ako. Like what I thought, may dahilan nga ‘yang paglapit lapit ng V na ‘yan kay Elle. Sino naman kaya ‘yong pinag-uusapan nilang kamukha ni Elle? Sino sya? Simula palang kaninang umaga may naririnig na akong mga bulungan like... ‘Omo! Kamukha niya siya.’ and ‘May kakambal ba siya?’. Hindi lang ‘yon napapansin ni Elle dahil wala siyang paki sa sinasabi ng iba pero ako kasi naririnig ko. I must know this but for now kailangan ko ng magmadali’t baka maiwan nila ako. Kailangang bantayan si Elle at tatanga tanga pa naman ‘yon most of the time. Lumabas na ako ng cr at tinungo ang parking, pero pagdating ko wala na ‘yong iba at ‘yong bakla nalang ang nandito. What the f? “Tagalan mo pa ang rampa at iiwan talaga kita!” Pagtataray niya sabay sakay sa kotse niya yata, naiwan namang bukas ang passenger’s seat kaya walang salitang sumakay nalang ako. Alam niyo ba kung anong kulay ng kotse niya? Pink lang naman! Bakla talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD