~Alexandra~ Apat lang kaming nagsalo-salo sa pananghalian dahil busy daw si Kuya. If i know naman na alibi n'ya lamang yun para hindi namin s'ya kulitin ni Mama. Natutuwa ako dahil nakikitang kong nagustuhan nila ang niluto ko lalo na si Seb. "Alam mo Iha, isa sa nagustuhan ko sa Mama mo ay ang galing n'ya rin sa pagluluto kagaya mo." Ang pagpuri ni Papa at bumaling ng tingin kay Mama na ikinangiti nito ng matamis. "Paano ba namang hindi ako matututo magluto ng masasarap na mga pagkain, eh palagi ka sa bahay kumakain!" Buska ni Mama kay Papa na ikinatawa nito habang patuloy sa pagkain. "Ang sabihin mo sinasadya mo talagang sarapan ang luto mo para lagi akong pumunta sa inyo para makita mo ako," balik panunukso ni Papa. Nakakatuwa silang pagmasdan habang nag aasaran at binabalikan ang

