~Sebastian~ Maaga akong umalis sa bahay ng mga Suarez. Nagka usap din kami ni Mayor. "Seb, alam kong hindi kita mapipilit sabihin ang mga kailangan mong gawin. Sana lamang ay lagi mong piliin na gawin ang tama at makakabuti para sa inyo ni Chloe. Nandito lang kami kung kailangan mo, huwag kang magdalawang isip na tawagan o puntahan kami." Sadyang mabuti ang kalooban ng pamilyang Suarez na ipinagtataka ko kung bakit kinailangan pa, na gamitin ang aming serbisyo para sa mga ito. Tama rin si Alex, kailangan namin maging maingat at alamin ang pinagmulan ng dahilan ng lahat. Sakto sa oras na napag usapan namin ni Boss ng makarating ako sa hideout, mukhang nauna ito sa akin base na rin sa nakikita kong sasakyan n'ya na nakaparada. Ipinaparada ko ang aking motor sa may gilid ng sasakyan nito n

