Chapter 16:Caught

1090 Words
~Alexandra~ Ilang araw na ang nakakalipas ng huli naming pag-uusap ni Seb. Kasalukuyan s'yang humingi ng emergency day-off kay Papa, tanging paalam n'ya rito ay may kamag-anak na pupuntahan pero ang totoo ay kailangan n'yang makipag-kita kay Boss. Gustuhin ko man tulungan s'ya para makakalap pa ng mas madaming ebidensya na magpapatunay na mabubuting tao ang mga Suarez ay hindi ako pinapayagan ni Seb. Bukod pa doon ay kailangan ko din bantayan sila dahil maaaring maulit ung nangyari at baka si Kuya na ang matyempuhan nila. Kailangan ko na rin maka usap sila Papa na kung pwede na ako bumalik sa trabaho, dahil kung magkasama kami sa kumpanya ay mababantayan ko s'ya. Sabado ngayon at nasa opisina n'ya dito sa bahay si Papa, naghihintay lang ako ng pagkakataon para maka usap sila ni Mama. Sana pumayag sila at sana hindi makahalatang kailangan ko na makabalik sa trabaho. "Ate Laura, para ba kay Papa ang meryenda na iyan?" Tanong ko ng makasalubong ko s'ya na may dalang pagkain na patungo sa opisina ni Papa. "Oo Chloe, pinahatiran na lamang ni Ma'am Carol ang Papa mo ng meryenda, dahil mukhang napakarami nitong ginagawa." "Ako na lamang po ang magdadala Ate Laura," sabay abot ng tray at ngumiti sa kanya. Kumatok ako pagkatapat ko sa pintuan at ipinaalam na ako ang kumakatok bago ko binuksan ang pinto. "Iha, bakit ikaw pa ang nag dala ng mga iyan? Sana hinayaan mo na lamang sila at dapat sayo ay nagpapahinga ng maayos," sa malambing na tono na pagkakasabi nito. Kahit kaylan talaga, hindi nila ipinaramdam sa akin na hindi na ako iba. "Okey lang Pa. Wala naman po ako ginagawa at saka may sadya din ako kaya ako na mismo ang nagdala n'yan." Bakas dito ang pagtataka ngunit tumangu-tango na lang at iginiya ako sa upuan pagkalapag ko ng tray sa mini table sa loob ng opisina n'ya. "Ano ang sadya mo sa akin anak?" ang tanong kaagad sa akin pagka-upo ko. "Ipapaalam ko po sana sa inyo na babalik na ako sa trabaho sa lunes," sagot ko. "Pero anak, hindi mo naman kailangan gawin yun. Pwede naman na dito ka na lamang sa bahay o kaya samahan mo ang Mama mo kapag bumibisita s'ya sa mga Charity n'ya." "Papa, kaya ko na po magtrabaho hindi naman sa ayaw ko na kasama si Mama pero nakapag-umpisa na ako sa kumpanya ni Kuya," ang patuloy kung pangungumbinsi. Bumuntong hininga ito at pinakatitigan ako bago sumagot. "Pero mag-doble ingat ka ngayon, ayaw kong maulit yung nangyari sayo. Wala pang kahit isang nahuhuli na may gawa ng pang a-ambush sa inyo." Tumango lamang ako at pinagmasdan s'ya habang sinasabi ang mga iyon. Pakiramdam ko ay ayaw nila sabihin sa akin ang totoong resulta ng imbestigasyon. "Chloe, nag-aalala masyado ang Mama mo sa mga nangyari sayo, hindi n'ya sinasabi sa iyo kasi ayaw n'yang makita mo sya na nalulungkot." "Naiintindihan ko po, mag-iingat naman ako para sa inyo. Nandyan din naman si Daniel na kasa-kasama ko kapag may pupuntahan ako," medyo tumaas ang kilay ni Papa sa huling sinabi ko. "Mukhang nakakagaanan mo na ata ng loob si Daniel huh. Iha?" May himig pagdududang tinig ni Papa. "A-Ang ibig ko po sabihin ay s'ya naman ang kinuha n'yong personal driver ko ei," ang palusot ko. "Kausapin mo ang Mama mo tungkol sa bagay na iyan anak, basta ang gusto ko lamang ay mag-iingat ka," ang pagpayag nito sa aking kagustuhan. "Thank you Papa, huwag po kayo mag-alala kaya ko naman ang sarili ko," ngumiti ako sabay lapit sa kanya para yakapin at magpaalam na rin para puntahan si Mama sa kusina. ~Mayor Suarez~ Ilang minuto na rin ang lumipas buhat ng umalis si Chloe para ipagbigay alam kay Carol ang aming napag-usapan. Kung ako lamang ang masusunod ay hindi ko na hahayaan pa magtrabaho ang batang iyon sa kumpanya namin, kung saan maaari n'yang makasama si Zei at baka lalo lamang ito malagay sa panganib. "Mayor, wala pong makakapagturo kung sino ang maaaring may pakana ng pag ambush sa anak n'yo. Base sa mga nadatnan namin sa pinangyarihan ng insidente ay pawang mga walang plaka yung sasakyan na ginamit nila. At yung mga tama naman ng bala ng baril sa sinasakyan ng anak n'yo ay hindi isang klase ng pamamaril na gustong tuluyan ang nasa loob ng kotse. Ang lumalabas sa aming pag iimbestiga ay malamang tinatakot lamang ng mga ito ang target nila," ang mahabang pahayag ng pulis na humahawak sa kaso na nangyari kila Chloe. Palaisipan sa amin nitong mga nakaraan pang linggo ang nangyari. Alam namin ni Zei na maaaring hindi talaga si Chloe ang target nila. Walang ibang nakakaalam ng tungkol kay Chloe, maliban sa amin tatlo at ilang pinagkakatiwalaan na tao. "Maaari nga kaya Pa, na ako talaga ang target ng mga iyon at hindi talaga si Chloe? Ang alam ng mga tao ay ako lamang ang natitirang anak n'yo na buhay, bukod pa dun ay halos walang nakakaalam ng pag uwi niya dito sa Pilipinas," ang sapantaha din ni Zei. Kung sino man ang may pakana nun ay wala akong nakikitang dahilan maliban sa politika at negosyo. Pero wala akong matandaan na maaaring gumawa sa pamilya ko ng ganong bagay. Ilang araw na simula ng bumalik sa trabaho si Chloe, lagi ko s'ya pinababantayan kay Zei kapag nasa opisina at madalas na rin dito umuuwi ang anak kong iyon. Mahalaga ngayon ay mag-ingat kaming lahat. Hindi ako halos makatulog, pagtingin ko sa gawi ni Carol ay mahimbing na itong natutulog. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naisipan kong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Nang pabalik na ako sa kwarto naming mag-asawa ay may narinig akong mga boses sa may bandang likod ng bahay. "Anong magagawa ko kung yun ang utos sa akin!" tinig ng isang lalaki. "Pero hindi ka pwede basta umalis ng hindi pa natin nalalaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito at iwan ako dito," sagot naman ng babae. Bagamat halos pabulong na lamang sila kung mag-usap ay medyo maririnig mo pa rin dahil tahimik na ang buong kabahayan. Dahil sa kagustuhan kong malaman kung sino ang mga taong nagbubulungan ay lumapit ako, para lamang magulat sa mga susunod kong makikita at maririnig. "Seb, hayaan mo ako na tulungan ka para mapadali ang lahat." "Alex, ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita hahayaang mapahamak uli!" "Chloe! Daniel! Ano ang ibig sabihin nito!?" Ang nagtataka ko rin tanong sa kanila. Bigla din silang napaharap sa akin na puno ng pagkabigla at pangamba ang kanilang mga hitsura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD