WADE
True to his words, bumalik nga si Vince pagsapit ng Martes. And I swear I have to take a back when I opened the door and saw him smiling while looking at me. He has such this positive aura mixed with strong s*x appeal that gets into my nerves. I guess I need ample of time for myself to be used to his disarming charm.
“Good morning po, Sir Wade,” nakangiting bati ni Vince sa `kin exposing his pearly white teeth. Papasa siyang commercial model para isang brand ng toothpaste. And if I’m going to enumerate Vince good qualities—physically—I’m sure aabutin ako ng buong maghapon.
“I told you, Wade na lang ang itawag mo sa `kin,” nakangiti ring sagot ko sa kanya. “Halika, pasok ka muna,” sabi ko na niluwagan pa ang pagkakabukas ng pinto. “Nag breakfast ka na ba? Saktong-sakto at nagluto ako ng pancakes.”
Kagabi ay dito na ako natulog dahil hapon pa lang ay naibalik na ang linya ng kuryente at nalinisan ko na rin ang dating kwartong tinutuluyan ko. Tatlo ang kwarto sa bahay na `to at `yong isa ay ginawa munang temporary tambakan ng mga gamit na hindi alam kung idi-dispatsa na o hindi pa. Si mommy na ang bahalang mag decide sa mga `yon.
“Nagbaon po ako ng pandesal,” ani Vince na itinaas ang hawak na brown paper bag na naglalaman ng pandesal. Kinuha ko ang paper bag na hawak niya at hinila siya papunta sa kusina. Saglit na pareho kaming natigilan nang dumampi ang balat ko sa braso niya. Pero pinilit naming ignorahin pareho ang spark na naramdaman naming dalawa.
“Mas masarap ang pancakes na niluto ko. Nagluto rin ako ng hotdog at scrambled egg,” dagdag ko pa habang sinesenyasan ko siyang maupo sa stool na itinuro ko.
Mabilis namang naglabas ako ng plato at mga kubyertos matapos kong ihain sa mesa ang mga niluto ko.
“Mukhang masarap nga po,” appreciative na sambit ni Vince na nagpangiti sa `kin. Simpleng appreciation lang niya ay sapat na para mas lalong magliwanag ang paligid ko.
Nang okay na ang lahat ay naupo na rin ako sa katapat na upuan at nilagyan ng dalawang pancakes ang plato ni Vince. Inabot ko sa kanya ang bote ng syrup bago ako naglagay ng pancake sa sarili kong plato.
Nagsimula kaming kumaing dalawa ni Vince at tuwang-tuwa ako sa tuwing pupuriin ni Vince ang mga niluto ko kahit na alam kong wala namang extraordinary sa mga niluto ko. They were just pancakes, hotdogs and eggs for Pete’s sake. Pero ewan ko ba, big deal sa `kin ang mga appreciative words ni Vince. Well, maybe that’s because I like him.
And by saying I like him, I mean that I like him physically. Who wouldn’t like this good looking boy? He’s hot without even knowing it. Kahit paraan ng pagsubo niya ay mai-a-associate ko sa salitang sexy. The way his Adam’s able goes up and down is certainly a sight to behold. Vince is every inch sexy… and intoxicating… in a very good way.
Matapos kumain ay nagpaalam na si Vince na sisimulan na niya ang pagbubunot ng mga damo. Sa harapan ng bahay muna siya magsisimula dahil hindi pa gaanong tirik ang araw sa parteng iyon. Binigyan ko siya ng bolo at ng ilan pang kasangkapang kakailanganin niya.
At habang nagsisimula na si Vince sa trabaho niya ay hinugasan ko naman ang mga pinagkainan naming dalawa. Nilinis ko rin ang sala dahil marami-raming alikabok pa ang naiwan kahit na naglinis na ako kagabi. Hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaloy ng oras dahil naging abala ako sa paglilinis sa loob ng bahay.
Bandang alas-onse na nang tumigil ako sa ginagawa ko at magpasyang dalhan ng tubig at biscuit si Vince. Napangiti ako nang makita kong malaking portion agad ang nalinis niya kahit na mag-isa lang siya.
“Vince, snack ka muna saglit,” agaw-pansin ko kay Vince na nakatutok ang atensiyon sa lupang binubungkal.
Agad namang nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa `kin. Natural na palangiti si Vince—bagay na hinding-hindi ko pagsasawaang pagmasdan.
Tumayo si Vince at lumapit sa may porch kung saan ako nakatayo. Pero bago pa man niya kunin ang biscuit na hawak ko ay pinagpag muna niya ang mga kamay at saka walang kaabog-abog na hinubad ang suot na damit pang-itaas. Muntik pa akong mapasinghap mabuti na lang at mabilis na napigilan ko ang sarili ko.
Binigay ko na sa kanya ang biscuit at isang baso ng tubig habang sumasandal naman siya sa hamba ng porch. Gustong gusto kong punasan ang dibdib at mukha niya na tagaktak ng pawis pero ayoko namang gawin `yon at baka magtaka siya kapag ginawa ko `yon. Kaya nagkasya na lang ako sa simpleng pagsulyap-sulyap sa kanya mula sa kinatatayuan ko.
“Sa tingin mo, ano’ng magandang itanim dito sa harap?” mayamaya ay tanong ko kay Vince.
“Mas maganda po siguro kung carabao grass na lang itatanim dito sa may front yard. May magandang klase ng carabao grass po ako na pwedeng pagkunan kung gusto niyo.”
“Mukhang maganda `yang suggestion mo, Vince. Sige carabao grass na nga lang.” After that ay nawalan na ako ng pwedeng sabihin. Mabuti na lang ay si Vince na mismo ang naunang nagsalita ulit.
“Pwedeng uwi muna ako saglit sa bahay? Magluluto lang ako ng kanin tapos ibibili ko lang ng ulam ang lola ko,” aniya.
“Sure,” sagot ko. “Pwede bang ibili mo na rin lang ako ng ulam at kanin. Since hindi ka naman dito kakain, hindi na lang siguro ako magluluto.”
Tumango si Vince at muling isinuot ang damit niya. “Sige walang problema,” nakangiting tugon niya.
“Wait, kuha lang ako ng pera,” sabi ko sa kanya at mabilis na umakyat sa kwarto ko para kunin ang wallet ko. After five minutes ay bumaba rin agad ako at bumalik sa kinaroroonan ni Vince. “Here. Diyan ka na rin kumuha ng pambili ng ulam niyo ng lola mo, okay?”
“Sige po. Salamat. Balik rin po agad ako after kong magsaing.” Iyon lang at naglakad na palabas ng gate si Vince. Hinatid ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.
Pagbalik ko ng sala ay sakto namang nag ring ang phone ko. Ang kaibigan kong si Amos ang tumatawag. Actually kagabi pa siya tawag nang tawag hindi ko lang nasasagot dahil natataong may ginagawa ako kapag tumatawag siya.
“Finally sumagot ka rin!” agad na bungad ni Amos. “Ano na nangyari sa `yo, friend? Wala ka raw sa inyo. San ka?”
“Nasa Leyte ako ngayon,” sagot ko. “Ba’t nga pala napatawag ka,” pag-uusisa ko.
“Kasi nga mag a-out-of-town kami nina Charles, friend. Tanda mo si Charles?”
Binalikan ko sa isip ko kung sino ang Charles na tinutukoy ni Amos. “`Yong nakilala natin sa O Bar?”
“Yes. He’s contacting you pero hindi ka raw sumasagot.”
“Oh, yeah. Nakalimutan kong reply-an `yong text niya since masyado akong naging busy these past few days.” Which is true. Nag text kasi si Charles sa `kin the day na paalis na `ko ng Leyte.
Nakilala namin ni Amos a.k.a. Francine Garcia sa O Bar nang minsang gumimik kami roon. Charles is a varsity player from RTU na gwapo, charming at higit sa lahat, “game makipaglaro” pagdating sa aming mga discreet gays. I remember the night that we met Charles where he mentioned something about going out of town with some of his friends.
Hindi lang ako nakapag-commit dahil nga sa biglaang request ni mommy na umuwi ako rito.
“Where heading to Cebu next day. Malapit ka lang naman sa Cebu `di ba? Sunod ka sa `min,” salita ulit ni Amos mula sa kabilang linya.
“I’ll try…” sabi ko na lang.
“Do it, friend. Gusto ka ring makita ulit ni Charles. And I know, don’t you ever dare to deny it, crush mo siya. So go na. We’ll see you in Cebu on Thursday or Friday, okay? Byeee!”
Bago pa man ako makapag bye ay naputol na ang tawag. That was very Amos—my transgender friend na obsessed maging beauty queen. But Amos is nice. Not just nice, actually. She’s also very pretty and sexy.
Wala pa yatang tatlumpong minuto ay bumalik rin kaagad si Vince. May bitbit siyang isang plastic at bote ng Coke Kasalo na sigurado akong malamig na malamig.
“Pwede bang saluhan kitang magtanghalian?” tanong ni Vince.
Agad namang ngumiti ako’t tinanguan siya. “Siyempre naman! Tara na sa kusina,” masayang sabi ko sa kanya habang kinukuha ang Coke sa kamay niya. Malamig nga ang softdrinks pero hindi nakaligtas sa pandama ko ang masarap na pakiramdam ng mainit na balat ni Vince.