WADE
Kinabukasan ng hapon ay bumalik ng bahay si Vince na may kasamang kaibigan. Gwapo rin ang kasama ni Vince bagama’t hindi ko gaanong type dahil masyadong malaki ang katawan. Mukhang araw-araw yatang nagbabad sa gym kaya parang bato-bato na ang mga maskels. Ang sagwa tuloy tignan.
“Hi!” bati ko sa kanilang dalawa pagkabukas ko ng pinto.
“Friend ko nga pala, si Marlon. Marlon, si Wade,” pagpapakilala sa amin ni Vince ng kaibigan niya. Nang makipagkamay ako kay Marlon ay naramdaman kong bahagya niyang pinisil ang palad ko.
“Tuloy kayo. Sakto at naghanda ako ng merienda,” yaya ko sa kanilang dalawa na lalo pang niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
“Ang ganda nitong bahay niyo, ah. Ikaw lang mag-isa rito?” tanong ni Marlon habang iginagala ang tingin sa loob ng sala. Hindi na rin siya naghintay na paupuin ko at basta na lang sumalampak ng upo sa sofa. Masyadong presko.
“Oo, eh. Actually bahay `to ng parents ng mommy ko,” pag chika ko na kay Vince nakatingin. Sinenyasan ko siyang sumunod sa `kin sa kusina. “Vince, tulungan mo naman akong kunin `yong snacks natin. Marlon, nood ka muna ng TV diyan, ha.”
Habang kumukuha ako ng mga platito ay naramdaman kong siniko ako ni Vince. “Ano, na type-an mob a `yong friend ko?” nakangising tanong niya sa `kin. “Gwapo noh? Laki pa ng katawan. Tapos game `yon,” pagbibida ni Vince sa kaibigan. There was a s****l connotation when he mentioned the word game.
“Okay lang. He’s cute,” sabi ko. Pero for me, mas gwapo nang `di hamak si Vince at malakas ang s*x appeal. Hindi man kasing laki ng katawan ni Marlon ang katawan Vince, mas pipiliin ko pa rin si Vince. Ayokong yumakap ng taong bato! Jusme!
“Ano nga pala ang aayusin today?” tanong ni Vince na bitbit na ang isang pitsel ng juice at dalawang bago sa isa pang kamay.
Inilapag ko sa mesa ang bitbit kong tray. “Ipapa-repaint ko sana `yong dalawang rooms sa itaas pero hindi pa dinadala ng pinsan ko `yong mga pinabili kong pintura so naisip ko, bakit hindi na lang muna tayo uminom? Umiinom ba kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Shoot! Tapos bili ka ng maraming pulutan,” ani Marlon na nginangasab na ang spaghetti na niluto ko.
“Mahina akong uminom. Pero `yan si Marlon, mahirap patumbahin sa inuman `yan,” natatawang saad ni Vince. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya dahil masarap sa tenga ko ang tunog ng tawa niya. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay pinanlakihan niya ako ng mata at ilong habang nagtataas-baba naman ang isang kilay niya.
Ang cute cute! sigaw ko sa isip ko. Why does he has to be this cute?
“Ano’ng inumin natin?” mayamaya ay untag ni Marlon.
“May Red Label akong dala. Bili na lang kayo ng coke at cube ice.”
“Red Label? Inumin ba `yon?” takang tanong ni Vince.
“Oo `pre! Sosyal `yon! Nakainom na `ko no’n, eh. Palibhasa kasi puro tuba lang iniinom mo,” pagyayabang ni Marlon. Konting-konti na lang bebengga na sa `kin `to. Masyadong presko.
“Masarap naman ang tuba, ah. Healthy pa,” sagot naman ni Vince na mukhang hindi naman na offend sa sinabi ng kaibigan.
“Minsan dala ka ng tuba. Miss ko nang uminom no’n, eh,” nakangiting saad ko kay Vince. Tumango naman siya at nagsalin ng juice sa isang baso bago iyon ininom. “Share na lang tayo ng baso, ha?”
Agad namang tumango ako. Who am I to complain?
Matapos naming mag snack ay umalis na muna saglit sina Vince para bumili ng coke, yelo at pulutan. At habang wala sila ay niligpit ko naman ang pinagkainan namin at naglabas ng tatlong malinis na baso.
Nag ring ang phone ko pero bago ko pa man iyon masagot ay namatay na ang phone ko. Dead batt. At dahil nasa taas ang charger ko, hinayaan ko na lang muna ang phone ko sa isang tabi.
Bandang alas-sais na ng gabi nang makapagsimula kaming uminom. At tawa ako nang tawa sa reaksiyon ni Vince nang unang beses niyang tinikman ang alak na hawak niya.
“Ang tapang!” malakas na bulalas ni Vince habang hinahagod ang leeg. Hindi naman mapagkit ang mga mata ko sa pagtingin sa adam’s apple niya na tumataas-baba.
“Sa una lang `yan,” sabi ko naman sa kanya. Magkatabi kaming nakaupo sa lapag habang si Marlon naman ay prenteng nakaupo sa sofa. Nakabukaka pa. Tila sinasadyang ipakita ang umbok sa pagitan ng mga hita niya.
Pero wala doon ang atensiyon ko bagama’t aaminin kong napapasulyap ako minsan sa bulge ni Marlon. Mas na kay Vince kasi ang atensiyon. Ewan ko ba, I feel like I’m so drawn to him. Bakit ba kasi hindi ko na lang sinabi sa kanya kahapon na type ko siya para hindi na niya `ko ireto sa iba? Pwede bang siya na lang?
Lumipas ang mga oras at unti-unti na kaming tinatamaan na tatlo. Namumula na si Vince at namumungay na rin ang mga mata. Pareho na ring nakasandal ang mga ulo namin sa sofa. Nang lingunin ko si Vince ay nakita kong nakapikit siya pero hindi naman tulog.
“Diyos ko, ano ba naman ito. `Di ba, tang-ina nagmukha akong tanga. Pinaasa niya lang ako,” pagkanta pa ni Vince. Nang dumilat siya ay nahuli niya akong nakatingin na naman sa kanya. Inakbayan niya ako’t hinila palapit sa kanya. “Letseng pag-ibig `to, ooooh.”
Tinapik-tapik ko naman ang hita ni Vince na para bang drums `yon.
“Diyos ko, ano ba naman ito, who?” dueto pa namin ni Vince.
After that ay tawa kami nang tawa na dalawa. Na parang hindi namin kasama si Marlon. Mayamaya lang ay nagpaalam si Vince na pupunta ng banyo.
Kakaalis lang ni Vince nang bigla namang lumapit sa `kin si Marlon at tumayo sa harap ko. Kinuha niya ang isang kamay ko at nilagay sa ibabaw ng p*********i niya. Tigas na tigas na iyon. Hindi iyon kalakihan pero pwede na rin.
Dala marahil ng kalasingan ay na-enjoy ko ang pagpisil-pisil sa ari ni Marlon. “Akyat muna tayo sa kwarto mo,” yaya pa ng lalaki na halatang libog na libog na.
Umiling naman ako at binawi ang kamay ko. “Next time na. Wala ako sa mood, eh.”
Halatang nainis ang lalaki sa sagot ko kaya bumalik na lang siya sa pwesto niya. Sakto namang pabalik na si Vince.
“Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay…” pakanta-kanta pa si Vince at halatang may tama na talaga ng alak. Umupo ulit siya sa tabi ko at this time, halos wala nang space na nakapagitan sa aming dalawa.
I could feel his hot skin brushing against mine.
“Pare, nagtext papa ko. Pinapauwi na `ko. Una na `ko sa `yo, ha?” biglang sabi ni Marlon na tumayo na mula sa sofa.
“Ano ba `yan. Saglit na lang `pre. Nag-e-enjoy pa `ko, eh. Sarap pala nitong Red Label. Ubusin na lang natin.”
“Matagal pa mauubos `yan at kita mo nga’t nasa kalahati pa lang tayo. Next time na lang ulit. Hinahanap na kasi `ko talaga ni papa. Alam mo naman `yon,” paliwanag pa ni Marlon.
“Ganun ba? Sige una ka na. Uwi na rin ako mayamaya.”
Nagpalakpakan ang mga tenga ko pagkarinig sa sagot ni Vince. Nagpaalam na si Marlon at mayamaya pa ay naiwan kaming dalawa ni Vince sa sala. Noong una ay nabalot kami nang katahimikan. Pero pagkalipas lang ng ilang saglit ay bumira na naman ng kanta si Vince.
“Cheers?” itinaas ko ang kamay ko na may hawak na baso.
“Cheers!” ipiningki naman ni Vince ang baso niya sa baso ko.
Wala pang tatlumpong minuto na nakakaalis si Marlon ay parang mas dumoble na ang bigat ng ulo ko. Naging panay-panay na rin ang paghaplos ko sa braso at binti ni Vince. And it seems like he doesn’t mind naman me touching him.
And in one particular moment, bigla na lang kaming nagkatinginan na dalawa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Unti-unti `kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya habang nakatitig ako sa mga labi niya.
Pero kung kelan malapit na ang mga labi ko sa pakay ko ay bigla namang may huminto sa harap ng bahay at saka bumusina.
Biglang umayos ng upo si Vince habang ako naman ay napuno ng panghihinayang.
“May bisita ka yata,” sabi ni Vince nang tumunog ang doorbell.
Kahit na naiinis ay napilitan akong tumayo para tignan kung sino ang bwisita. At napatda ako nang makita ko sina Amos na nakatayo sa may harap ng gate.
Wrong timing si bakla!