Chapter Fifteen

1547 Words
WADE Magtatanghalian na nang makabalik si Vince sa bahay. Nakapagluto na `ko ng kanin at ulam habang nakaligo naman na si lola Emma at kasalukuyang nanonood ng TV sa sala. Umuulan pa rin sa labas pero hindi na kasinlakas tulad kahapon. After ng nangyari kagabi, hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Vince ngayon. Ni hindi ko nga alam kung ano ang naglalaro sa utak niya ngayon dahil hindi pa nga kami nakakapag-usap ngayon araw. Eto `yong ayoko pagkatapos ng kamanyakan, eh. Nagsisimulang magkaroon ng awkwardness. Parang gusto kong itanong kung okay lang kami. If we’re cool. O galit-galit muna. Kasalanan ng libog `to, eh, lihim na himutok ko. “Okay ka lang?” tanong sa `kin ni Vince na hindi ko namalayan na nasa kusina na rin pala. Bagong paligo siya at bahagya pang tumutulo ang buhok niya. “Yeah, ayos lang ako,” sagot ko na hindi makatingin nang diretso sa kanya after what had happened last night. “Tawagan mo na si lola Emma at kakain na kamo.” Magsasandok na sana ako nang maramdaman kong tumabi sa `kin si Vince. “Okay tayo, ha?” seryosong tanong niya habang nakatingin sa mukha ko. “Walang ilangan. `Yong nangyari kagabi, pareho naman siguro nating ginusto.” Nilapag ko sa kitchen counter ang hawak kong plato at tumingin sa kanya. “Hindi ka galit?” “Bakit naman ako magagalit?” kunot-noong tanong niya sa `kin. “Wait, don’t tell me nagui-guilty ka dahil do’n?” “Medyo,” pag-amin ko. Nakaka-guilty naman talaga. Ano na lang ang sasabihin niya? Na pare-pareho lang ang habol ng mga bakla? Na s*x o chupa lang ang habol namin sa mga lalaki? “Alam mo, `wag ka nang ma-guilty diyan. Ginusto ko rin naman `yong nangyari kagabi. Hindi mo naman ako pinilit, `di ba? Besides, it’s just what… a blowjob? Sus, malayo sa bituka.” sabi pa niyang napapangiti. “Hindi ako madalas na nagpapaganun sa bakla kaya maswerte ka.” This time ay tumatawa na siya habang sinisiko ako. Nahawa na rin ako sa pagiging kaswal ni Vince sa sitwasyon namin. Pinilit kong iwaksi ang kung anumang awkwardness na nasa katawan ko at nag focus na lang ulit sa pagsasandok ng kanin. “So okay na tayo, ha?” “Oo na po.” “Walang awkwardness?” pangungulit pa ni Vince. “Wala po,” sagot ko naman. “Good,” masayang sambit ni Vince na sa pagkagulat ko ay pasimpleng pinisil pa ang left butt ko. “Tawagin ko lang si lola.” Hindi ko maiwasang mapangiti habang napapahawak naman ako sa pwet ko na kani-kanina lang ay hinawakan ni Vince. Kung dati sa mga previous experiences ko ay nawawalan na ako ng gana o interes sa isang lalaki kapag nakuha o natikman ko na siya, this time, parang mas lalo namang sumidhi ang feelings ko for Vince. At alam kong it’s more than the physical attraction. O siguro naninibago lang ako sa treatment ni Vince dahil nasanay na ako sa Manila na bawat s****l encounter ay may kapalit na pera. Or pwede ring sawa na ako sa casual s*x at subconsciously ay naghahanap na `ko ng possible relationship. `Yong totoong relasyon na hindi lang umiikot sa libog at s*x. Come to think of it, I’ve never been into a formal relationship. Pero if ever ba, papayag kayang makipag-relasyon ang isang straight na kagaya ni Vince sa tulad ko? Mas acceptable siguro sa society kapag nakipagrelasyon ang isang straight na lalaki sa baklang out sa madla kesa sa tulad ko na lalaking-lalaki kung tignan—porma, pananalita pati na kilos—pero iba naman pala ang binubulong ng puso. Ang weird nga naman sigurong tignan kung dalawang machong lalaki, naghahalikan. O `di kaya naglalakad sa kalye habang magka-holding hands. But I’ve read somewhere that this is a crazy world filled with crazy people. Live your life the way you want it to. Crazy na kung crazy, eh, ano ngayon? Ang mahalaga masaya ka. Habang papunta ng kusina sina Vince at lola Emma ay lumakas naman ang tugtog na nagmumula sa kabilang bahay. Dinig iyon hanggang dito sa `min kahit umuulan. Because I’m crazy for you Touch me once, and you know it’s true. I never wanted anyone like you It’s all brand new, you’ll feel it in my heart Because I’m crazy for you. Pati kanta ng kapitbahay ko, suportado ang kabaliwang naiisip ko. Status: Official Relationship. Kapag natanong si f*******: kung kanino, alam niyo naman na siguro kung kaninong pangalan ang isasagot ko. Itong gwapong lalaking kaharap ko ngayon. “Vince… masarap ba?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang chicken curry na niluto ko. “The best,” nakangiting sagot niya. Inilapit niya ang mukha sa `kin at saka nagsalita na mahina ang boses. “Kapag laging ganito kasarap ang luto mo, baka ma-inlove ako sa `yo,” aniya sabay kindat. Ngayon ko lang nalaman na ang isang kindat pala sa taong gusto mo ay may malaking impact sa katawan mo. Hindi ko alam kung paanong mula sa normal ay bumilis ang t***k ng puso, uminit ang mga tenga ko at feeling ko ay may nagci-circus sa loob ng tiyan ko. Makakakain pa ba `ko nito? Busog na yata ako. Parang gusto ko na lang magluto ulit nang masarap na pagkain para mapalitan ko na agad ang status ko sa f*******:. “Oh, Wade, kumain ka na,” narinig kong sabi ni lola Emma. “Gusto pa yatang subuan ko siya la, eh.” Natawa ako nang itaas ni Vince ang hawak na kutsara at iumang sa `kin. “Kain na, kain na…” Pasimpleng sinipa ko siya sa ilalim ng mesa dahil baka kung ano pa ang isipin ng lola niya. “Ikaw talaga Vince puro ka biro. Para kang bata.” “Bata pa naman talaga ako, ah,” sagot ni Vince bago sumubo ulit ng kanin. But last night, you were not. Last night, you decided to become someone hot, able and manly, gusto ko sanang isagot sa kanya. Pero siyempre, hindi ko kaya that’s why sumubo na lang din ako ng pagkain. Napapangalahati ko pa lang ang pagkain ko nang maramdaman ko naman hinahaplos ng paa ni Vince ang paa ko. Napatingin ako sa kanya. Obviously ay tapos na siyang kumain at trip niyang pag-trip-an ako. “Masarap?” tanong niya. `Yong chicken curry o `yong feeling ng paa mo sa paa ko? “A-Ang alin?” nauutal na tanong ko. Sa ilalim naman ng mesa, magkadikit na ang tig-isang paa namin ni Vince. Parang kamay na naka-lock ang mga daliri sa isa’t isa. “`Yong chicken curry,” sagot ni niya habang iniikot ang mga paa namin sa ilalim ng mesa. “Yeah, sarap…” sabay subo ng pagkain. Masarap talaga. Matapos naming kumain ay bumalik ng sala si lola Emma para manood ng TV. It was something daw na hindi na nagagawa ni lola mula nang ma-“kickout” sila sa bahay nina Vince. Naiwan naman kami ni Vince sa kusina at magkatulong na naghugas. At habang nilalagay ko ang mga hinugasang plato sa dish cabinet, hindi ko maiwasang parang ang bilis ng progression ng level of comfortability namin ni Vince sa isa’t isa. “Baka mamaya uwi na rin kami sa `min,” narinig ko sabi ni Vince pagkatapos naming maghugas. “Umuulan pa. Dumito na muna kayo at baka mamaya bigla na namang lumakas ang ulan.” Mahina na ang ulan sa labas pero madilim pa rin ang langit. “Nakakahiya sa `yo. Masyado ka na naming naabala ni lola.” “Baliw, hindi noh,” sagot ko. “Nga pala, may gagawin ka ba mamayang gabi?” Umiling si Vince. “Wala naman, bakit?” Ngumiti ako habang nakahawak sa baba ko. “May gagawin tayo.” Nang makita kong ngumisi si Vince na may kasamang panunudyo ang mga mata ay nahinuha kong iba ang intindi niya sa sinabi ko. “Tungek, malayo sa iniisip mo ang gagawin natin mamaya,” agad na depensa ko. “Eh, ano bang gagawin natin mamaya?” “Basta!” sagot ko lang at iniwan na siya sa kusina. Umakyat ako ng kwarto at padapang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Ilang minuto pa lang ako sa ganoong posisyon ay naramdaman ko nang bumukas ang pinto kasabay ng pagbagsak ng isang malaking katawan sa tabi ko. Ipinaling ko lang ang mukha ko paharap kay Vince nang maramdaman kong dumantay ang isang kamay niya sa likod ko. Malapit sa may butt. “Marunong kang magmasahe?” mayamaya ay tanong niya. At dahil pareho kaming nakadapa at nakatagilid ang mga mukha namin sa isa’t isa, lalo kong napagmasdan ang gwapo niyang mukha. “Basic lang ang alam ko. Pero mamaya na kita sasample-an. Idlip muna tayo at inaantok ako.” “Okay,” mahinang sagot ni Vince. Halos sabay pa kaming pumikit para matulog. Pero bago pa man tuluyang tangayin ng antok ang diwa ko ay naramdaman kong hinila ako ni Vince palapit sa katawan niya. And it just felt so much better.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD