WADE
Hindi ko mapigilang manlumo nang makita ko ang malaking bahay kung saan ako ibinaba ng tricycle na nasakyan ko. Bitbit ang maleta at backpack ko ay lumapit ako sa kalawanging gate. Dahan-dahan ko iyong itinulak at tumambad sa akin ang matataas na patas ng damo na mas mataas pa sa picket fence. Halatang ilang taon nang hindi nalilinis ang bakuran pati na ang bahay na kung hindi lang gawa sa bato, marahil ay matagal nang bumigay.
Kung bakit naman kasi kailangang ako pa ang mag-asikaso ng bahay na `to, lihim na himutok ko habang hinihila ang maleta ko papunta sa harap ng bahay. Bahay iyon ng mga namayapang lolo’t lola ko sa mother side kung saan lumaki si mommy. At dahil nag-iisang anak lang ako, automatic na sa akin mapupunta ang bahay na `to dahil wala namang ibang pagmamanahan si mommy.
And since matagal nang walang nagmamantini sa bahay na `to, she decided to send me here in Baybay, Leyte right after I graduated college. Yes, noong isang linggo lang ako grumaduate ng college and now I am here. Instead of applying for a job related to my course—Mass Comm—I was tasked to beautify this house dahil sa December raw ay dito gaganapin sa amin ang grand reunion ng mga Montefalcon.
So yeah, guess I’ll be stuck here for the next few weeks. Or maybe months. Depende sa dami ng mga dapat ayusin at ipa-repair sa bahay na `to.
Gamit ang susing binigay ni mommy ay mabilis na nakapasok ako ng sala. Makaluma ang istilo ng bahay nina lola pero puno naman ng mga modernong gamit ang bawat sulok ng bahay. Tinanggal ko ang telang natakip sa sofa at pabagsak na naupo roon at saka kinuha ang cell phone sa bag ko at tinawagan si tita Welvie na pinsan ng mommy ko.
“Yes, tita. Nandito na po ako. Halos kakarating ko lang din po,” sabi ko nang sagutin ni tita ang tawag ko.
“Sige papupuntahin ko na diyan ang pinsan mo.”
“Salamat tita. Bye.”
Sa kanila kasi muna ako makikitulog habang hindi pa naibabalik ang linya ng tubig at kuryente. Hindi raw nabayaran ang kuryente ng ilang buwan kaya pinaputol na lang muna. Sa Monday pa pwedeng bayaran ang reconnection fee kaya no choice ako kundi makitulog muna kanila tita.
Ilang minuto pa lang na nakasayad ang likod ko sa malambot na sofa nang may marinig akong tila splash ng tubig. At bigla kong naalala na ang bahay na `to pala nina lolo’t lola ay malapit sa lake. Dati raw ay sikat ang bahay na `to nina mommy at tinawag pa ngang “Lake House.”
Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina kung saan naroon ang pinto na siyang labasan papunta sa lawa. Mula naman sa kusina ay may pathway na gawa sa bricks na ang tinutumbok ay ang mismong lawa na. Sa kaliwang bahagi ay may nakatayong maliit na kubo na halos sira-sira na rin gawa marahil ng mga nagdaang bagyo. Sa gawing kanan naman ng lawa ay may puno ng manga na nagkataong hitik sa bunga.
Malapit na ako sa sirang kubo nang may muli akong marinig. This time ay klaro na sa `king boses ng isang lalaki ang naririnig ko.
“Woooh! Ang lamig!”
At ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita kong may isa ngang lalaki na naliligo sa lawa. Alam kong wala siyang suot na kahit na anong damit habang nakalublob sa tubig dahil nasa paanan ko ang mga damit niya. May nakatumpok ring mangga malapit sa mga damit ng estrangherong lalaki.
“Sino ka?” malakas na tanong ko na mabilis namang nagpalingon sa lalaki. At halos mapanganga ako nang makita ko ang mukha ng lalaki na basta na lang pumasok sa property ng grandparents ko.
Tanned skin, brooding eyes, thin straight nose and naturally red luscious lips. Para akong nakatitig sa isang work of art na may mataas na market na value. The boy is incredibly handsome. Pwedeng pumasang modelo para sa mga high fashion magazines.
At mas lalo pang nadagdagan ang paghanga ko sa lalaki nang umahon ito sa tubig at habang sapo-sapo ang hinaharap ay lumapit siya’t inilahad ang isang kamay sa `kin.
“Hi. I’m Vince po pala,” pakilala niya gamit ang baritonong boses.
Saglit na natulala muna ako sa katawan niya bago `ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. Sa height kong 5’8” ay bahagya pa `kong nakatingala sa kanya.
“Wade. Apo ako ng may-ari ng bahay na `to.” Sa wakas ay nagawa ko ring pakalmahin ang senses ko at ngumiti sa kanya. Sa tantiya ko ay matanda lang ako sa kanya ng ilang taon.
Matapos naming mag shake hands ay dinampot niya ang briefs niya, tumalikod sa `kin at saka iyon mabilis na sinuot.
Perfect ass, naisip ko habang wala sa sariling nakatingin ako sa umbok ng puwit niya. Mayamaya lang ay muli rin siyang humarap sa `kin and this time ay mas tila mas lalo pa siyang naging gwapo sa paningin ko. Mumurahin lang ang briefs na suot niya pero ang tindig niya ay parang rarampa sa Calvin Klein fashion show.
“Sorry po kung bigla na lang akong pumasok dito sa inyo,” nakayukong sabi ni Vince. At dahil nakayuko siya ay nagkaroon ako ng pagkakataong tignan ang umbok na nasa pagitan ng dalawang hita niya. Mukhang gifted.
“Okay lang. Matagal na rin naman kasing walang tao rito,” sagot ko. “Anyway, baka may kakilala ka na pwedeng kontratahin para maglinis nitong bakuran namin. Pa-refer naman sa `kin.”
Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Vince dahil sa sinabi ko. “Talaga po? Kailangan niyo ng maglilinis dito? Ako na lang po. Pero sa Martes pa po ako pwedeng mag start kasi may aasikasuhin pa po ako,” pagprisinta ni Vince sa sarili.
“Marunong kang magtabas ng mga damo?” nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Parang hindi ko ma-picture out na ang ganito ka-gwapong lalaki ay nagtatabas ng mga damo. Kung magiging hardinero itong si Vince, siguradong siya ang magiging pinaka-gwapong hardinero sa balat ng lupa.
“Marunong po ako sa lahat ng mga gawaing bagay, sir. Kaya sana ako na lang ang kunin niyo?” aniyang nagsusumamo ang tinig. At sino ba naman ako para tanggihan ang gwapong nilalang na `to?
“Sige. Pero tatanggapin lang kita kung hindi sir ang itatawag mo sa akin at tatanggalin mo `yang mga ‘po’ mo. Wade na lang ang itawag mo sa `kin. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Ilang taon ka na ba?”
“Eighteen po,” sagot naman niya.
Ang laking bulas niya para sa eighteen years old. May lahi siguro.
“Sige, balik ka na lang dito sa Martes ng umaga.”
“Sige. Salamat ha?” Matapos magbihis ay nilagay na niya sa plastic ang mga manggang nasa lupa. “Kumuha pala ako ng mga mangga. Sayang kasi at mabubulok lang. Saka paborito `to ng lola ko,” nakangiting sambit niya. Nakita ko ang fondness sa mukha ni Vince nang banggitin niya ang lola niya. “Gusto mo?” alok niya na inabot ang isang mangga sa sa `kin. Nakangiti ko naman iyong tinanggap.
“Malapit lang ba dito ang bahay niyo?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa harap ng bahay. Sa halip na sa gilid-bahay dumaan ay sa loob ng bahay ko na mismo siya pinadaan.
“Sa pangalawang kanto pa po ang bahay namin. Pero malapit lang `yon,” sagot niya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla namang may humintong motor sa harap namin. At nakilala kong ang pinsan kong si kuya Elmer—panganay na anak nina tita Elvie—ang lumalapit sa amin ngayon. Sa f*******: na lang kami madalas nagkaka-kumustahan.
“Sige po, alis na ako,” sabi ni Vince at tuluyan nang naglakad palayo.
Paglapit naman ni Elmer ay agad na inakbayan niya ako habang naglalakad kami pabalik ng bahay. “Kumusta insan? Long time no see!” aniyang bahagya pang ginulo ang buhok ko. Mas matangkad ako kay kuya Elmer pero maskulado ang katawan niya at mas nag mature na rin ang mukha kesa noong huli kaming magkita which is almost four years ago.
Bahagya akong nakaramdam ng pagkaasiwa nang maramdaman kong bahagya niyang pisilin ang kaliwang braso ko. “Na miss kita,” bulong niya sa `kin nang tuluyan kaming makapasok sa sala.