MATULIN na lumipas ang tatlong buwan. Ganito pala ang feeling ng isang may asawa. Everyday iba iba't routine ang ginagawa mo para mapasaya ang iyong asawa. Alagaan siya, ipagluto, panatilihing malinis ang bahay, at walang kapagurang pagsilbihan siya. And I'm happy. Contented to be with my loving husband. Wala na siguro akong mahihiling pa sa buhay ko.
Sobrang saya ngayon ng aming pagsasama. Mas tumibay pa simula nang ikasal kami ni Fierce. Wala na akong mahihiling pa. Kundi ang patuloy na maging masaya. Kasama si Fierce. Ang aking buhay. Ang aking asawa.
"IWAY, puwede bang paprint naman nito," pakiusap ni Angie sa akin. Isa si Angie sa pinakamakalapit kong kaibigan dito sa opisina. Sa katunayan, parang kapatid ang turing ko kay Angie. Matagal na kaming magkaibigan ni Angie. At kilala din niya si Fierce. Dahil madalas naman siyang sundiin ng asawa sa trabaho.
I'm still working. Sa isang trading company. Dahil gusto ko kahit paano mayroon akong sariling pera. Ayoko umasa sa ibinibigay ni Fierce sa akin. Hindi din ako nanghihingi. May kaya ang asawa ko. At hindi ko hinangad ang pera niya. Kahit na mayroong napapataas ng kilay dahil ako ang pinakasalan ni Fierce.
"Okay. Ilan ba?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Tig limang copies lang. Salamat, Iway," masuyong sagot ni Anggie sa akin.
Kaagad akong pumunta sa copier room. Ginawa ang ipinakiusap ni Anggie. Hindi naman ako mahirap lapitan. Basta wala akong ginagawa. Ginagawa ko na ang ibang puwede kong gawin. Wala kasi kaming messenger dito sa kompanya. Nagtitipid ata ang may ari.
Sa tagal ko na nagtatrabaho dito. Pero hindi ko pa kilala kung sino ang may ari ng kompanya na pinapasukan ko. Confidential daw. Kaya walang nakakaalam kahit sino sa mga empleyado.
Pagkatapos kong magcopy ay pumunta ako sa puwesto ni Anggie. Wala siya, kaya inilagay ko na lang sa mesa niya. Pagkalapag ko ng mga papel ay tumunog ang phone ni Angie. Umilaw 'yon. Biglang akong napahawak sa dibdib ko. Nanlamig ako sa aking nabasa. Nabasa ko pangalan nang asawa ko. Name ni Fierce ang lumabas sa phone ni Angie.
"May phone number ni Fierce si Anggie?" nagtatakang tanong ko sa isip. Kung may numero ng telepono ni Fierce si Angie. Ibig sabihin ay nag uusap sila. Bakit parang hindi ko alam na nag uusap sila? May itinatago ba sila sa akin na hindi ko dapat malaman? Anong pinag uusapan nila.
Nangangatal ang labi ko. Nanginginig pati ang mga kamay ko na kinuha ang phone ni Anggie. Sa ilang taon na relasyon namin ni Fierce. Hindi ko naisip na magloloko siya. Hindi naman siya nagloko noon. Kaya hindi ko naisip ang mga bagay na katulad nito na magagawa niya. Ngayong kasal na kami.
Ngayon pa niya ako lolokohin. At sa kaibigan ko pa. Bakit kaibigan ko pa? Hindi ba sila tinablan ng hiya sa akin. Ang kapal naman ng mukha nila na magkunwari sa harapan ko. Mga traydor sila.
Hindi ko maiwasang pangilidan ng luha. Habang binibuksan ko ang phone ni Anggie. Maigi na lang at hindi naka-lock ang phone ni Angie. Mabilis kong binuksan ang convo ng message nilang dalawa. Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko at dali-daling ibinalik ang phone ni Anggie. Hindi ko na kaya. Ang mga nalaman ko at nababasa. Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko. At gusto ko ng bumagsak sa sahig.
Napahawak ako sa lamesa. Kumukuha ng suporta para hindi matimbuwang. Panay pa din ang pag agos ng luha ko. Ang sakit. Ang asawa ko na minahal ko. Niloko ako at sa kaibigan ko pa. Bakit si Angie pa?
"Tapos mo na ba, Iiway?" may lambing pa sa boses na narinig kong tanong ng taong nasa likuran ko. Dumating na ang ahas kong kaibigan. Pinunasan ko ang mga luha ko. Siniguro kong malinis ang mukha ko bago humarap kay Anggie. Ayokong isipin niyang nabasa ko ang usapan nila ni Fierce sa telepono.
May gana pa talagang ngumiti sa akin. Gayong tinatraydor niya ako. At asawa ko pa talaga ang napili niyang akitin.
"Ah, tapos na. Ito nasa lamesa mo na," hinawakan ko pa ang mga papel na pinacopy niya sa akin kanina. At ipininakita sa kanya.
"Salamat, friend," masayang saad ni Anggie at niyakap pa ako.
Napasinghap ako. Nang malapat ang balat niya sa balat ko. Pakiramdam ko ang libag niya. Nakakapandiri. Para akong kakatihin. Nagawa nila akong lokohin. Silang dalawa ng asawa ko. Ngumingiti sa harapan ko. Niyayakap ako. Sobrang plastic talaga. Asawa ko pa talaga ang nilandi niya.
Bumitaw siya ng yakap sa akin. At dahan dahan akong humarap sa kanya. Tinitingnan niya akong maigi. Ramdam ko na nagtataka siya dahil napansin niya na pamumula ng mga mata ko.
"Umiyak ka ba, Liway?" tanong nito. hahawakan niya sana ako sa balikat pero iniiwas ko. Nandidiri talaga ako sa malibag niyang kamay.
"Kailan niyo pa ako niloloko, Angie?" malumanay kong tanong sa kanya. Gusto kong dahan dahanin siya. At nang marinig ko ang paliwanag ng kaibigan ko.
Napamaang ang labi niya. Hindi siguro niya alam ang sinasabi ko. O nagmamaang maang lang siya sa sarili niya. Gusto niya bang isampal ko sa mukha niya ang nalaman ko?
"What do you mean, Iway?" Natitigilan siyang tanong sa akin. Gusto pa atang ikaila sa akin. Ramdam ko ang pagkabalisa niya. At paglikot ng mata ni Angie.
"Huwag mo nga akong englishin. Huwag na tayong maglokohan, Angie! Bakit nagawa mo sa akin ito? May nagawa ba akong mali sayo? Nasaktan ba kita? Kaya niloko mo ako. Bakit ang asawa ko pa? Sa lahat pa ng lalaking lalandiin mo. Bakit si Fierce pa?!" sumbat ko sa kanya. Parang tubig na pumatak ang mga luha ko. Sobrang masakit. Niloko ka nang kaibigan mo at asawa mo. Walang tao na pinagkatiwalaan ko.
"I-I'm s-sorry... P-Patawarin mo ako, Iway. I know it was my fault. Mahal ko si Fierce, noon pa. Naiinggit ako sayo. Kasi minahal ka niya. Ako, balewala lang sa kanya," nagsimula na siyang umiyak sa harapan ko. Wala akong maramdamang awa sa kanya. Kahit kaibigan ko pa siya. Galit sa puso ko ang nararamdaman ko para kay Angie. Dahil sa ginawa niyang panloloko at pagsira sa pagsasama namin ng asawa ko.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa akin na mahal mo ang asawa ko! Asawa ko si Fierce. Gusto kong sabihin sayo. Dahil baka nakakalimutan mo!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanang pisngi niya.
Hinawakan niya ang pisngi niyang sinampal ko at humarap sa akin. Sinampal ko ulit siya sa kaliwa. Sumabog na ang galit ko sa kanya. Kumukulo talaga ang dugo ko sa galit. Dahil sa panloloko niya. Parang wala kaming pinagsamahan.
"I'm sorry, Iway. Patawarin mo ako sa nagawa ko."
"Alam mo na may asawa na si Fierce! Nauubusan ka na ba? Kaibigan kita, Angie. Pinagkatiwalaan kita. Itinuring na parang kapatid. Anong ginawa mo? Sinira mo ang pagkakaibigan natin. Pati kami ng asawa ko gusto mong sirain!" Mga sumbat ko pa kay Anggie. Nakakagalit na niloko nila akong pareho.
Pinagtitinginan na kami nang mga katrabaho namin ni Angie. Nagtataka siguro sila kung bakit ako nagagalit sa kaharap ko. Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila at iisipin. Basta gusto kong isumbat lahat. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Gustong ilabas ang galit ko sa kanya. Sobrang masakit. Sinasaksak niya ako pagtalikod. Paulit ulit. Kung hindi ko pa nakita at nabasa lahat. Baka hanggang ngayon niloloko pa nila akong dalawa.
"Iway, please. Ibigay mo sa akin si Fierce. Buntis ako. Gusto kong magkaroon ng ama ang anak ko," pagmamakaawa niya sa akin. Para lang siyang nanghingi ng laruan sa akin.
Nanlaki ang mata ko. At napaawang ang labi. Napatakip ng aking bibig sa pagkabigla. Umiling iling ako ng ulo. Tumakbo ako at iniwan si Angie. Gusto kong makauwi. Gusto kong malaman mismo sa asawa ko. Ang lahat lahat.
Nang makalabas ako ng building. Nag abang ako agad ng taxi na masasakyan. Iyak ako nang iyak. Panay naman ang punas ko ng aking mga luha. Panay ang tingin ng mga katabi kong nag aabang din ng masasakyan. Kaagad kong pinara ang taxi na aking namataan. Huminto ito sa harap ko. Sakawalang pasabi ng binuksan ang pinto. At pumasok sa loob.
"Ma'am, okay lang po ba na may kasama kayo?" bungad na tanong ni manong driver.
"Sige po. Wala pong problema. Sa Miranda Street po ako." sagot ko na tumango tango sa kanya. Pumayag na ako. Kesa magtagal pa ako dito. Nasa unahan naman ang isa pang pasahero ni manong. At ako naman ang nakisakay.
Nakatingin lang ako sa labas. Sinasariwa ang masasayang nagdaan namin ni Fierce noon. Hindi ko malilimutan noong araw na sinagot si Fierce. Hindi maubos ang mga luha ko. Kahit gusto ko ng mawala ang sakit. Hindi ko magawa. Nasa puso ko na. Nakatarak na.
Pagkadating ko sa bahay ay kaagad kong hinanap si Fierce. "Fierce! Fierce!" tawag ko sa pangalan ng asawa ko.
Napansin ko siyang galing ng kusina. "Andito ka na pala, hon. I cook something for you. For our dinner. Go up and change your clothes," sabi niya habang papalapit sa akin. Ang lambing ng boses niya. Akma niya sana akong hahalikan sa labi nang umatras ako sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko.
"What happen?"
"Ang galing mong magpanggap, Fierce!" sigaw ko sa kanya.
"Hey! Anong narinig kong itinawag mo sa akin?" Tila natauhan siya sa narinig sa akin.
"Fierce! Iyon naman ang pangalan mo, di ba? Sa kabila ng pangalan na 'yan ay isang taong manloloko at mapagpanggap!"
Nabigla siya sa sinabi ko. Naguguluhan.
"Hon, what are you talking about? Hindi kita maintindihan," maang maangan niya sa akin.
"Where are you today?" tanong ko kay Fierce.
"Andito lang ako sa bahay. Hindi ako pumunta kahit saan. Dahil gusto kong ako naman ang pagsilbihan ka. At hintayin galing trabaho," sagot niya sa akin. Nilapitan ko siya at isang sampal ang dumapo sa pisngi niya.
"Sinungaling! Nabasa ko lahat, Fierce. Wala ka ng maitatago pa sa akin. Niloloko mo ako. Kaibigan ko pa. Napakawalang hiya mo! Mga walang hiya, kayong dalawa! Kayo ni Anggie!" malakas na mga sigaw ko sa kanya.
Nanlalaki ang mata ni Fierce.
"Huminahon ka, hon. Please, listen to me," pakiusap niya para pakinggan ko ang mga kasinungalingan niya.
"No! Ayokong marinig ang mga sasabihin mong kasinungalingan! Fierce, minahal kita. Ibinigay ko ang buhay ko sayo. Inilaan ko sayo lahat! Pagkatapos lolokohin mo ako."
"Hon, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako," kaagad siyang lumuhod sa harapan ko. Niyakap ako sa beywang at umiyak. Hindi na siya tumanggi pa. Sa mga salita niya inamin niyang may namagitan nga sa kanilang dalawa ni Angie.
"Ikaw ang mahal ko. Hindi si Angie. Pinilit niya lang ako. Kaya may nangyari sa amin noon," paliwanag ni Fierce habang umiiyak.
"May nangyari sa inyo? Bakit nasundan ng maraming beses? Kung sinabi mong mahal mo ako at pinilit ka lang niya," nahihibang ba si Fierce. Kung mahal niya ako hindi niya ako pagtataksilan.
"Please, forgive me. Please give me another chance," magmamakaawang paghingi ni Fierce nang tawad sa akin.
"Buntis si Angie!"
Hindi ko mapigilan ang sigawan ang asawa ko. Wala na ako sa sarili ko dahil sa galit.
"Susuportahan ko ang bata. Pangako ko na hindi na ito mauulit pa. Mahal na mahal kita, hon. Please don't leave me. Mamamatay ako. Please..."
Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Walang sumasagi sa isip ko. Kundi ang ginawa niyang pananakit ng kalooban ko. Niloko niya ako. At nakabuntis pa siya ng ibang babae. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya ng tapat. Pagsilbihan at pasayahin siya. Pero sa ginawa niya parang may pagkukulang ako.
"Fierce, hayaan mo muna akong makapag isip. Bitawan mo nga ako! Nakakahiya kayo!" galit na galit kong sagot ko sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya na nakayakap sa akin.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil ayaw niya akong pakawalan. Naririnig ko ang mga hikbi ni Fierce. Maya maya naramdaman ko ang pagluwag ng yakap ni Fierce sa akin. Doon ako nagkaroon nang pagkakataon na iwan siya at tumakbo paakyat sa kuwarto namin.
Mahal na mahal ko si Fierce. Siya palang ang unang lalaking minahal ko sa buong buhay ko. At nangako akong siya lang ang mamahalin ko. Pero, sobra niya akong sinaktan ngayon.