tinulungan ako ni jake mag ayos ng hapag at mag ayos ng pagkain sa hapag habang si sab naman ayun naka upo na at tinitingnan kami kala mo naman nanunuod ng tv tapos ang lagkit pa kung tumingin kay jake
tara kain na tayo-aya ni jake at pinaghila pa ako ng upuan matapos malapag ang pagkain sa mesa umupo na din ako at nag simula nang kumain ng tahimik habang si sab ay tudo daldal at papansin kay jake
matapos kumain ay ako nalang din ang nagligpit ng pinagkainan at nag hugas saktong pagkatapos kung naghugas lalabas na sana ako ng pumasok si jake
tumawag na mommy mo nagtatanong anong oras ka uuwi-sabi nito sa akin na seryuso kung maka tingin
ngayon na tapos na din naman ako maghugas kunin ko lang sa kwarto mo yung gamit ko -sagot ko sa kanya sabay lakad
nadaan ko ang sala na wala ng tao siguro umalis na yung hitad na sab na yu n
dumiretso ako ng kwarto ni jake at nag bihis sinuot ko yung suot ko kahapon ng papunta dito dahil naka boxer at tshirt na ni jake suot ko tapos ay lumabas din ako
pag labas ko ng sala ay naka upo ito at parang seryusong nag iisip
tapos na ako sa kwarto mo-pag papaalam ko sa kanya baka mag bihis pa siya or may kukunin sa kwarto niya
tara na hatid na kita-aya nito sabay lakad palabas sarap talagang ibalibag nitong jake na to hindi manlang marunong ngumiti lagi nalang seryuso
pero kagit ganoon crush ko pa din naman siya hehe
hinatid nga ako ni jake at saktong pasok ng sasakyan niya sa gate namin ay nakita ko naman si azalea at ricky mukhang dinaanan ako ng mga bruha naka civilian lang sila friday na din naman kasi ngayon pwede ng hindi mag uniform mabuti nalang at 7:42 palang at ang klase ko at 9:30 economics and management ang first subject namin ngayon ayst
pagkaparada ng sasakyan ni jake ay tumingin ako sa kanya habang nag tatangal ng setbelt naka tingin din pala siya sa akin nakakahiya tuloy nginitian ko nalang siya para matangal pag ka ilang ko sa titig niya pero alam kong namumula na ako pano eh parang kakaiba yung tingin niya
salamat sa paghatid-sabi ko sa kanya
your welcome- seryusong sagot nito sa akin at nakatingin pa din sa akin
baba na ako ah salamat ulit- sabi ko sakanya at baba na sana ng hawakan niya yung siko ko
bakit? nagtatakang tanong ko sa kanya
may naka limutan ka-sagot nito sa akin
tiningnan ko naman gamit ko at completo ito
wala naman akong naka limutan eh-sagot ko lang sa kanya pero bigla nalang nanglaki ang mata ko ng halikan niya ako sa labi
bakit mo ako hinalikan ah?-tanong ko sa kanya ng mahupa ang pagkakabigla ko
fiance mo ako natural lang yun as goodbye kiss-seryusong sagot nito sa akin
ay ewan ko sayo makababa na nga-sagot ko sa kanya para matangal yung parang naghahabolan dito sa puso ko dahil sa sobrang kaba