Zech knew the instant he'd gone too far. Agad kasi niyang napansin ang pamumula ng dalaga. Hindi rin naman niya ito masisisi sa reaksyon nito. He'd never got so hot, so quickly before in his life. Damn, sa tuwing sisimsim kasi ang dalaga sa kanyang wine glass parang nag-iinit agad siya.
Nang buksan ng dalaga ang menu, napansin niya ang panginginig sa mga kamay nito. Umangat ang ulo nito at tumingin sa kanya saka tipid itong napangiti. "Shall we order? Nagugutom na talaga ako." walang pakundangang saad nito.
Nagugutom din naman siya, pero hindi sa pagkain. Gayunpaman, kinuha na rin niya ang sariling menu at pumili siya ng o-orderin.
Naging matipid ang pag-uusap nila nang dumating na ang kanilang mga inorder na pagkain. He allowed her to let the conversation drift to harmless small talk as they ate. Ninanamnam nalang muna niya ang sarap ng pagkain bago ang ninanais niya.
He had a feeling that Katarina Henson - with her smart mouth, and her lush little body - would be worth savouring.
-----
Kakaiba ang lasa ng mga pagkain doon, kaya lalong ginanahan si Kat sa pagkain. Lalo na yong chocolate mousse na napili niyang dessert ay nakakatakam din. Literal talaga na tumulo ang laway niya. Dahil hindi lang sa pagkain siya natatakam pati na rin sa taong kasabay niya sa pagkain. Every time she noticed the sexy way his mouth curved when she said something funny, para talagang bumaba ang blood pressure niya.
Tinikman na niya yong chocolate dessert. It tasted dark, sensual and delicious, kahit pa sa kabila ng pagrarambulan ng tiyan niya sa kaba.
"How's the taste?" anito at pinagkatitigan yong labi niya. Tuloy mas lalong dumagundong ang t***k ng puso niya.
"Masarap." She licked her lips. Napalunok naman si Zech na kanina pang titig na titig sa mga labi niya. "You know, chocolate should be one of the seven deadly sins, sa palagay mo kaya?"
"Sa palagay ko nga." husky pa nitong sagot.
Kumuha ulit si Kat ng isa pang kutsara sa chocolate dessert. "Hmm...gusto mo bang tumikim?" alok niya rito.
"Sure." he replied, but the intensity in his gaze convincing her the double meaning. Ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsubo sa lalaki sa nasabing dessert.
"Thanks. That was delicious." anito sabay hawak sa kamay niya.
Nanigas tuloy siya bigla.
"Kat," he said, leaning back against the leather booth, one forearm resting casually on the table. "You're beautiful, you intrigue me and I'm very attracted to you. I'd like to make love to you tonight. How do you feel about the idea?"
Juice colored! Harap-harapan ba naman siyang tanungin sa bagay na yan. Hindi na talaga magkamayaw ang t***k ng puso niya sa kung ano ang kanyang isasagot.
Hindi naman niya kayang ipagkaila sa sarili na attracted din siya nito. Ayaw din niyang magmukhang cheap kung papayag din siya sa alok nito.
Nahuhulog talaga siya sa dilemma sa mga oras na yon. Yes, of course, Zech Bourdeux was every woman's fantasy. And the way he was looking at her right now was giving her heart palpitations. This man could make her forget the mess she was in - if only for one night. Goodness! Ano pa bang pwedeng palusot niya?
Hanggang sa buo na ang pasya niya at matapang niyang sinagot ang lalaki. "I feel quite enthusiastic about the idea, actually."
Namilog ang mga mata nito sa tila di inaasahang sagot niya. He threw his napkin onto the table and stood up. "We need to go to my penthouse then," namamalat nitong sabi. Pinaangkla na siya sa braso nito at iginiya siya nito palabas sa restaurant.
Napangiti naman siya sa lihim, imbis kasi na kabahan siya parang na e-excite pa siya sa gagawin nila.
*****