Chapter 24

2265 Words
Xenon's POV Pagkatapos ng nagyare kanina ay hinatid ko muna si Momo sa bahay nila. Sobrang lakas ng pag iyak nya kaya nakatulog na sya sa byahe namin kanina. "Sigurado ka bang okay kalang? Ayaw mo ng kasama? Pwede kong sabihan si Naomi kung hindi ka komportable sakin" Nag aalang tanong ko sa kanya habang nakatayo kaming dalawa sa harap ng gate ng bahay nila pero umiling lang sya sakin. "Sige, kunin mo na din to" Sabay abot ko sa kanya nung binili ko sa convenience store na nadaanan namin nung natutulog sya. I bought different kinds of sweet foods for her. Hindi ako sigurado kung pano pero baka makatulong kahit one percent man lang. She said eating sweet foods helps you heal a little bit after crying. "Thank you Xenon" She said and I smiled. "Pasok kana" Pilit na nakangiting sabi ko sa kanya at tumango naman sya at pumasok sa loob ng bahay nila. Agad akong napa buntong hininga nang bumalik ako sa loob ng kotse ko. "I really hope she's okay" I said to myself. Nagsimula akong mag drive pabalik ng school dahil nandun pa ang gamit ko at balak ko ding balikan yung magulong boyfriend ni Momo. Pagkarating ko sa school ay nag park agad ako ng sasakyan at mabilis na naglalakad papunta sa classroom nila Steven. Pumunta na kasi ako sa gym kanina at wala sya dun. Mga nag chichismisan na mga tao lang yung naabutan ko dun kanina. Pagkarating ko sa classroom nila Steven ay nandun nga sya. Saktong palabas sya ng classroom nang dumating ako. Nakita ko din yung babae na kasama nya sa picture sa loob at mukang umiiyak. I have no idea what f**k is really happening but f**k him. "Anong ginagawa mo di....." Hindi nya na natuloy pa ang sasabihin nya nang mabilis na dumampi ang kamao ko sa muka nya. Nag sigawan ang mga estudyante sa takot at pagkabila mula sa ginawa ko. Pati yung babaeng side chick nya ay napalabas din sa classroom. "Oh my gosh! Steven!" She shouted. Agad na napaupo si Steven sahig pero kaagad din syang tumayo at ginantihan ako ng suntok sa muka. My fist is trembling and my jaw is clenching because of anger. I'm so mad at baka hindi ako makapag pigil at kung ano ang magawa ko sa kanya. The worst thing you can do to your partner is to cheat. How can he do that to her? To my Momo. She's so innocent and precious especially to me. "Gago!" I shouted and punched him again. Muli sana syang gaganti nang pareho na kaming kapitan ng ibang estudyante sa paligid. "Hoy! Tama na yan!" "Tawagin nyo sila sir" "Wag kayo dito mag away" Pag awat nila samin. Pumipiglas man ako ay hindi ko magawa dahil sa dami ng mga nakakapit samin kaya tinigilan ko nalang. Lamang naman ako eh. "Anong problema mo?! Hilig mong umepal palagi no!" Galit na sigaw ni Steven sakin. "Tarantado ka pala eh" Sigaw ko din at muli sana syang susugurin nang pigilan nanaman ako ng mga estudyanteng nakahawak sakin. "Nasayo na, niloko mo pa. May utak ka ba?! Ha?!" Habang tumatagal ay dumadami na ang mga estudyanteng nakapaligid samin. Nagsisimula na din silang mag bulong bulongan tungkol sa mga nangyayare. Mabilis kumalat ang balita. "Labas kana dun, samin na ni Clara yung nangyare" Steven answered. "Sa inyo? Kayo nga lang talaga dapat eh pero bakit nag sali ka ng isa?" Ano? The more the merrier? Malay ko ba kung isa lang talaga yung babae nyan. "You don't know anything" He said. "I may not know everything but one thing for sure is that you're jerk" That is a fact. "Mahal mo ba talaga ha?" Tanong ko sa kanya at hindi sya sumasagot. Napapangisi nalang ako sa inis ko sa kanya. "Asshole!" Sigaw ko ulit sa kanya at pumiglas mula sa pagkakahawak ng mga hindi ko kilalang estudyante at nag lakad palayo. Kahit papaano ay napuruhan ko sya kaya okay na yun sa ngayon. I know what I did is bad but it honestly never felt this good. Punching a cheater is like eating my favorite ice cream. Naglakad ako papunta sa classroom at agad akong sinalubong ni Alex, Mitch and Naomi. Alam na nila yung balita dahil chinismis na ni Alex sa kanila. "Shet, pinatay mo?" Alex asked when he saw my face. "Oa ka nanaman" Mitch said to him. "Mukang kaunti lang galos mo ah, panalo ba?" Naomi asked. "I don't know. Mas nag aalala ako kay Momo" Gusto ko syang balikan sa bahay nila but she said that she wants to be alone for now so I can't. "Kawawa naman si Clara. Mas lalo syang pag bubulungan sa school. Hindi maubos ubosan nang topic about her yung mga students eh" Naomi said. Kaya nga mas lalo akong nag aalala eh. Hindi ko nga sigurado kung papasok pa sya ulit. "Let's just hope that she'll be okay" Alex said and I sighed. Yung nakita kong kamuka ni Steven sa mall dati, bago ko lang din na realize na sya nga talaga yun with the same girl that I saw earlier crying inside their classroom. "Kuya sino pala yung nag padala ng message?" "Same person lang yung nagpadala ng message sakin and Momo pero hindi pa kilala kung sino" I'll make sure to know that person very soon. "Mukang may galit eh" Komento ni Mitch. "Yeah" "Baka may alam si Steven. Sya yung pinag mulan ng lahat eh" Mitch added. I think she's right. Baka nga may alam si Steven sa mga nangyayare o baka naman yung babaeng third party sa relationship nila. I obviously don't want to face that asshole Steven for now so maybe I'll go with Ella. Si Momo yung nagsabi sakin ng pangalan nung babae. Nakakasabay daw nila yun palagi sa lunch at pati na din sa mga little hang outs nila. "I'll try to ask the girl" "Goodluck to you bro" Alex said. Naomi's POV "Hindi naman ako katulad nun" Kenjay said. Naglalakad kami ngayon at kanina ko pa kasi sya binagbabantaan na wag na wag mag checheat sakin tulad ng ginawa ni Steven kay Clara. Yari talaga sya sakin. "Hindi mo pa nga ako sinasagot eh" Dagdag nya pa. "Kahit na" "Anong kahit na?" "Nahuhulog na ako sayo kaya bawal kang mag cheat kahit hindi pa tayo" Sagot ko sa kanya at todo ngiti naman sya. Bigla syang huminto sa paglalakad kaya napahinto din ako. Hinarap nya ako at nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya. "Nag iisa ka" Nakangiting sabi ni Kenjay at literal na nanghina ang mga paa ko at muntik pa akong matumba dahil sa kilig. Sinabayan pa ng nakakatunaw nyang mga ngiti. "Uy! Anong nangyare?" Nag aalalang tanong ni Kenjay habang nakahawak pa sakin. "Ikaw kasi eh, hapon na nagpapakilig ka pa" Araw- araw nalang, hindi ako nagrereklamo ah. "Pano yun? Balak ko pa namang habang buhay kang papakiligin" "Baliw" Basketball player nga talaga, ang galing mambola eh. Hinawakan ni Kenjay yung kamay ko at muli kaming naglakad papunta sa parking lot. Ang dami ngang napapatingin samin eh lalo na yung mga babaeng halatang may gusto kay Kenjay. Mas naiisip ko tuloy kung gaano ako ka swerte. Pupunta kami ni Kenjay ngayon sa bahay nila kasi wala daw kalaro si Poppy. May time pa naman ako kaya okay lang. Miss ko na din naman si Poppy. Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Kenjay at inalalayang sumakay. Nagsuot agad ako ng seatbelt at ganun din si Kenjay pagkapasok nya. "Ready kana po?" Malambing na tanong ni Kenjay. "Yes sir" Sagot ko at ngumiti pa sya sakin bago nag simulang mag drive. Hindi katulad sa farm nila Kenjay ay malapit lang ang bahay nila kaya nakarating kami kaagad. Inalalalayan nya ako sa pag baba ko ng kotse at magka hawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Wala yung parents nya dito at tanging si Poppy at tatlong yaya lang daw nila yung nandito sabi ni Kenjay dahil busy yung parents nya. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa garden ng bahay nila kung nasan si Poppy. Naabutan namin syang naka focus sa pag tingin nya sa lupa. "Poppy" Pag tawag sa kanya ni Kenjay at agad naman syang lumingon sa direksyon namin. Nang makita nya si Kenjay ay agad syang napangiti at tumakbo papunta samin. Nang makalapit sya ay agad nyang niyakap si Kenjay ng sobrang higpit. "Kuyaa! You're here na!" Aww he missed Kenjay so much. Kenjay giggled and kissed Poppy a lot on his face. Ang cute nilang tingnan, sana nga may kapatid pa kami ni kuya Xenon na maliit eh. Ang cute at nakakainggit naman kasi. "Sinama ni Kuya si ate Naomi oh" Kenjay said at bago lang ako napansin ni Poppy. "Ate Nami!" He shouted and hugged me. I hugged him back then kissed him on his cheeks. Sobrang nanggigigil ako pero pinipigilan ko lang at baka makagat ko pa sya sa sobrang cute nya. He can't say my name properly and I also find it cute. "May dala akong foods" I said to Poppy at parang bigla namang kuminang ang mga mata nya. "Can I eat it na?" He asked at tumingin muna ako kay Kenjay to asked if pwede na. Tumango naman sya kaya kinuha ko na sa bag ko yung chocolate na dala ko at ibibigay yun sa kanya. "Wow it's big ate Nami" "Love kita eh" "Love mo din ba kuya nya?" Pag singit ni Kenjay at napatawa naman ako. "Sobra" I answered and he smiled. "Akyat lang ako, bihis lang, iwan ko na muna kayo" Kenjay said and we just nod. "Ano pong tinitingnan mo kanina?" Malambing na tanong ko kay Poppy at hinila nya naman ako papunta sa pwesto nya kanina. Umupo kaming pareho at tumingin sa lupa. "Ants" Poppy said. Napangiti ako nang malamang mga langgam pala yung tinititigan nya kanina. "They so small ate Nami" "Opo" "Bakit sila nasa line?" Poppy asked. Bakit nga ba? Hindi ko din alam. "They're working po kasi" "Wow they have work?" Poppy asked and I just nod. Ito yung mahirap kapag may bata. Madami silang tanong to the point na minsan ay hindi mo na alam ang isasagot mo sa kanila. "What work?" "They're getting food. You see that little thing that they carry?" Tanong ko at todo tango naman sya. "That's their food" "Wooooooooow" Manghang mangha nyang sabi. Hindi ko maiwasang mapatawa sa sobrang cute nya. Pagkatapos naming titigan ni Poppy yung mga langgam ay nag harutan na kami. Hinahabol ko sya at tuwang tuwa naman syang tumatakbo. Ang lakas ngang sumigaw at tumawa eh. "Halaaaa maabutan ko na si Poppy" Pag habol ko sa kanya at todo takbo naman si Poppy para hindi ko maabutan. Nang maabutan at mahahawakan ko na sya ay bigla akong natisod sa isang maliit na bato na nakabaon sa lupa. Nadapa ako at ang isang tuhod ko at todong napuruhan. Agad akong nilapitan ni Poppy at inihipan yung tuhod kong may dugo. "Oh no ate Nami!" Nag aalala nyang sabi at mukang paiyak na. "Shh don't worry, it doesn't hurt" Pag papatahan ko sa kanya pero masakit talaga. Ang hapdi at medyo madami din yung dugo. Pareho kaming umiihip ni Poppy sa sugat ko para hindi masyadong humapdi nang bumalik naman si Kenjay. "Naomi! What happened?" Agad syang lumapit samin ni Poppy at tiningnan yung sugat ko. "Ate Nami is hurt" Poppy said. "s**t! Sobrang sakit ba?" Nag aalalang tanong ni Kenjay sakin. "Medyo" Sobra. "Sandali, kukuha lang ako ng first aid" Kenjay said at tumango lang ako. Tumatakbong umalis sya at nagpatuloy kami ni Poppy sa pag ihip sa sugat ko nang bigla syang nag pray sa harap ko. "Lord, please heal ate Nami's wound. It's bleeding oh Lord. Please heal it fast Lord. Amen" He prayed at napangiti naman ako. Parang nabawasan tuloy yung sakit ng sugat ko. Ang swerte ko naman. May dalawang lalake na nag aalaga sakin. "Let me see" Nakabalik na si Kenjay at may dala na syang first aid kit. "Bakit ka naman kasi nadapa ng ganun kalala?" "Baka kasi madamay pa si Poppy" Masyado akong malapit kay Poppy kanina nung napatid ako kaya iniwasan ko sya at tuhod ko ang malalang napuruhan. "Medyo masakit to" Kenjay said bago sinimulang linisin ang sugat ko sa tuhod. Pumikit ako at sinimulan nyang linisin yung sugat ko. Napapa aray ako paminsan minsan pero agad ding nawawala dahil hinihipan nya kaagad. "Sorry" He said nang mapaaray ako ulit. "It's okay" Nagpatuloy sya sa pag gamot sa sugat ko at si Poppy naman ay nanunuod lang samin. "Next time kasi be careful" Sermon sakin ni Kenjay at nilagyan na ng cover yung sugat ko. "Sorry na nga" Nakasimangot kong sagot sa kanya. Malay ko bang may bato pala dun. "Magiging okay na ba si Ate nami, kuya?" Poppy asked. "Yes po" Sagot ni Kenjay at hinalikan sa ulo si Poppy. "I'm sorry ate Nami" Poppy pouted "It's not your fault Poppy, ate Nami is okay" Malambing na sabi ko sa kanya at ngumiti na sya. "Sakay ka sa likod ko, dun tayo sa living room" Kenjay said. "Hindi na kaya ko naman mag lakad" "No, sakay na" Wala na akong nagawa pa kaya sumakay na ako sa likod nya at binuhat nya ako papunta sa living room habang nakahawak pa sya sa kamay ni Poppy. "I'm taking care of two babies now" Kenjay joked and I giggled. "Thank you" "Always my love" Oh my puso! Lalabas na sa lakas ng t***k. Hinay-hinay naman Kenjay. Baka kilig pa ang ikamatay ko ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD