Chapter 6

2490 Words
Momo's POV "Excuse me, hi, good morning." Bati ni Xenon sa nurse na nakasalubong namin. "Good morning sir what can I do for you?" The nursed asked. "Kailangan kong makausap si Mr. Ramirez." Xenon answered. "Oh Mr. Castillo?" "Yes." "This way po." The nurse said at sinamahan kami papunta sa isang parang private room. Pagpasok namin ay iniwan kaagad kami ng nurse at may isang lalakeng medyo may edad na ang sumalubong sa amin sa loob. "Hello po, how are you?" Pagbati ni Xenon sa matandang lalake. "Good, how are you?" "I'm good." Xenon answered and smiled. "What can I do for you my niece?" Niece? Grabe mga lahing doktor pala silang lahat. "Uncle I need to find this girl." Sagot ni Xenon sabay abot niya ng picture ko. Masyado nang na-eexpose yung mukha ko sa maraming tao. "What a beautiful lady. May nahanap ka na bang susunod kay Samantha?" Tanong ng uncle niya at ngumisi naman si Xenon. "No uncle, kailangan ko lang talaga siyang mahanap sa kahit saang hospital." Sagot ni Xenon. "Okay, pero bakit sa hospital? Is she sick? A patient?" His uncle asked. "Yes... I think so, will you help me?" "Of course. You're my niece and you look like me." He said and they both chuckled. It's true magkamukha nga sila. "Thank you uncle." "No problem Xenon, marami na rin akong mga utang na regalo sa iyo simula noong bata ka pa." Kahit pala mayayaman nagkakautang pa rin ng regalo sa mga pamangkin. I guess they don't have time. "Wala yun uncle." Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti dahil hindi ako makarelate. Wala akong naalala eh. Nag-usap pa sila saglit ni Xenon at pagkatapos nun ay lumabas na kami ng hospital at nagbyahe na ulit. "Saan na tayo?" Tanong ko. "Hmm, may gusto ka bang puntahan?" "Parang meron pero hindi ko alam kung saan." Sagot ko at bigla namang ngumiti si Xenon at niliko sa ibang direksyon yung kotse. Saan kaya niya ako dadalhin? Huminto kami sa isang lugar na parang napakapamilyar sa akin pero hindi ko maalala. Pakiramdam ko lang ay nakapunta na ako dito dati. Hindi kaya may memory ako sa place na 'to? "Tara?" Tanong ni Xenon na nakalahad ang isang kamay sa harap ko. Hindi ko namalayang nakababa na pala siya at napagbuksan na ako ng pinto ng kotse sa sobrang pag-iisip ko. Hindi ko sigurado kung nasaan kami pero may isang malaking puno sa harap namin na nababalot ng magagandang ilaw at may upuan din sa gilid nun. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko. "Ayaw mo ba yung lugar?" "Hindi, maganda nga eh. Curious lang ako." "Ah, naisip ko lang na masayang tumambay muna dito sa maraming ilaw. Lagi kasing pumupunta si Samantha sa maiilaw na lugar kapag gusto niyang mapag-isa o kaya kapag malungkot siya." Pagpapaliwanag niya habang nakangiting nakatingin sa malaking puno. Si Samantha pala ulit. "Ah." Sagot ko. Umupo kami sa upuan habang nakatingin sa paligid. Tahimik lang kaming pareho at mukhang wala siyang balak magsalita kaya ako na lang ang naunang nagsalita. "Sa tingin ko nakapunta na ako dito dati." "Really? May naalala ka na ba?" "Wala pa pero parang napakapamilyar kasi talaga ng lugar para sa akin." Sagot ko. "Siguro dapat lagi tayong maghanap ng lugar na makakatulong sayo na makaalala ng kahit anong makakatulong sa atin sa paghahanap sa katawan mo." Xenon said and I just smiled. Nagtagal pa kami saglit sa lugar at nang medyo mainip na kami ni Xenon ay nagdesisyon na kaming umalis na at umuwi. Muling inilahad ni Xenon ang kamay niya para sa akin pero imbis na abutin ay itiniklop ko lang ang palad niya at naunang naglakad palapit sa kotse. Pagsakay ko sa loob ay nakita ko pa siya na parang nag-iisip. Hindi ko na rin naman kailangan yung kamay niya kapag papasok sa kotse. Kaya nga may mga multong umaangkas sa iba minsan eh. "Do you want to go somewhere?" Tanong niya. "No, uwi na lang muna tayo." "Sige." Sagot niya at sumakay na rin sa loob ng kotse at nagsimulang mag-drive. "May I play some music?" Tanong ko kay Xenon na kasalukuyang nag-dadrive. "Yes, you may." Sagot niya kaya naman pinindot ko yug button sa kotse niya para may mag-play na music. I get defensive and insecure My own worst critic Behind a closing door Tahimik lang akong nakikinig sa music habang si Xenon naman ay pasimpleng sumasabay sa kanta. Hindi ko alam na maganda rin pala ang boses niya. I'm fragile And fractured, that's for sure I burned myself down to the ground Oh, can I ask of you Sandali kong sinilip si Xenon at hindi ko inaasahang nakatingin din pala siya sa akin. Medyo nataranta ako at agad na umiwas ng tingin sa kaniya. To treat me soft and tender Love me hard and true Bakit naman kasi siya nakatingin sa akin? Kung ano-ano nanaman ang maiisip ko nito eh. Keep my heart from building walls So high, you can't get through Treat me soft and tender "Why did you look at me?" He asked na kaagad namang nagpabilis ng t***k ng puso ko. "Huh?" Tanong ko para kunwaring hindi ko siya naririnig. Ooh, can you love me like Can you love me like Can you love me like that? "Why did you look at me?" Pag-ulit niya sa tanong niya at hininaan pa yung music ng kaunti. "Wala lang." Sagot ko sa kaniya at ngumiti naman siya na para bang hindi siya naniniwala sa sagot ko. Ooh, can you love me like Can you love me like Can you love me like that? "I... ikaw... bakit ka nakatingin sa akin?" Nahihiyang tanong ko rin sa kaniya. I'll just keep repeating it In case you didn't catch me "Hmm..." Nag-iisip pa siya ng isasagot. Halatang pagtitripan nanaman ako. "Gusto ko lang sumulyap sa'yo." Sagot niya at libo-libong bultahe ng kuryente ang naramdaman ko. I don't know if it's legal for a spirit to feel this way. Ooh, can you love me like Can you love me like Can you love me like that? Can you love me like that? Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sagot niyang yun. Parang bigla akong nablangko at naubusan ng alam na salita. You see the world in colors I view it black and white Paint me a picture Out of the lines that I live in all of the time "Ngayon ko lang naisip." Pagsalita ni Xenon. "Ang alin?" Tanong ko naman. Treat me soft and tender And love me hard and true "Ang swerte ko pala kung iisipin." Sagot niya. "Why?" "Because I'm the only one who can hold your hand." Ah, I burned myself down to the ground Oh, can I ask of you to treat me soft and tender Boom double kill. Oh my gosh. Ano yun? Bakit may pa ganoon si Xenon? "We're here." Xenon said. Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse at nasa bahay na nga nila kami. Buti naman. Baka kasi himatayin na ako sa kilig kapag tumagal pa kami sa loob ng kotse niya. Pinatay na ni Xenon yung music pagkatapos niyang mag-park. Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto ng kotse at hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Pagkapasok namin ay tumakbo kaagad ako paakyat ng kwarto niya at agad na tumalukbong sa ilalim ng kumot. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng pagbukas ng pinto, ibig sabihin pumasok na siya. "Momo? Okay ka lang? May problema ba?" Tanong ni Xenon at naramdaman ko rin ang pag-upo niya sa kama. "Wala." Sagot ko. "Ang weird mo." He said. "Oo." "Huh?" "Wala." "Okay ka lang?" "Hindi." "Why?" I also wonder why I'm being like this. "Ewan." "Huh?" "I..." "Huh?" "I... I want to watch TV." Sagot ko sa kaniya. "Ah namimiss mo lang pala yung TV." He laughed. Naramdaman kong nawala na ang bigat niya sa kama. Nang silipin ko siya mula sa ilalim ng kumot na nakabalot sa akin ay nakita kong nakatayo na siya at hawak yung remote ng TV. "Cartoon network?" Tanong niya at inilabas ko naman yung ulo ko mula sa kumot at tumango. Inayos ko ang sarili ko at umupo nang maayos sa kama habang nakakumot pa rin ang kalahati ng katawan ko. Nanood lang ako habang siya naman ay nagbibihis. Tumabi siya sa akin pagkatapos. Hindi na rin naman kami naiilang sa isa't-isa. "Do you miss her?" Tanong ko. Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun nang hindi ko man lang iniisip. "Who?" He asked. "Samantha." Sagot ko. "Ah, oo naman. Why did you asked?" "Secret." Wala na akong maisip na palusot eh 'yan na lang. "Bakit naman secret?" "Secret din kung bakit." Sagot ko at ngumuso naman siya. "Ang cu... panget mo kapag gumaganyan." "Ang gwapo ko kaya." "Oo na lang." Totoo naman. Xenon's POV Momo is acting weird since yesterday pero hinayaan ko na lang. Parang may tinatago siya na ayaw niyang sabihin sa akin. Naglalakad kami sa pathway ng school ngayon kasama si Alex. Himala nga na tahimik si Momo. "Okay na kayo ni Mitch?" Tanong ko kay Alex. "Oo, grabe bro hindi ko kayang wala siya kahit isang araw lang. Na-magnet na ata buong pagkatao ko sa kaniya." Sagot niya sabay hawak pa sa puso niya. Talagang kinain na ng pag-ibig. "Na-magnet ka? Punta ka nga mamaya sa bahay ididikit kita sa ref namin." Pang-aasar ko sa kaniya at tumawa ng napakalakas. "Abnormal." "Ang cheesy mo." I said to him. "At least may love life." Pang-aasar niya rin sa akin at hindi na ako nakaimik dahil totoo naman. "Papakasalan ko na nga ata pre. Si Mitch na ang endgame ko." Alex said. "'Wag kang masyadong atat ah baka mauna yung baby bago kasal." "Siraulo. May respeto ako doon." "Sabi mo eh." Alam ko naman yun. Tiningnan ko si Momo dahil napakatahimik niya talaga at naninibago ako. Binangga ko siya ng kaunti kaya napatingin siya sa akin. Sa daan kasi siya nakatingin kanina. Wala siyang reaksyon kaya hindi ko mabasa yung iniisip niya. Kumunot noo ako sa kaniya na parang nagtatanong pero hindi niya ako pinansin at naglakad lang ulit. "Sinong tinitingnan mo?" Tanong ni Alex. "Huh? Ah, wala." Sagot ko at tumango lang siya sa akin at pumasok na kami sa loob classroom. Hinawakan ni Momo ang kamay ko sa pagpasok namin pero agad niya rin itong binitawan. Parang ang cold niya. "Guys! Announcement!" Sigaw ng class president namin kaya lahat kami ay nakaabang sa susunod na sasabihin niya. "Walang pasok!" Sigaw niya. Sandaling naging tahimik ang buong klase. Nagkatinginan kami ni Alex hanggang sa sabay-sabay kaming naghiyawan sa tuwa. "WOO! WALANG PASOK!" Sigawan ng buong klase. "Uwian na!" Sigaw pa ni Alex sabay kuha ng bag niya. "Party party!" "Wohoooo!" Sigawan pa ng iba. Hindi naman halatang masaya sila 'no? Napatawa na lang ako sa kanilang lahat at kinuha ko na rin yung bag ko at hinawakan ang kamay ni Momo. Tulala pa rin eh. Lumabas kami ng classroom at naglakad palabas ng school. Masayang walang pasok pero nakakapanghinayang yung ligo at pag-peprepare ko. Sana nag-announce nang mas maaga. "Are you okay?" Tanong ko kay Momo at tumango lang siya. Sumakay na kami sa kotse nang kumatok naman si Alex kaya binuksan ko yung bintana ng kotse. "Pwedeng sumabay sa... waaahh tang ina." Sigaw ni Alex habang nakaturo sa likod ko at nang tingnan ko ay si Momo yung tinuturo niya. "Ba't...ba... bakit naka... lu... lutang yung keychain?" Nauutal-utal niyang tanong. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Hawak kasi ni Momo yung susi ng kotse at iaabot niya sana sa akin iyon. Honestly, tawang-tawa na ako sa reaksyon ni Alex pero hindi ako makatawa dahil sa sitwasyon. Binuksan ko yung pinto ng kotse at mabilis siyang hinila papasok sa loob. "Hoy tarantado! Ayaw ko na dito." Pagwawala ni Alex sa loob ng kotse. "Hindi ka makakalabas nakalock ang pinto." Kalmadong sabi ko sa kaniya at tiningnan niya naman ako na parang maiiyak na. "Bu... buksan mo... muna! Mama!" Sigaw niya at hindi ko na naiwasang tumawa. "Makinig ka kasi muna." "Ayaw ko." "Ang oa niya." Komento ni Momo. "Ipapakain kita sa kaniya." Banta ko kay Alex at tumahimik naman siya bigla. Tsk makikinig din naman pala eh. "Hindi naman ako nangangain ah." Momo said and I chuckled. Kinuha ko yung phone ko sa loob ng bag ko at ipinakita kay Alex ang picture ni Momo. "Sino 'to?" Tanong niya. "Yung multong kasama natin ngayon." Sagot ko at muli nanaman siyang pumalag-palag sa kinauupuan niya. "Alex umayos ka nga, papasapak kita kay Mitch mamaya eh." Ano bang kinakatakot niya kay Momo? Eh wala namang ginawa ang multong yun kung hindi manood ng TV at magpasaway. "Her name is Momom" Pagpapakilala ko kay Alex kay Momo. "Tingnan mo! Kahit pangalan pablang pangmulto na." "Grabe siya." Komento ni Momo. "Hindi naman talaga yun yung name niya sadyang hindi lang namin alam ang pangalan niya kasi wala siyang maalala." Pagpapaliwanag ko kay Alex. "Kahit kung paano siya namatay?" Tanong niya. "Hindi pa ako patay 'no." Sagot ni Momo. "Hindi pa siya patay kaya kailangan niyang mahanap ang katawan niya bago sumuko kasi baka talagang mawala na siya." Sagot ko. "Pero anong itsura niya ngayon? May dugo ba sa mukha o ano?" Kakanuod niya yan ng mga horror movies. "Syempre wala, maputla lang siya pero yan pa rin ang mukha niya." Sagot ko sabay turo ulit sa picture ni Momo sa cellphone ko. "Kaya pala ang weird mo raw these days sabi ni tita." Nakakahalata na pala si mommy. "Yeah, do you want to help us o mumultuhin ka ni Momo mamayang gabi." Tanong ko at muli nanamang namutla si Alex sa takot "Tang ina yan pre." Pagrereklamo niya at pareho kaming napatawa ni Momo. "Ano nga? Mamili ka." "Yung choices mo parang wala pa rin akong choice eh." "Ano nga? Sagot na. Nagagalit na yung multo. She's staring at you right now." Pananakot ko sa kaniya lalo. "Tu... tutulong! Tutulong ako. Basta paalisin mo na muna ako dito." Pautal-utal niyang sabi. "Okay, bye." Sagot ko at tinanggal ko na yung pagkaka-lock ng pinto ng kotse. "Ta... tabi tabi po!" Sigaw niya pa bago nagmadaling lumabas at tumakbo palayo. "Okay lang ba na sinabi natin sa kaniya?" Tanong ni Momo. "Yeah it's fine. Matagal ko nang kaibigan si Alex at hindi rin naman yun ganoon ka tsismoso." Medyo lang, minsan. "Sige sabi mo eh." "Bakit pala ang tahimik mo kanina?" "Iniisip ko kasi yung panaginip ko kagabi tungkol sa pinuntahan nating lugar." Pagpapaliwanag ni Momo. "Mauna ka na pa lang umuwi okay? Ihahatid lang kita sa loob ng kwarto at wag kang aalis doon." "Aalis ka?" Tanong ni Momo at tumango lang ako. "Saan ka naman pupunta?" "May bibilhin lang." Sagot ko pero ang totoo ay babalik ako sa lugar na yun at magtatanong-tanong. Baka lang may kung anong information akong makuha na pwede naming magamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD