Chapter 2

2423 Words
Momo's POV Kanina pa ako nanonood ng TV dito at medyo bored na ako. Ang tagal naman kasing kumain ni Xenon. Nalaman ko yung name niya kasi binanggit ng kaibigan niya kanina. Tumayo ako mula sa kama at naglakad-lakad sa loob ng napakalaki niyang kwarto. Sa paglilibot ko ay una kong napansin yung picture na nakaframe sa bedside table niya. Picture yun ng isang babae. Mahaba ang buhok niya, maputi and she looks like an angel. Ang ganda kasi ng ngiti niya. Girlfriend kaya siya ni Xenon? Kasi nakita ko na rin naman yung kapatid niya at mukhang dalawa lang silang magkapatid. Maybe I'll just ask him later after he finished eating. Madami pang ibang magagandang gamit si Xenon pero ayaw ko nang makialam pa ng iba niyang mga gamit dahil baka magalit siya sa akin kaya umupo nalang ulit ako sa kama niya at muling nanood ng cartoons. Wala naman akong choice kung hindi antayin siya. Ang sarap sa loob ng kwarto niya, napakakomportable and it also smells so good. Halatang palaging nalilinis. Maya-maya pa ay naramdaman kong papasok na si Xenon kaya naman hinawakan ko kaagad yung picture ng babae paharap sa kanya. Pagkapasok at pagkakita niya sa akin ay para bang nagulat siya. "Sinong nagsabi sayong pakialaman mo 'yan?" Halatang galit niyang tanong. "Oh I'm sorry, nagandahan lang ako sa kaniya kaya gusto ko lang sana itanong sayo kung sino siya" "It's none of your business" Masungit niyang sagot at kinuha sa akin yun picture ng babae. Pinunasan niya pa yung picture bago binalik sa kinalalagyan nito kanina. "Hey don't be so mad. Gusto ko lang naman itanong eh." Hindi niya ako pinapansin. Tsk, kung hindi lang siya yung nag-iisang nakakakita sa akin, umalis na ako dito kanina pa. Hindi ako magtitiis sa isang masungit na katulad niya kung hindi lang kailangan eh. I wonder why he is the only one who can see me. "Girlfriend mo ba? O kapatid niyo? Pinsan? Bestfriend?" Tanong ko ulit sa kaniya. "Pwede bang 'wag kang maingay!" Sigaw niya kaya nakaramdam ako ng kaunting takot. "So... sorry hindi ko na..." "Enough." Pagputol niya sa sasabihin ko pero hindi tulad kanina ay mahinahon na ang tono ng boses niya. Why is he getting so mad about that girl? "Sungit." Bulong ko. "What?" Masungit niyang tanong pero hindi na ako nagsalita pa ulit. Humiga siya sa sofa at ipinikit ang mga mata niya kaya naman humiga na lang rin ako ulit sa kama at nanuod dahil wala naman akong ibang pwede pang gawin dito. Xenon's POV "Xenon." Pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. "Xenon." Lumingon-lingon ako sa paligid ko. Nasa isang lugar ako na hindi ko sigurado kung saan. Patuloy at walang hinto akong tinatawag ng boses at sa paghahanap ko ay napahinto ako nang makita ko kung sino ang taong tumatawag sa akin. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko na para bang kinakabahan ako. "Sa... Samantha?" She's just standing there, looking and smiling at me. Sobrang layo niya sa akin so I started walking but with each step I take seems like I'm not getting closer to her even just a little. I don't understand why. I started running but it's still the same. It feels like I'm stuck at hindi makaalis sa pwesto ko. "Samantha!" I shouted but she just smiled at me again and then she started walking away. "WAIT! NO SAM! WAIT FOR ME!" Sigaw ko sa kaniya at mas binilisan pa ang pagtakbo. Habang bumibilis ang pagtakbo ko ay unti-unti akong nakakalapit sa kanya. Mabilis ko nang hinahabol ang paghinga ko para lang maabot ko ang mga kamay niya pero nang mahahawakan ko na ay bigla naman siyang nawala na parang bula. "Sam!" I shouted and suddenly, I realized that it was just a dream. I woke up feeling sad and confused. Hindi katulad dati ay minsan ko na lang siya mapanaginipan and everytime I dream of her, I feel so sad. I even cry sometimes. I miss her so bad. "Xenon! I... help me." Agad akong napalingon kay Momo at nang tingnan ko siya ay nagulat ako nang makita ko siyang namimilipit sa sakit. Nakahawak siya sa dibdib niya at nakahiga na sa sahig. "Momo!" Nag-aalala at natatarantang paglapit ko sa kanya. "Xe... Xenon." Shit! I don't know what to do. "Anong nangyayari? What should I do?" Tanong ko pero hindi na siya nakasagot pa kaya mas lalo akong natakot. She's also breathing heavily. "Shit." I touched her hand at para bang nakaramdam ako ng kaunting init doon. It's still cold but a little warmer kaysa noong unang beses ko 'yong nahawakan. I have no idea what's happening so I don't know how I will help her. "Momo, wait for me okay?" I said to her. Nagmamadali akong tumayo at dinampot ang susi ng sasakyan ko. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa at nagmamadaling lumabas. I can't stay there with her and watch her in pain. Mabilis akong nagdrive paalis at nang makarating ako sa lugar ay sandali akong napahinto. Pagkababa ko pa lang kasi ay kaagad na akong kinilabutan. I stopped at a very old shop near our place. The shop is pretty weird to me because it's a shop that sells charms and stuff for ghost, spirits, or whatever you call them. It's my first time going here. It's not like I don't believe in ghosts because I live with a ghost now. It's just I don't give a s**t about those things. My mom and dad used to warn us not to go here noong mga bata pa kami kasi kahit sila ay medyo natatakot dito pero kailangan kong pumunta para kay Momo. "Excuse me, sorry but I really need your help can..." "Wala tayong magagawa sa nararamdaman niya. Pinagdadaanan 'yan ng lahat ng mga espirito na katulad sa sitwasyon niya." Pagputol ng isang matandang babae sa sasabihin ko. I think she's the owner of this shop. "Po?" Tanong ko. I'm confused, how the f**k did she know about what I am going to say? Does that mean she's really legit? "Heto, ibigay mo na lang sa kaniya 'yan upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya." Medyo naguguluhan ako nang kaunti sa sinasabi niya pero tinanggap ko na lang 'yong bracelet na bigay niya. "Thank you. How did you know lung bakit ako nandito?" Tanong ko pero ngumiti lang siya kaya mas kinilabutan ako. "You seem to know a lot of things. So, I would like to ask... is she still alive?" Tanong ko at nakangiting tumango siya. Momo really knows that she's still alive. "Kaya niya nararamdaman ang sakit sa dibdib niya ay dahil nararamdaman niya ang katawan niya pero..." "Pero?" "Kailangan niyo nang magmadali at hanapin ang katawan niya. Sa nakikita ko, ang sakit na nararamdaman niya ay isang babala na malapit na ang oras." "You mean, she's about to die?" Pagkompirma ko at muli nanaman siyang tumango. "Then, can you help us find it?" Tanong ko ulit pero umiling siya. I want to ask her more questions but Momo is in pain right now kaya kailangan ko nang makabalik agad. "Thank you." I said and she just smiled at me. I don't know how much the bracelet is kaya nag-iwan na lang ako ng isang libo sa parang counter ng shop at nagmadali nang lumabas. Pumasok ako sa loob ng kotse at nagmamadaling nag-drive pabalik bg bahay. Pag-uwi ko ay tumatakbo akong bumalik sa kwarto pero pagkabukas ko ng pinto ay napanganga ako nang madatnan ko si Momo na nanonood nanaman ng TV. "What now?" Ayos ah, parang walang nangyari. But I guess that's better than to see her still struggling in pain. "Oh andyan ka na pala, nawala na 'yong sakit oh." Sabi niya sabay turo sa dibdib niya. Medyo bumalik na rin yung sigla ng boses niya pero kagaya ng dati ay maputla pa rin siya. "Wear this at 'wag mong tatanggalin." Iniabot ko sa kanya yung bracet na binigay sa akin ng matandang babae kanina. Simpleng puting bracelet 'yon na may kakaibang pendant sa gitna. "Para saan 'to?" Tanong niya habang tinitingnan pa yung bracelet. "Just wear it, okay?" Ang dami namang tanong ng multong 'to. I have no energy to explain, sobrang nagmadali talaga ako kanina. "Okay, thank you." Nakangiti niyang sabi. "Mag-prepare ka na papasok tayo." "Woah really?" "Oo nga. Bilisan mo mag-peprepare na rin ako." I need to go to school now even though I don't want to. Pumasok ako sa bathroom at nag-toothbrush, hilamos at nag-apply ng kaunting skincare. Naligo naman na ako kanina kaya inayos ko na lang ang buhok ko at nagsuot ng uniform. Sa paglabas ko ay si Momo naman ang pumasok to, I guess, prepare. I don't know how ghosts prepare but I guess I will see. Inantay ko siya at wala namang masyadong nagbago sa itsura niya, mukhang nagsuklay lang dahil medyo magulo tingnan ang buhok niya kanina. "You good?" Tanong ko at tumango siya. Kinuha ko yung bag ko na halos walang laman at umalis na ng bahay kasama si Momo. "Hey look, okay lang ba ang itsura ko?" Agad na tanong ni Momo pagkababa namin ng kotse at umikot-ikot pa sa harap ko. "Para namang may iba pang makakakita sayo liban sa akin dito sa school." Pabulong na sagot ko sa takot na pagkamalan akong baliw na nagsasalita mag-isa dahil maraming tao sa paligid. "Malay mo, meron ditong may third eye katulad mo so dapat I always look presentable." "Eh bakit hindi ka presentable nung nakita kita sa mall?" Biro ko. Maayos naman talaga yung itsura niya sadyang trip ko lang siyang asarin. "Grabe ka." Nakanguso niyang sabi ay inirapan ako. "You look good." Mahina kong sabi at nagsimulang maglakad, alam ko namang sumusunod siya sa akin kasi ramdam ko yung malamig niyang presensya sa likod ko. Sa paglalakad namin ay napahinto kaming pareho nang may madaanan kaming isang locker na tadtad na sticky notes, stickers, at mga nakasabit na bulaklak. Lumapit ako sa locker para mas makita ng maayos yung mga nakalagay at ganon din si Momo. "We miss you." "Get well soon leader para makasali pa tayo sa championship." "We miss you girl." "Bumalik ka na ng school." "I miss you... I'm so sorry." Ilan lang 'yan sa mga nakasulat. Masyado kasing madami, 'yong iba nga natatabunan na eh. Mukhang sikat na sikat 'yong may-ari ng locker. "Anong kayang nangyari?" Momo asked. Sakto namang may babaeng dumaan so I asked out of curiosity. "Excuse me miss." "Yes?" "Um, anong nangyari rito? I'm new." Tanong ko sabay turo ko sa locker. "Ah that locker? Kay Clara 'yan, pinakamagaling na cheer dancer. Actually, siya nga yung leader s***h master dito sa school kaso last week nasagasaan siya kaya ayon." Sagot ng babae. "Kawawa naman siya." Komento ni Momo habang nakatingin sa mga nakadikit sa locker. "Ah I see, thank you." "Hindi mo ba tatanungin number ko?" Wow, she's shameless... I mean confident. "No, thank you." I said and she left. Muli akong tumingin sa locker niya to find some picture pero mukhang wala. Poor Clara, whoever she is. I looked at Momo and I saw her touching her chest kaya nag-alala nanaman ako. "Masakit nanaman ba?" "No, I mean, I feel hurt but emotionally and I'm not sure why." "Maybe you just feel bad for her." I feel bad for her too, it seems like many people really love her. "Let's go." Momo said so we started walking again. Nang malapit na kami sa classroom ay hinawakan ko ang kamay niya at ipinasok yun sa bulsa ng pants ko because she needs to hold my hand everytime we enter a door. Nang papasok na sana kami ay may tumawag sa akin na isang lalake na sa tingin ko ay teacher based on his appearance. "The new student?" Tanong niya at tumango ako. "Mr. Xenon Castillo?" Tanong niya ulit at tumango lang ulit ako. "I'm Mr. Suarez, your adviser for this 2nd semester. Nice to meet you, Mr. Castillo." He said and offered his right hand to me. "Nice to meet you." Sagot ko at nakipagkamay sa kanya. "Stay here. Pumasok ka lang kapag tinawag na kita, okay?" "Okay po." Sagot ko at nginitian niya ako at nauna nang pumasok sa loob ng classroom. "Mukhang mabait siya." Komento ni Momo. "Yeah, I think so." Mukhang swerte ako sa adviser ko ngayon. Noong first semester kasi sa states ay hindi ko nagustuhan mostly of my teachers. Palagi lang akong nakikipaglaban sa antok everytime we have a class. "Okay everyone, please sit down to your proper seat and listen to me." Rinig kong sabi ni Sir Suarez mula sa loob ng classroom. "Good afternoon everyone!" Woah he's so high in energy, I like it. "Good afternoon sir!" The students replied with the same energy. "Okay everyone. Today, may bago kayong classmate. Please be nice to him dahil galing pa siyang states." "Woooow." Rinig kong sabi ng ibang students. Pasimple akong sumilip sa pinto at nakita kong madami rin palang students sa loob, siguro mga nasa 22. "Sir, girl po ba or boy?" A guy student asked. "Sadly for you Jackson, it's a boy" Sir Suarez said at nagtilian naman 'yong mga babae. "Shh, everyone please be quiet." Pagsaway ni Sir Suarez sa mga babae at tumahimik naman sila kaagad. "Mr. Xenon Castillo, please come in." As Mr. Suarez said, I enter the class with Momo. They all looked shocked when they saw me and I hope for a positive reason. "Model ka po ba?" "Anong height mo?" "May girlfriend ka na?" "Bakit ka lumipat dito?" Sunod-sunod nilang tanong pagkapasok ko. "Guys, please let him speak." Sir Suarez said. He's so gentle to his students. "Hi, I'm Xenon Castillo, 19 years old. Nice to meet you all." Pagpapakilala ko at muli nanaman silang nag-ingay. "Okay Xenon, siguro doon ka na lang umupo sa bakanteng upuan sa gitna." Naglakad ako papunta sa direksyong itinuro niya at umupo. Some students are still looking at me so I feel a little awkward. "Dito na lang ako sa isa pang bakanteng upuan." Momo said at pasimpleng tumango lang ako. May isa pang bakanteng upuan sa tabi ng upuan ko, saktong-sakto ata talaga para sa kanya. Hindi muna nagsimula ang klase because Sir Suarez started asking me questions about myself which I'm okay with because the questions are comfortable to answer then after that he started discussing the subject and I never felt sleepy the whole time. So far, a pretty good start for my first day of school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD