Xenon's POV Hindi na nag pasundo si Momo sa akin ngayong umaga kaya dumiretso na ako sa school. Gusto raw kasi syang ihatid ni tito ngayon para naman daw makabawi sa kanya. Si Naomi naman ay sumabay na kay Kenjay kanina. Pagkapark ko ng kotse ay bumaba na ako kaagad at nag lakad papunta sa classroom. Paniguradong nandun na si Momo pati si Alex. Medyo nagpalate ako eh. Pagpasok ko sa classroom ay naabutan kong nagchichismisan sila Momo at Alex. Umupo ako sa pwesto ko at lumapit sa kanila. "Anong pinag uusapan nyo?" Mukang masaya ah, hindi man lang ako napansin na dumating na eh. "Oh, you're here!" "Hmm, anong pinag uusapan nyo?" Tanong ko ulit. "Pagkain" Anong nakakatawa sa pagkain? "Eh bakit kayo tumatawa?" "We are not laughing" Alex said. "We are just so excited na mag re

