SIMULA

1505 Words
SIMULA: Papalapit pa lang ako ay kita ko na ang ngisi ng aking mga kaibigan para sa akin. I missed them so much, nakakamiss 'yong mga kalokohan namin. 'Yong pagkakita ko pa lang sa mukha nila ay natatawa na ako, para bang nakakapag-usap kami gamit ang aming mga mata. Nakangising nilapitan at nanggigigil na niyakap ko silang dalawa. "Na-miss ko kayo!" natatawang wika ko. Kahit pa araw-araw naman kaming nagkaka-chat at usap ay iba pa rin kapag kasama sila sa personal. "Oo nga! Parang dalawang linggo lang ang bakasyon natin, ang bilis pero nakakatamad naman sa bahay," komento ni Lisa sabay palo sa aking braso, ang bigat talaga ng kamay ng isang 'to. Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa University. May ilang pamilyar na mukha pa akong nakita. "I watched anime the whole two weeks." Natatawang kwento naman ni Alice. Well, that's not new. Sila ang mga naging kaibigan ko rito sa school, nasa third year college na kami. Last sem na bago kami tumuntong ng impyerno—este fourth year college. Transferee lang ako rito last sem pero nakasundo ko na sila kaagad dahil hindi naman sila mahirap pakisamahan. Siguro tama nga sila, na kung ano ang barkada mo ay gano'n ka rin? Well, I can say that we are crazy. "How about you, Sascha?" Baling sa akin ni Lisa, kumapit pa siya sa kanan kong braso habang patuloy kami sa paglalakad. Ngumuso ako habang nililibot ang paningin sa mga kasabay namin naglalakad sa quadrangle. "Nothing, natulog lang ata ako buong bakasyon. Pakiramdam ko nga ay pagod pa rin ako kahit kakagising ko lang." Humalakhak ako sa sarili kong sinabi. Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang makarating kami sa aming room sa second floor ng Education Department. Room 202. Naabutan namin na nagbabatian ang iba naming kaklase, pamilyar na sa akin ang mukha nila dahil sila rin naman ang kaklase ko last sem. Wala pa kaming sitting arrangement kaya naman sa dating gawi dumiretsyo kami ng mga kaibigan ko sa dulo kung nasaan si Kevin. My gay friend. Actually apat kami, ako, si Alice, Lisa at Kevin. Ang bakla ay histerikal na bumeso pa sa amin. "Mga baks! Namiss ko kayo!" Tili niya. Natawa ako sa reaksyon niya lalo nang pisilin niya ang braso ko sa gigil. Lima ang upuan sa isang line kaya may sobrang isa sa gilid ko sa kaliwa, nasa kanan ko si Lisa kasunod si Alice at Kevin. Ang ingay sa room namin, para bang isang taon namin hindi nakita ang isa't isa. Kahit na halos wala pang dalawang linggo iyon dahil nagpapirma pa kami ng clearance. 'Yung bakasyon namin ay nakain ng pagpapa-enroll. Dumating ang unang professor namin at katulad noong nakaraan semester ay pinakuha kami ng index card at nagpakilala kahit pa alam na namin ang isa't isa dahil nga bago ang teacher namin. Nasa kalagitnaan kami ng klase ay may kumatok sa bahagyang nakasarang pintuan kaya naman lahat kami ay sabay-sabay na napalingon doon. "Good morning, Miss." Kaagad akong siniko ni Lisa, kaagad kong nakuha ang gusto niyang mangyari. Bahagya akong sumilip sa bagong dumating. Rinig ko ang bulungan ng iba kong kaklase sa lalaking nasa pintuan. Over acting naman na napasinghap si Kevin kaya natawa ako. "Gagi!" natatawang wika ko. Kaagad ko rin naitikom ang aking bibig dahil napatingin ang professor namin sa akin pati ang lalaking bagong dating. Nakakahiya! "Yes?" patanong na wika ni Miss. "I'm sorry for being late Miss, I belong to this class," seryoso ang mukha ng lalaki. Alright, matangkad siya at bahagyang nakataas ang buhok. Malinis tingnan, hindi pa kami naka-uniform kaya nakasuot siya ng itim na shirt at jeans. "Why are you late? Hindi mo ba alam oras ng klase niyo?" medyo masungit na tanong ng aming guro. Hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "I'm a transferee student. I had a hard time to find the education department building. I'm sorry." Tumango naman si Miss bago tinuro ang loob ng classroom. "Okay, don't be late next time, but before you sit kindly introduce yourself in front." Tumango ang lalaki, napanguso ako dahil natatawa ako sa mga kaklase ko na tuwang-tuwa makakita ng bagong mukha. "Good morning, I'm Daryl. I'm 19. Nice to meet you." "That's it?" "Yes." "Alright, find your seat." Nakita ko inilibot niya ang paningin sa buong klase bago ito huminto sa katabing bakanteng upuan ko. Kaagad akong siniko ni Lisa nang maglakad ang lalaki papunta sa amin. "Palit tayo! Palit tayo!" gigil na wika ni Lisa, si Alice naman ay inayos pa ang suot na salamin. Napalingon ako kay Kevin at naabutan ko siyang nakatingin sa pantalon no'ng Daryl kaya wala sa sariling napatingin din ako roon. Sakto naman huminto sa tapat namin si Daryl para mag-excuse at dumaan dahil nasa tabi ng pader ang bakanteng upuan. Naabutan niya akong nakatingin sa gitnang pantalon niya kaya nag-iwas tingin ako. Oh my! Nakakahiya leche! "Excuse me." Kunot ang kaniyang noo. "Oh sure! Sure! Oh excuse raw sabi ni Pogi mga bakla!" malanding usal ni Kevin. Hindi na ako ulit tumingin sa kaniya nang dumaan siya sa aking harapan at naupo sa akin tabi. Nagtuloy-tuloy ang aming klase na parang walang nangyari, paminsan-minsan ay tumatama pa ang siko niya sa akin. Nagkaruon kami ng kinse minutos na break bago ang sunod namin na klase. "Anong sunod natin subject?" tanong ni Alice. "ENG09 tayo, Mythology and Folklore," sagot ni Kevin. Bahagya akong yumukod sa lamesa ni Lisa para kausapin sila, "Sinong teacher?" "T.D lang nakalagay e." Nagkibit-balikat ako. Oh, well. Umayos ako ng upo, bahagya kong sinulyapan si Daryl sa aking tabi na naka-earphone at nakapikit. May sariling mundo? Nawala ang pag-iisip ko roon nang nagsipasukan ang mga kaklase kong nakatambay sa labas. Nagsiayos sila ng upo kaya tumuwid din ako ng pagkakaupo. Nagbulungan ang ilan sa babaeng kaklase ko nang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng puting long sleeves na nakatupi hanggang siko. He had tousled dark brown hair, which was thick and lustrous. His eyes were a mesmerising deep brown black. He had prominent cheekbones and a well-defined chin and nose. "Good morning, class," his voice was deep with a serious tone. Seryoso ang kaniyang mata, blanko ang mga iyon. Napatulos ako sa kinakaupuan ko. Narinig ko mahinang pagsinghap ng aking mga kaibigan dahil sa lalaking nasa harapan namin. "Goooood morniiiiiiing Siiiiiiir!" mahabang bati ng mga kaklase ko habang hindi ko naman nagawang ibukas ang aking bibig. "Ang gwapo!" bulong ni Kevin. Pakiramdam ko ay anumang oras ay hihimatayin siya. Oh okay, that's exaggeration. Nanuyo ang lalanunan ko nang ilibot niya ang kaniyang paningin sa buong klase. Nang magtama ang aming mata ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi ko naman alam kung anong itsura ko. Mukha ata akong espasol na patatas. Bakit siya nandito? He should be on Quezon now! Oh God! "Call me Sir Travis. I'm your professor for Mythology and Folklore. Kindly get one half index card. Write your full name, where part of earth did you came from, your phone number and your guardian number incase you are kidnap or run away with your lover," matigas na usal niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Dapat ba kaming tumawa? Talaga naman nakakaintimida lalo na't pinapasadahan niya kami ng tingin lahat habang nagsasalita. Nagmamadali ang mga kaklase ko na kumuha ng index card. Nanginginig naman ang aking kamay na kumuha rin dahil hindi ko pa tuluyan napo-proseso ang nangyayari, bahagya pa akong napaigtad ng kalabitin ako ni Daryl. Napalingon ako sa kaniya, bahagya siyang nakadungaw sa akin, bahagyang nakanguso. "May I borrow one index card?" tanong niya at nag-iwas tingin. Nahihiya ba siya? Napakurap-kurap ako. "A-Ahm sure . . ." Inabutan ko siya ng dalawa kung sakaling magkamali siya. Paglingon ko sa harap ay nakatingin sa gawi namin ang professor namin! Kahit kinakabahan ay pilit kong ginawa ang pinapagawa sa amin. Nang maipasa ang card ay isa-isa niya iyon binasa para bang tinatandaan niya ang mukha namin. "Lisa Montero," tawag niya kay Lisa na katabi ko. "Sir! It's me!" Nakangiting wika ni Lisa na nagtaas ng kamay. Kinabahan ako dahil ako ang kasunod ng papel na iyon, siguardo ako. "Sascha Gayle De Vega." Nanuyo ang lalamunan ko, kumalabog ang dibdib kong flat. Siniko ako ni Lisa dahil hindi ako nagtaas ng kamay. "De Vega," madiin ulit niya sa aking apelido. Kinagat ko ang ibabang labi bago itinaas ang kanan kong kamay na nanlalamig. "S-Sir." Nakita ko tinitigan niya ako sandali bago pinagkrus ang sariling braso sa harap ng kanyang dibdib. "Are you not proud of your surname De Vega?" he asked with a serious tone. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko ang paglipat-lipat ng mata ng mga kaklase ko sa amin. "A-Ahm . . . H-Hindi po sa gano'n S-Sir," sagot ko. Tumango siya, kita ko na bahagya tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago magtuloy sa pagtawag ng pangalan. Bumagsak ang mata ko sa arm rest ng aking upuan. What should I do now? My husband, Travis Klaus De Vega is my professor. Oh God! ____________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD