C16 YTOOFM Pagkatapos namin mag-dinner ay sinamahan na ako sa isang maid sa isang guest room, hindi pa sana ako aakyat dahil nakakatuwang ka-kwentuhan ang lola ni Calvin, pero kailangan ko nang magpahinga para sa business meeting namin bukas. Napatingin naman ako sa paligid sa room dahil parang lalaki ang may-ari nito. Mula sa design at kulay ng pintura at kurtina. Naisipan ko namang tawagan ang mga kapatid ko, dahil baka nag-alala na sila sa akin. Kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Sarah sa pamamagitan ng video call. “Ate!” tuwang sagot niya habang nasa harap siya sa camera. “Kumusta kayo diyan?” ngiting tanong ko sa kanya. “Okay lang kami Ate,” “Nasaan ang Kuya mo?” tanong ko ng hindi ko makita si Mark. “Nandito ako Ate,” ngiting wika niya. Napalingon naman ako sa pinto

