C22 YTOOFM ALEXA POV Hindi ko mapigilang magtaka habang nakatingin sa labas ng mansion ng makita ang maraming sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang meron sa bahay namin ngayon at kung bakit sila nag sasaya ng ganito. Nang binuksan ni Calvin ang pinto ng kotse ay agad na akong bumaba habang inalalayan niya ako. taka namang napatingin sa amin ang guard. Nang tiningnan ko siya ay mabilis niya rin binuksan ang gate. Nasa labas lang kasi ang kotse ni Calvin dahil ayoko’ng ipasok pa niya ito. Habang naglalakad kami papasok sa loob ay napatingin naman sa amin ang mga tao na naririto. Nakilala ko naman sila at halos lahat sila ay mga kamag-anak namin. “Why are you here? Did I invited you?!” galit na wika ni Mommy habang papalapit na siya sa akin. “Hindi ako narito para maki-party,” bakas sa m

