C11 YTOOFM Nang mabuksan ko ang office ni Daddy ay bigla akong napahinto ng makita si Calvin na nakaupo kaharap ni Daddy. Napalingon naman sila sa akin kaya agad akong nagbawi ng tingin sa kanya, dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi. Alam ko kasing kasalanan ko ‘yon. Dahil kahit alam ko na ang akala niya sa akin ay si Alexis ay hinayaan ko pa ring magpatangay sa kanya. “Lexa, I want you to know that Calvin’s management is over so you will take care of your hotel again,” wika ni Daddy sa akin. hindi ko rin mapigilang masaktan dahil sa kanyang sinabi. Aalis na pala siya at babalik na sa Maynila. Siguro na disappoint siya ng malaman niyang hindi ako si Alexis. “O-okay Dad,” mahinang sambit ko kay Daddy habang nakayuko. “And have you forgotten what I told you?” Mabilis naman akong

