Inutusan ko ang isa naming tauhan na bumili ng mga gamot at sunblock na kailangan ni Linnea. Lumakad ako papunta sa study. Tinanong ko ang isang maid kung nasaan ang aking kapatid. Kaya naman pinuntahan ko siya sa study. Kumatok ako sa pinto at binuksan ko ito. Nadatan ko siyang nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa laptop. Wala naman siyang ginagawa at nakatitig lang doon. Sinara ko ang pinto at lumapit ako sa kanya. “What the hell, Cazpian? Bakit mo naman pinagsalitaan si Linnea ng gano'n?" inis kong sabi sa kanya. Hindi ko nagustuhan ang ginawa ng kapatid ko kanina. Our stepbrother’s daughter was really burnt. Pulang-pula na ang maputi nitong balat. Awang-awa ako nang makita ko siya kanina. Parang nakokonsensya rin ako dahil nangyari ito sa dalaga. We shouldn't have pushed her too h

