Episode 1: The Perez

1129 Words
Ryko Ironne Perez Kasalukuyan akong nandito sa garden at inaayos ko ang mga halaman ni Lola. Mga rare blue rose na talagang inaalagaan ko kasi rare lang talaga siya. Iilan lang sa mga lugar dito sa Pilipinas ang makikita mong may ganitong tanim kasi kung gusto mo talagang tumagal ang mga ito ay kailangan mong alagaan. Nahinto lang ako ng dumating si Kuya Niko na may suot na sobrang iksing short. Dinaig pa yata nito 'yong mga dancer sa Wowowin. "Sobrang gwapo na ba ng kuya mo?" Full of confidence niyang tanong sa akin at may sumilay pa na ngisi sa mukha niya.  Inirapan ko siya dahil masyado na yatang lumalaki ang ulo ng mokong na 'to. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko nang dumating na naman si Kuya Max na naka-boxer. Seriously? Anong meron ngayon at nandito silang lahat sa mansion? Sa pagkakaalam ko may mga trabaho silang lahat. "Aba! Anong nakain natin pinsan at na isipan mong ayusin ang garden ni Lola?" Tanong niya at umupo sa coffee table na kasama si Kuya Niko.  Umirap ako sa kawalan dahil baka kapag sumagot ako ay pagtulungan ako nitong dalawa. Sa sobrang lakas nilang mang-asar baka bigla akong maiyak. Hindi nagtagal ay dumating naman si Kuya Lio. As expected, naka-boxer short din siya at nakisama sa kanila kuya sa coffee table. Seriously? Anong meron at ganito ang mga ayos ng mga mokong na 'to? Pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko nang dumating naman si Kuya Miko na naka suit at galing pa yatang opisina. "What the heck?! NIALL NIKO PEREZ!" Sigaw ni Kuya Miko na naging dahilan para mapatayo silang tatlo sa sigaw nito na kahit ako ay nagulat sa pagsigaw nito. "Bakit mo hinayaang magbungkal si Ryne?!" Sigaw niya ulit.  Si Kuya Niko naman ay parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha. Itong mokong na 'to.  Makakatikim ka ngayon kay Kuya Miko.  Sa kanilang lahat si Kuya Miko ang pinaka-overprotective sa akin. Kahit sila rin naman kaso iba si Kuya Miko kasi para sa kanya isa akong bagay na hindi dapat masaktan at masira o 'di kaya marumihan. He always treated me like a gem. Si Kuya Miko ang masasabi mo na the best Kuya dahil sa ugali niya. "Eh?" Hindi naman alam ni Kuya ang sasabihin niya kaya pumunta agad siya sa akin at kinuha ang shovel sa kamay ko. "Kahit saang parte ako mapunta laging kinakawawa ang kagwapuhan ko. Saang parte ng Earth ako lulugar?" Natawa naman ako sa sinabi niya.  Alam kong biro lang para sa kanya 'yon pero hindi ko maiwasan na hindi mapaisip na baka may problema siya kasi kadalasan ngayon kung sino 'yong mga tumatawa at ngumingiti kadalasan sila 'yong may pinagdaraanan. "Kayong dalawa! Ano tinitingin-tingin niyo?" Sabi ni Kuya Niko sa kanila Kuya Lio kaya ang dalawa mas mabilis pa sa alas kwarto na kumuha ng gardening tools.  Natawa naman ako sa mga ginawa nila kahit ganito lang ang mga ugali nito alam kong mababait sila at hindi sila mananakit ng mga babae. "Come here. Let them do that." Sabi ni Kuya Miko at hinila ako papunta sa coffee table. Tinanggal ko na ang gloves ko at nilagay sa gilid. "I'm going to change my clothes first. Wait for me here." Tumango na lang ako sa sinabi niya.  Iyong tatlo naman ang nagpatuloy sa ginagawa ko. I can't wait to see my cousins and Kuyas na ginagawa ito sa mismong bahay nila kasama ang asawa at mga anak nila. Dumating naman si Kuya Miko kasama si Ate Shellene, Kuya August at Angelo. Si Ate Shellene ay naka dress lang na above the knee and si Kuya August naman ay naka-boxer short lang at si Angelo na naka simpleng shorts lang at T-shirt. 'Di tulad ng apat na nilalang na Kuya ko na puro nakaboxer shorts at T-shirt. Si Kuya Niko naman ang parang takas sa mental ang suot. Si Kuya Miko at Angelo na lang yata ang matino. "Wow! Maaga bang na tae ang apat na 'to at naisipan na tumulong dito kay Ryne?" Bungad ni Ate Shellene kaya napatigil ang tatlo sa ginagawa nila. "Ow! Naka boxer shorts din pala kayo? Sino ang may pakana ng pakulong 'to?" Nagtatakang tanong ni Angelo.  Si Angelo ang pinakabunso sa amin lahat. He's turning 15 next year while si Kuya Miko at Ate Shellene ang pinakamatanda sa lahat. Mga nasa 29 na sila. Si Kuya August and Niko ang magkapareho na 28, si Kuya Lio ay 27 then si Kuya Max ay 26, Then I'm 24. "Kung sino man siya masyado siyang gwapo para magpakilala sayo, Angelo." Asar ni Kuya Niko sa kanya pero ang suplado naming Angelo ay umirap lang.  Hindi ko alam kung lalaki ba talaga 'to o binababae dahil sa mga kilos niya na hindi mo maintindihan. Minsan sa aming lahat siya itong pinakamaarte na ayaw ng ganito at ganyan pero our Angelo is the most angel in us dahil sa ugali niyang sobrang malambing. Nagtawanan naman kami sa inasta ni Angelo. Nagtipon-tipon kaming lahat sa coffee table nang damating si Lolo. He's our father's Dad.  He's in 60+ at nag retired na siya sa pagiging CEO pero ipinasa naman niya ito kay Kuya Miko. Our Dad's have their different company but this Perez Industry ang mas kailangan tutukan dahil sa kay Lolo ito, kaya si Kuya Miko ang umako nito. Si Kuya Niko naman ay tine-train ni Papa para maging CEO na rin. "Hello, Lo." Sabay-sabay naming sabi, he just smiled.  That warm smile na lagi kong gustong makita. Hindi na siya ganoon kalakas na katulad ng ibang matatanda. My Lolo is now weak dahil na rin siguro sa mga nagawa niya noon ng bata pa siya. He sat down in front of us. Maliit lang ang coffee table kaya sila Kuya Niko ay mas pinili na lang na tumayo sa likuran namin. "It's good to see na nandito kayong lahat. Medyo nakakabagabag lang ang mga pananamit niyo." Sabi ni Lolo sabay turo sa kanila Kuya Niko. Nakita ko naman ang mga ngiwi nila pero si Kuya Niko lang ang nakangisi. "Alam mo naman Lo na sa lahi natin walang pangit 'di ba? Kailangan naming mga lalaki na i-maintain ang mga porma at tindig namin lalo na sa kakisigan kahit na nandito lang kami sa bahay." Reason out ni Kuya. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Lolo. "Nakuha ko ang punto mo, Apo. Ano pa nga ba at tinawag kayong Perez kung wala kayong mga ipagmamalaki, hindi ba?" Sumang-ayon naman si Lolo sa sinabi ni Kuya Niko.  Napikot pa yata ng Kuya ko ang ulo ni Lolo. Si Kuya naman ay ngiting tagumpay. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa Kuya kong ang taas ng tingin sa sarili? "Kaya ko kayo pinatawag dito dahil hindi ko naman makausap ang mga magulang niyo dahil masyado silang busy sa mga buhay nila kaya kayo ang pinatawag ko." Tumango naman kami lahat sa sinabi niya at hindi na umimik.  Hinihintay namin siyang matapos sa sasabihin niya. "I'm getting older. Gusto ko ng magka-apo sa tuhod." --- -JustForeenJeo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD