Misis, Tulog ka muna. Luto lang ako. Kain tayo paggising mo. Mister. Napangiti si Ariah. Paglingon niya sa pintuan, naroon si Rush, pinapanood siya. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata nila. "Di ko alam kung ano'ng iisipin ko, Rush," sabi niya at maingat na naupo sa kama. "Ang ini-expect ko, hindi ganito. Walang magbabago sa...sa atin. Akala ko, 'yong five years..." binawi niya ang tingin, sa bear na kulay mocha na lang siya tumingin. Lumapit si Rush at naupo sa tabi niya. "Hindi ka ba komportable sa ganito, Ariah?" "Hindi sa ganoon..." "Ayaw mo na ganito tayo?" "Rush..." "Gusto mong sa papel lang talaga ang kasal?" Nagtama ang mga mata nila. "Nabibigla lang siguro ako," mababang sabi niya. "Hindi kasi natin napag-usapan. 'Di ko talaga inaasahan 'to, Rush..." "Pero okay lang

