Seven

2073 Words

Pag-amin PINANOOD na lang ni Ariah ang pagtawa ni Floro. Nasa kuwarto sila ng lalaki. Nakasandal sila pareho sa mga unan na nasa headboard ng kama at nagkukuwentuhan. Gusto ni Floro na ikuwento niya ang version ng sumpa sa Mahinhinon virgins na nauna nang binanggit ni Manang Lumeng pero hindi raw nito gustong paniwalaan. Nagkuwento si Ariah—buo at mula sa umpisa—ang version na umabot sa kanilang magpipinsan. Binanggit niya ang mga babaeng kadugo na namatay, ang dahilan ng pagkamatay, ang palala nang palalang usapan tungkol sa sumpa at ang iniisip niyang pag-aabang ng buong Pugad Agila sa magiging kapalaran nilang magpipinsan. Sa mga unang minuto, seryosong nakinig si Floro. Pero nang patapos na siyang magkuwento, halatang nagpipigil na ito ng tawa. "Kaya kasama mo ako ngayon," iyon na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD