ANG sumunod na scene pagkatapos ng unang pagkikita namin ni Rush, biyahe na papuntang Baguio. Itim na Innova ang gamit namin, ang napansin kong sasakyan sa garahe nang dumating ako. Sa ilang oras na biyahe paakyat sa Baguio, tatlo lang ang ginawa ko—makipag-usap kay Floro sa text, makipag-usap kay Floro sa cell phone at tumitig sa view sa labas. Si Rush naman, tahimik lang sa manibela. Ang naririnig lang na tunog sa loob ng sasakyan—old songs. Old songs na nakakaantok pero si Rush, mukhang pampagising pa ang mga lumang kanta. Pinigil kong ngumiti. Napaisip ako kung ilang taon na ba ang lalaki. Hula ko, wala pa namang forty. Bakit kaya mga type of music na ni Floro ang gusto niyang pakinggan? Pero dahil hindi naman ako ang nasa manibela na madi-distract ng tunog na hindi gusto, nakinig n

