alinlangan

1258 Words
Vanya pov Pagkatapos ang harana nila Bullet ng dinner naman kami dito sa bahay. Nagluto ako ng special creamy chopsuey . " hindi ko inaasahan na maghaharana ka Bullet" Napakamot naman ito " lahat kasi ng nagiging asawa ng angkan hinaharana ..." " singer ba kayo?" " hindi naman may tono lang..si lolo Kean kasi sabi daw nito sa ankan. Ang pagkanta sa mga minamahal ay way para ipadama ang totoong pagmamahal lalo't torpe ang mga Grazeter." Natawa ako. " torpe pa sa lagay na yan Bullet?" " kung alam lang...hahaha" " so mahal mo ako?" ●_● ganito siya " yayayain ba kita kung hindi?" Balik niyang sagot. Na patanong?? Ganun kabilis ? " alam ko mabilis masyado Brisies. Naniniwala ka ba sa love at first sight?..kasi kami Oo, mga legendary mafia namin they fell inlove as fast as flash." Parang may kilig akong naramdaman. " and sad to say yung pamamaraan ko lang ng pinaka pangit na way para makuha ko ang taong mahal ko." nakayuko ito. Ganyan din ang kwento ni mama saakin noon. " kung nasaktan ka na noon.. .sana wag mong lahatin dahil kahit mababagsik kami sa pangalan, may puso din kami mas higit magmahal kesa sa ordinaryong lalaking nakilala mo." " ... Kahit si lucifer minsan na din itong nagmahal." Natawa ako " pinapanood mo pala ang Lucifer sa netflix?" tanong ko Umangat ang ulo niya. " Oo... Inaabangan ko yun. Ganda diba?" At doon nagsimula ang kwentohan namin about kay Lucifer Bullet pov Nang mangyari ang paghaharana namin ng halos araw araw. Pinaghahandaan na namin ang kasal bukas. Ang kasal na magaganap ay sa hotel syempre. Tinanong ko kasi sya kung saan ang gusto niya.. Garden wedding daw. At dahil maganda ang garden sa hotel doon ko plinano. HQ " guys ok na ang lahat ..singsing nalang." Lupin " ano?..teka wala pa akong nabili ng singsing" " loko ka wag mo nga gayahin yung unang kasal nila lolo Kean noon... .walang singsing" batok sa akin ni Cody " di bumili sus...problema ba yun" " ikaw ang magpa gwapo na nga lang gagawin mo pati singsing binabalewala mo." Taguro " bakit ba kayo ang kinakabahan?..ako ang ikakasal" " dahil sabi ni head... Nasa paligid lang daw ang kalaban mo. Baka mamaya nakidnap na si Vanya pa easy easy ka lang diyan." Oo nga pala lahat ng leading lady ng mga bida nakikidnap at yun ang ayokong mangyari kay Brisies. Dumating si mama dala ang damit ni Brisies. " kinakabahan ba ang baby ko?" " Ma naman wag mo na nga akong tawaging baby.. ..ikakasal na nga ako eh." " sus...nag iinarte na ang baby ko porket ikakasal na.. Kahit anong sabihin mo ikaw pa rin ang baby ko...mahal na mahal ko ang anak ko" Ngumiti naman ako. " wala ka lang choice ma...ako lang naman anak mo eh" "hmmp oh siya... Bago ang lahat. May ibibigay ako sayo" May kung anong bagay ang kinuha niya sa bag nito. Singsing? Wedding ring?? " Ma diba...yan yung wedding ring niyo dapat ng ama ko?" " gusto ko ito ang gamitin niyo para kahit papaano kasali kami sa pagmamahalan niyo. Hindi man kami nagkatuluyan ng papa mo. Andito naman kami para gabayan kayo ni Brisies." " ma...hindi ka naman minahal ng ama ko. Bakit sinasabi niyo ang mga bagay na yan?" Umupo ito sa tabi ko. " minahal ko ng buong buo ang papa mo. Hindi niya tanggap na isa akong mafia. Kaya iniwan niya ako na hindi niya alam na nasa sinapupunan na kita noon." " cut the crap Ma...alam ko kung ano ang totoong kwento tungkol sa ama ko. He will never be part of my life ....yes. He made me but he will never ever be a father to me. He's the monster of my nightmare." Natigilan si Mama. Naikwento sa akin ni lola mlMale na ginamit lang niya si mama dahil may kaya sila. Hinut huta at ginamit sa tawag ng laman. Noong una gusto ko siyang makilala pero ngayon hindi na. Makita ko man siya... Ako ang gagawa ng karma na karapat dpat lang sa kanya. " baby... Sana ilagay mo ang puso mo na minsan napasaya nya ako." " Ma hindi totoong kasiyahan ang pinaramdam niya sayo... Alam niyo na ginamit ka lang niya dahil may luho siya." " ....hindi ko tatanggapin yan kung yan ay binili niya gamit ang pera niyo noon." " baby?" " Isa akong Grazeter yun lang ang pelyedo ko na hindi kailanman mapapalitan. Magiging isang mabuting ama ako sa magiging anak ko. Hindi gaya niya,, mas masahol pa siya sa mga kaaway natin." Lumabas ako ng HQ. Hindi ko napansin na narinig pala nila ang usapan naming mag ina. Nasabi ko lang ang totoo. Pumunta ako sa jewel shop ni tita Smile upang bumili ng wedding ring. " Bullet...ikaw pala" Si tita Smile kasama si ate Happy. " tita kasal ko na bukas nakalimutan ko ang singsing" " ay naku Bullet manang manang ka sa lolo Kean mo. Hehehe don't worry.. Nagawa na ang wedding ring nyo ni Vanya. Si Sad mismo ang gumawa niyan." Pinakita sa akin ang singsing. " wow tita ang ganda...magkano po ito?" " regalo daw yan ni ate Sad mo... Kaya kunin mo na yan." " salamat po...si Ate Sad po?" " lumabas silang para bumili ng damit nila para bukas." " ikaw Bullet ha...mag ingat ka..sa ganda ni Vanya...maaagawan ka hehehe" biro ni ate Happy. " baka ihampas ko sa kanila ang bomba kapag ginawa nila yun ate.hahaha" " paala lang bullet... Kilalanin mong maigi ang mapapangasawa mo.." Tinignan ko si tita. " An angel with smile. An evil inside." Tsaka pumasok sa likod si tita " wag mong pansinin si Mama... Sige na gorabels ka na at maggrest ka para sa kasal mo..magsasara na kami at biyahe na kami sa hotel." " thanks for this...paki sabi kay tita una na ako." Habang pauwi ako. Naisip ko ulit ang sinabi sa akin ni tita Smile. An angel with smile. An evil inside. Tama ba ang gagawin kong pakasalan si Brisies? Hindi ko naman mararamdaman ang mga ganito kung hindi. Sinundo ko si Brisies para sabay kaming pumunta sa hotel y' Grazeter kung saan doon magaganap ang kasal namin. Hotel Pinaghiwalay kami ng kwarto gaya ng nakagawian naming mga ilocano. Mag isa lang ako sa kwarto. Lahat kasi sila mga couple. Bukas ng hapon ang kasal. Kaya may oras pa kaming mag rest. Kinatok ako ni King. Umuwi sila saglit para sa kasal ko. Babalik din daw sila pagkatapos. " madanagan ka?" King ( kinakabahan ka) " madi.. Adda lang panpanunutek." ( hindi...may iniisip lang ako) " si Vanya?" " haan dakes ti agayat Bullet.,ngem kitaem nu talaga ba nga suna talagan" ( hindi masama ang magmahal Bullet,pero tignan mo kung siya ba talaga) " minsan naisip ko. Minahal ko lang ba siya sa itsura? o sa awa?" Tinapik ako ni King sa balikat. " ang mga babae,topakin. Angel to devil. Devil to angel. Ganyan sila pero nasa sayo kung paano sila ihandle. Siya ang lakas mo,pero siya dn ang kahinaan mo. " " anchor.... " " anchor is just the title of person to us. But the real is here" Tinuro nya ang puso ko. " heart to heart. Makikilala ng puso mo ang babaeng mahal mo. Maganda man ito o hindi." " ...Brisies is wanna one of kind lady. A dangerous kind. " dagdag pa niya. Ngumiti ako. " thank you King.. Expert ka na talaga." " ulol...walang expert sa taong nagmamahal ng totoo.. Hindi ka man mahal ni Brisies,ipakita mo na mahal na mahal mo siya." Tumayo ito. " baba na ako... Swimming kami sa baba... Wanna join?" " later... May gagawin lang ako." " be there than that." Tumango naman ako. Sorry sa gagawin ko Brisies. Pero kailangan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD